Last Chapter Part 4:

1.1K 27 0
                                    

Nandito kami ngayon ng asawa ko sa kwarto namin. Nakaupo sya sa kama habang nakasandal sa head board ng kama. Nakahiga ako at ang mga hita nya ang ginawa kong unan.

Hinahaplos nya ang ulo ko nang magising ako. "Mommy!" pagtawag ko sa mommy ko. Parang sirang gripo namang nagsituluan ang mga luha ko nang maalala ang nangyari.

Wala na si mommy. Pinatay ang mommy ko at tinapon ang katawan nya sa ilog Pasig. Kahapon lamang natagpuan ang katawan nya.

Bumangon ako at niyakap ang asawa ko habang umiiyak sa balikat nya. "Wala na sya baby.. Wala na si mommy.." sabi ko sa kanya.

"Sshhh. I'm here baby. Dito lang ako sa tabi mo.." rinig kong sabi nya habang hinahaplos ang ulo ko.

Humarap ako sa kanya at nagtanong, "Baby.. Paano kung.. Paano kung malaman mong magkapatid tayo?" seryosong tanong ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya.

Gusto kong itanong. Gusto kong malaman kung anong gagawin nya kapag nalaman nya iyon. Ayokong iwan nya ako. Hindi ko kakayanin kapag nawala sya sa akin.

Seryoso syang humarap sa akin bago sumagot, "Alam ko.. Alam kong magkapatid tayo sa ama Zach."

Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. Mas nagulat ako nang makita ang masaya nyang ngiti bago nya hawakan ang magkabila kong pisngi at tanggalin ang mga luha ko doon.

"Alam kong alam mong hindi tayo magkapatid, baby. Alam kong sinabi na yun sayo ni mama Agatha." sabi nya pa.

"Alam mo?" pagtanong ko na sinagot nya ng paghalik sa mga labi ko.

"Sa tingin mo ba, mananatili ako sa tabi mo kung alam kong magkadugo talaga tayo? Sa tingin mo ba hahayaan kong mahulog ako sa sarili kong kapatid kung hindi ko alam ang totoong pagkatao mo?" seryosong sabi nya.

Nang-aasar na ngumiti sya, "Scared? Natakot ba ang asawa ko?"

Hinalikan ko ang buong mukha nya bago ko halikan ang mga labi nya nang matagal. "Yes, I was scared baby. Akala ko.. Akala ko hindi mo alam na hindi tayo magkadugo.." sabi ko bago sya muling halikan.

.
.
.
.
.

"Baby? Bakit mo pinakitunguhan nang maayos si mommy? Pangalawang asawa sya ng daddy mo... Hindi ka ba nagalit sa kanya?" tanong ko sa asawa ko.

"Noong una galit ako sa kanya. Pero naisip ko, biktima lang din sya. Biktima ng maling pag-ibig." sagot nya bago may kinuha sa closet nya.

Iniabot nya sakin ang isang box, "Binigay yan sakin ng mama mo. Balak kong buksan yan ngayon kasama ka." sabi nya.

Binuksan ko iyon at pinakita sa asawa ko. Kinuha nya ang isang sulat at binasa. Umiiyak syang humarap sa akin bago nagsalita, "She apologized to me Zach. Ang sabi nya pa.. Hihingi sya ng tawad kay mama kapag nagkita sila sa langit.."

Pinunasan ko ang magkabila nyang pisngi, "Ilang beses nyang sinubukan na humingi ng tawad sa inyo ng mga kapatid mo.. Hindi ko akalain na magagawa nya gamit ang sulat."

Muli nyang tinignan ang loob ng box at agad syang nagtaka nang may makitang pictures at isang cellphone. Agad kaming nagkatinginan nang makita ang mga litrato at ang laman ng cellphone.

"Pictures nya kasama si Steffi at mama nya." sabi ko sa asawa ko.

Ang mga litrato ay kuha sa iba't-ibang lugar. Mayroong coffee shop, mayroong mall at kung saan-saan pa. Hindi ko maintindihan kung bakit sila paulit-ulit na magkasama at tila may pinag-uusapan.

Binuksan ng asawa ko ang cellphone at agad tinignan ang messages. Mga mensahe galing sa mag-inang Montemayor ang tanging naroon. Mga mensahe ng pagbabanta sa buhay ng mommy ko at iba pang mensahe na may kaugnayan sa pilit na pagpapakasal ni Steffi sa akin.

"Hindi kaya?" tanging nasabi nya bago sya may tinawagan sa cellphone nya.

.
.
.
.
.

"What do you want?" seryosong pagtanong ni daddy sa amin ng asawa ko.

Agad na pinakita ni Ysabel ang lahat ng laman ng box na binigay sa kanya ni mommy bago ito namatay. Halatang nagulat si daddy sa nakita at kinuha nito ang sulat na para sa asawa ko.

Binasa nya iyon at lumuluhang tumingin kay Ysabel bago nagsalita, "She also apologized to me through her letter. She wanted us to be together anak."

"Hindi pa ngayon. May kailangan pa tayong gawin, papa." rinig kong sagot ng asawa ko bago nya niyakap si daddy na paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kanya.

.
.
.
.
.

"I knew it! Isang pagkakamali na nagtiwala ako sa kanila." sabi ni daddy matapos mapanood ang isang video na nakuha ni Ivy.

"Bakit ka nagtiwala sa pamilya nila, papa?" takang tanong ng asawa ko.

Tumingin sya ng seryoso sa amin bago sumagot, "Sila ang gumawa ng paraan para hindi lumabas sa publiko ang tungkol sa pagpapatay sa mama mo anak."

"What's the plan mga anak?" seryosong pagtanong ni daddy sa amin maya-maya.

"Let's act. Hayaan natin silang isipin na natalo na nila tayo. Hayaan natin silang magsaya dahil aakalain nilang makukuha na nila ang gusto nila." panimula ni Ysabel.

"Ipagpatuloy mo papa ang ginagawa mo. Hahayaan nating isipin nila na tuluyan ka nilang napaikot sa mga kamay nila." seryosong sabi ng asawa ko kay daddy bago tumingin sa akin.

"Gawin mo kung anong gusto nila. Hayaan nating isipin nila na makukuha nila lahat ng gusto nila." sabi nya sa akin.

"Kapag sa tingin nila ay nanalo na sila, doon natin ilalabas lahat ng sikreto ng pamilya nila." pagpapatuloy nya.

.
.
.
.
.

"Papa.. Wala akong nagawa.. Hindi ko naprotektahan ang mg anak ko.. Waal akong nagawa.." sabi ng asawa ko habang umiiyak sa balikat ni daddy.

Nakunan ang asawa ko dahilan ng pagkakamatay ng mga anak namin. Dahil yun kay Steffi. Kung hindi nya sinaktan ang asawa ko, sana buhay pa sila. Magbabayad sya. Sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan.

"Ate kain ka na.." rinig kong sabi ni Ingrid sa ate nyang tulala.

Lumapit ako kay Ingrid at kinuha ang pagkain ng asawa ko. "Asawa ko kain na.. Hindi ko rin kakayanin kapag may nangyaring masama sayo.." sabi ko sa kanya.

Lumuluhang tumingin sya sa akin, "Galit ka ba sa akin? Sinisisi mo ba ako?" pagtanong nya.

Ibinaba ko ang pagkain nya sa lamesa bago ako muling humarap sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi bago ako sumagot, "Hindi. Kahit kailan ay hindi kita sisisihin sa bagay na wala kang kasalanan. Hindi ako galit sayo baby ko."

Umiiyak sya nang umiyak bago muling nagsalita, "Galit ako sa kanya baby. Kinuha na nya si mama Agatha satin. Tapos ngayon ang kambal natin.. Magbabayad sya Zach.. Magbabayad sila ng nanay nya!"

Niyakap ko sya nang mahigpit bago ako nagsalita, "Ipapakulong natin sila baby ko. Hindi ako titigil hanggat hindi sila nagbabayad."

.
.
.
.
.

"Anong plano ate?" rinig kong pagtanong ni Ingrid sa asawa ko.

Tumingin ito nang seryoso sa kanya, "Tawagan mo si Ivy. May ipapatrabaho ako sa kanya."

Nandito pa rin kami sa ospital na pagmamay-ari nila. Sa susunod pang araw ang paglabas nya rito. Nagbabalat ako ngayon ng mangga para sa asawa ko.

"Baby.." pagtawag ko sa kanya.

Nilingon nya ako bago ko isubo sa kanya ang mangga. Kanina pa sya kain nang kain ng mangga. Nakayakap sya sa baywang ko habang sinusubuan ko sya.

"Ate anong binabalak mo?" biglang pagtanong ni Ingrid.

"Ipapakita ko sa Steffi na yun kung sinong binangga nya. Ilalabas ko ang baho ng pamilya nila. Sisiguraduhin kong masisira sya sa publiko." seryosong pagsagot nya.

----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon