Chapter 4:

2.1K 51 1
                                    

Maganda. Isang salita na magbibigay kahulugan sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Kahit saan mo ilibot ang mga mata mo ay puro bulaklak ang makikita mo. Nandito kami ngayon sa isang flower farm at ito ang lugar kung saan ako ikakasal.

Yes tama kayo. Makalipas lang ang isang linggong preperasyon ay ikakasal na kami ni Zach Harrison.

Oo nga at ikakasal na ako. Oo nga wala pa akong nararamdaman para sa kanya pero hindi ko naramdaman na mali ito. Gusto kong isipin na tama ang gagawin ko dahil iyon talaga ang nararamdaman ko.

Naramdaman kong may pumisil sa kamay ko. Nang tignan ko ito ay ang mga kapatid ko lang pala. Tinignan nila ako ng makahulugan at alam ko ang ibig sabihin nun.

Oo suportado nila ang desisyon kong ito pero nag-aalangan pa sila dahil hindi nila kilala si Zach ng personal. Kahit ako naman ay hindi ko pa sya masyadong kilala bukod sa iilang imporsyadong alam ko.

Zachary Harrison. Nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang Harrison. Sina Zeus at Agatha Harrison. May isa syang kapatid at yun ay si Tiffany Harrison na ate nitong mapapangasawa ko. Ayon sa research ko ay hindi sila close kahit na dalawa lang silang magkapatid.

Ang kapatid nyang si Tiffany ang may hawak ng pinakamalaking shares sa kumpanya nila kasunod si Zach. Sa lahat ng negosyo ng pamilya nila ay tanging clothing line lamang ang hawak ni Zach maging ang iilang restobars na si Zach mismo ang nagpundar.

Muli kong naramdaman ang paghawak at pagpisil sa kamay ko na si Ingrid ang may gawa. She's my twin sister. Kasama nya ngayon ang isa pa naming kambal na si Ivy. Tanging ang kambal ko pang nakakabatang kapatid ang wala ngayon. Masyado silang busy sa trabaho kaya hindi sila makakapunta. Nag skype naman kami kanina at binati nila ako.

"Ate what are thinking? Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" seryosong sabi sakin ni Ivy.

"Para ito sating magkakapatid kaya sigurado ako sa desisyon kong ito, Ivy." sagot ko sa kanya.

"Ate, sigurado ka bang hindi mo ito pagsisisihan sa huli? Ate may nararamdaman ka ba sa kanya? Mahal ka ba nya? Paano mo nasisiguro na hindi ka nya sasaktan?" nag-aalalang tanong naman sakin ni Ingrid.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Ingrid. Oo nga at gusto akong pakasalan ni Zach pero anong dahilan? Bakit nya minamadali ang kasal namin? Anong makukuha nya sakin eh may nangyari na samin noon? Mahal ba nya ako? O may iba pang dahilan na hindi nya sinasabi sakin?

"Girls, wag nyo nang stressin yang ate nyo. Ano ba kayo? This is her day. Tsaka kanina pa kayo hinihintay ni Zach no!" sabi ni Athena sakin.

Napabuntong-hininga na lang ang mga kambal ko bago ako hinawakan sa magkabilang braso ko at naglakad papunta kay Zach na kanina pa kami hinihintay.

Nakita kong nakakunot ang noo ni Zach habang hinihintay kami. Nang makita nya ako ay biglang umaliwalas ang mukha nya at ningitian ako.

Ngayong kasal namin ay tanging mga kapatid, mga kaibigan ko at mga kaibigan nya lamang ang nandito.

Hindi lahat ng mga kaibigan ko ay nakarating dito pero nagmessage naman sila sakin. Sa dami ng mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Zach ay hindi mo aakalaing simpleng kasal lamang ito.

Ako mismo ang nag-request kay Zach na simpleng wedding lang ang gusto ko na syempre ay hindi nya pinayagan agad. Gusto nya ay engrandeng kasal ang mangyari dahil magiging memorable daw ito para saming dalawa. Hindi rin nagtagal ay napapayag ko sya. Saka na lang daw ang engrandeng kasal na gusto nya talaga.

"You may now kiss your bride." sabi ng pari hudyat na pwede na akong halikan ni Zach.

Itinaas nya ang belo ko at ngumiti sakin bago nagsalita, "Thank you baby. Mahal na mahal kita, Ysabel Montefalco-Harrison."

Hindi agad ako nakapagsalita at hindi ko maiproseso ang sinabi nya sakin bago ako halikan nang mapusok. Nagsitawanan naman ang mga bisita at binibiro pa sya ng mga kaibigan nya.

-----

Nandito kami ngayon sa reception ng kasal namin. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Zach sakin.

"Mahal na mahal kita, Ysabel Montefalco-Harrison."

"Mahal na mahal kita, Ysabel Montefalco-Harrison."

"Mahal na mahal kita, Ysabel Montefalco-Harrison."

"Ate!" rinig kong sigaw sakin ng kapatid ko. Pinaningkitan ko naman sya ng mata at ang loko ay nag-peace sign lang sakin.

"Bakit ba?" naiinis na tanong ko. Kita mong may iniisip pa ako eh nang-iistorbo!

"Ate naman.. For the last time, sigurado ka ba talaga dito?" tanong ni Ingrid.

"Nagpapatawa ka ba Ingrid? Kita mong kakakasal lang namin diba? Gusto mong makipag-divorce agad ako?" tanong ko sa kanya.

Natawa naman sina Athena at Gale dahil sa sinabi ko. Nagseryoso naman ang mga kambal ko.

"I know what you're doing ate. Kaya please.. Pwede mo pa syang pakiusapan--" hindi naituloy ni Ivy ang sasabihin nang magsalita ako.

"I know what I'm doing Ivy. Para ito sating magkakapatid. Tsaka magiging modelo ako ng kumpanya nya katulad ni mama." seryosong sabi ko.

"Yun na nga ate eh! Paano kung matulad ka kay mama?!" pagrereklamo naman ni Ingrid.

"I know. Promise, hinding-hindi ako matutulad kay mama at sisiguraduhin ko yun." sagot ko na lang dahil ayoko nang pag-awayan pa namin ito.

"Girls.. Hayaan nyo na ang ate nyo at matanda na yan. She's 25 years old. Alam nya na kung anong tama at kung anong mali." biglang sabi ni Athena.

"Oo nga. Tsaka kahit anong mangyari, nandito tayong lahat para sa kanya, diba?" sabi naman ni Gale na syang nagpaluha sakin.

Nawala man sila mama samin, binigyan naman ako ng mga kaibigang maaasahan sa kahit na anong oras. Ang swerte ko talaga!

"Sissy!" pagtawag sakin ni Andrea bago lumapit sakin nang nakabusangot.

"Anyare, Ands?" tanong ni Athena.

"Pwede bang kausapin mo yang kaibigan ng asawa mo? Kanina pa ako naririndi sa kanya no! Kanina pa nya ako kinukulit na makipagbalikan sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha nya!" naiinis na pagsumbong ni Andrea.

Well, kung hindi nyo naitatanong ay dating magkasintahan sina Andrea at Josh na ngayon ko lang nalaman na kaibigan pala ni Zach. Nagloko kasi yang si Josh kaya naghiwalay sila ni Andrea. Ang alam ko ay limang taon na sila nun.

Agad namang lumapit sakin si kuya Andrew at ginulo ang buhok ko. "Kasal na rin ang baby sis ko. Hindi mo sinabi sakin na si Zach pala ang mapapangasawa mo ah." sabi nya habang pataas baba ang mga kilay na parang inaasar ako.

Ngayon ko lang din nalaman na magkasosyo sa negosyo sina kuya Andrew at Zach. Hindi ako na-inform na magkakakilala pala ang ilan sa mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Zach.

"Baby!" pagtawag naman sakin ni Zach na ngayon ay tipsy na. Nag-inuman ba naman sila ng mga kaibigan nya pati na rin ang ilang mga kaibigan ko.

"Excuse us. Dadalhin ko muna sa kwarto itong asawa ko. Baka anong gawin eh." pagpapaalam ko sa kanila bago ko hinila si Zach papunta sa kwarto namin dito sa bahay. Dito kasi ginanap yung reception ng kasal namin.

"Zach, ang bigat mo naman. Maawa ka naman sa katawan ko." pagrereklamo ko na sinagot nya ng tawa.

Maya-maya ay hinila nya ako papunta sa kama at nasa ibabaw ko na sya. "Zach.. Lasing ka na.." sabi ko bago sya itulak pero malakas sya.

"Baby I'm not." bigla bigla naman syang nagseryoso. "Ysabel, I've been waiting for this. You and I as husband and wife." sabi nya bago ko naramdaman ang pagbaba ng zipper ng wedding dress ko.

Tinitigan nya ako nang seryoso bago ngumiti ng pagkatamis-tamis. Hinaplos nya ang pisngi ko bago ako halikan sa noo ko.

"Mahal na mahal kita, Ysabel. Always remember that baby." sabi nya bago ako halikan sa mga labi na agad ko din namang tinugon.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon