Chapter 15:

1.1K 21 0
                                    

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan na masaya kaming nagsasama ni Zach. Sa ngayon ay nandito pa rin kami sa bahay nina nanay Lidia dahil ayaw nya kaming pabalikin sa bahay ni Zach. Wala daw mag-aasikaso sa amin doon at baka kung ano daw ang mangyari samin ng anak namin ni Zach.

Hinaplos ko ang hindi pa gaanong kalakihang tyan ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Limang buwan. Limang buwan na ang tyan ko at sa ngayon ay maayos naman ang pagbubuntis ko.

"Malapit na tayong magkita, anak. Apat na buwan na lang ang hihintayin." pagkausap ko sa anak ko.

Naramdaman ko namang yumakap sakin mula sa likod ang asawa kong malaki ang ngiti. "Malapit na natin silang makita." sabi nya bago hinaplos ang tyan ko.

Oo tama kayo. Sila. Kambal ang anak namin ni Zach. Akalain nyo yun? Tama sya ng sinabi na kambal ang pinagbubuntis ko? Ang galing nya diba?

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Zach. Bumukas iyon at si tatay Kanor pala ang kumatok. "Aalis na ba kayo? Kumain muna kayo ng tanghalian at sabayan nyo kami ng nanay Lidia nyo." pang-aaya nya.

Binuhat ako ni Zach bago kami lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina. Nang makarating ay agad nya akong binaba sa upuan. Nagningning naman ang mga mata ko nang makita kung anong ulam. Hotdog at itlog!

Napalakpak pa ako nang makita ko ang mango juice ko at mga manggang nabalatan na. Yummy!

Nagsitawanan naman sila dahil sa reaksyon ko. Kung hindi nyo naitatanong ay mahilig na ako sa hotdog, itlog at mangga. Sino bang hindi? Ang sarap kaya lalo na yung hotdog at eggs ng asawa ko!

Hindi tulad noon na pinagsasandok ako ng pagkain ni Zach, ngayon naman ay sinusubuan nya ako. Ewan ko ba sa kanya! May mga kamay naman ako no. Pakiramdam ko tuloy at bini-baby nya ako na gustong-gusto ko naman haha!

"Anong oras kayo pupunta sa ospital?" tanong ni tatay Kanor maya-maya.

"Pagkatapos pong kumain ay aalis na po kami. May iba pa pong appointment si Czarina ngayong araw at siningit nya lang ang check up ng asawa ko." sagot ni Zach bago ako painumin ng mango juice.

"Mag-ingat kayo ha? Balitaan nyo kami kung anong kasarian ng kambal nyo." nakangiting sabi naman ni nanay Lidia.

Masayang tumango naman kami ni Zach. Tama ulit kayo. Ngayon ang check up kay Czarina na pinsang doktor ni Zach. Ngayon namin malalaman kung lalaki o babae ang kambal namin. Excited na nga ako eh!

"May naisip na ba kayong pangalan?" tanong nila.

Napaisip naman ako. Ano nga bang magandang pangalan? Kung hotdog at eggs kaya? Tutal doon naman sila pinaglihi. Tama! Yun na lang, maganda naman diba? Hihi!

"Wala pa po kaming naiisip. Siguro po saka na lang kapag nalaman na ang kasarian nila." nakangiting pagsagot ni Zach.

Ikaw kaya wala pang naisip! Ako meron na! Gusto ko sanang sabihin yan kaso wag na lang. Mag-isip sya ng ibang idea no. Walang gayahan!

"Excited na kami ng tatay Kanor nyo. Oo nga pala Ysabel anak, kailan ba dadalaw dito ang mga kapatid mo? Aba'y mahigit limang buwan na mula nang sabihin nilang bibisita sila. Kahit anino nila ay hindi man lang nakita!" sabi bigla ni nanay Lidia.

Oo nga no? Tandang-tanda ko pa ang sinabi nilang bibisita sila. Makutusan nga kapag nakita ko sila! Pinaasa nila ako ah!

"Ah nay, wag po kayong mag-alala, tatawagan ko po sila at papapuntahin ko sila dito agad-agad." alanganing pagsagot ko.

Hindi ko kasi sigurado kung kailan hindi sila busy. Hindi na nga ako tinatawagan eh. Nag-asawa lang ako at nakalimutan na nilang may dyosa silang ate. Kailangan ko talaga silang kurutin sa mga singit nila.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon