Chapter 14

136 8 4
                                    

Chapter 14: I like you

"Oh nakabili ka?" I asked Jonas when he entered my Condo. Once a week atang nandito si Jonas kaya binigyan ko na siya ng spare key.

"Oo naman, gutom ka ata e." narinig kong may nilapag si Jonas sa counter table. Hindi na ako nag-salita dahil busy ako sa pagta-type sa laptop ko.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Jonas. Lumingon ako sa kanya at nakita ko na may hawak siyang dalawang can ng softdrinks, inabot niya sa akin ang isa kaya kinuha ko. Binuksan ko iyon bago uminom ng kaunti bago nilapag sa coffee table.

Naka-upo ako sa sofa habang may unan sa hita ko na nakapatong para lagyan ng laptop ko, I don't know, mas komportable ako sa pwestong ito lalo na kapag nagta-trabaho ako.

Nang matapos, pinatay ko na ang laptop ko at binalik iyon sa bag ko. Tinignan ko si Jonas at nakita kong busy na siya sa pagkalkal ng Netflix ko. Umirap ako at pabagsak na umupo ulit sa sofa at kumuha ng isang pizza at junk food na dala niya. I know, this is unhealthy food, but I'll work out tomorrow before going to work.

"Itaewon Class, have you watch it already?" I asked him. Of course hindi, wala siyang tipo sa K-drama.

"Hindi pa, maganda?" tanong ni Jonas habang ngumunguya.

"Yes, super ganda. Lika panoorin natin," I giggled.

He just shrugged and nodded. "Okay, is that a k-drama?"

"Yes, and it's so goooood." I tried to convince him. Mukha namang gumana dahil hinanap niya sa Trending at nakita naman niya agad.

I checked the time and It's 7PM, kakasimula pa lang namin sa Episode One, kaya alam kong hindi kami magkakapag-hapunan nito.

Tumayo ako at tumingin sa kanya na na-hook agad. Ngumisi ako. "I'll cook dinner, continue watching, worth it 'yan."

Natawa ako ng tumango lang siya. Wow, naadik agad.

Pumunta ako sa kitchen at balak magluto ng Adobong Baboy, since I craved for it anyway. Nagsaing na rin ako sa rice cooker para kapag natapos na ako, luto na rin ang kanin.

Nilingon ko si Jonas na nakahiga na sa sofa ko habang busyng nakatutok sa TV. I just noticed that he's wearing a gray hoodie and a black sweatpants right now, komportableng komportable talaga. Akala mo bahay niya eh.

8PM na akong natapos sa niluluto ko. At nang napatingin ako kay Jonas, hala, yakap-yakap na nung unan ko. Nakadapa na ito sa Sofa habang seryosong-seryoso ang mukha habang nakatutok pa rin sa TV. That's bad.

"Hoy, anong episode ka na?"

"Episode two." he said and did not even look at me. Aba!

"Tigil mo muna 'yan, kumain ka muna." I said placing two plates on the table. Naglagay ako ng ulam sa malaking mangkok at kumuha ng serving spoon. Naglabas na rin ng tubig galing sa refrigerator bago siya tinawag.

"Ayoko, nanggigil ako kay Geun-won." hindi pa rin ako tinignan ni Jonas. I rolled my eyes and went to him and stopped the episode.

Nanlalaki ang mata ni Jonas at masama ang mukha na tumingin sa akin.

"Kakain ka o palalayasin kita sa condo ko?"

"Eto na nga, madame, kakain na." Bumuntong-hininga si Jonas at umirap bago tumayo at nauna nanv umupo sa akin sa upuan. Narinig ko pa siyang bulong ng bulong ng kung ano-ano.

Umupo na ri ako at nagsimula ng kumain nang biglang nagsalita si Jonas.

"Tapos mo na ba 'yun?" tanong niya.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon