Chapter 33:

938 20 0
                                    

Nasa kwarto kami ngayon ng mga kapatid ko habang nagkukwento si mama tungkol sa isang episode ng Spongebob. Maya-maya ay nagulat kami nang bigla kaming nakarinig ng pagputok ng baril.

Nagsiyakap ang mga kapatid ko kay mama habang ako ay nakatingin lamang sa seryosong mukha ng mama ko. Hinarap nya kami at tinignan isa-isa. "Dito lang kayo. Wag na wag kayong lalabas dito. Naiintidihan nyo?" sabi ni mama bago sya lumabas sa kwarto namin.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang bumalik si mama at nagmamadaling binuhat si Ingrid. Pumasok din si nanay Lidia at tatay Kanor at agad kaming binuhat ni Ivy bago nagmamadaling lumabas ng kwarto namin.

Hindi namin alam kung anong nangyayari basta ang alam namin ay mapanganib sa bahay. Agad-agad na pinapasok kami ni tatay Kanor sa loob ng kotse bago sya pumasok sa loob matapos kausapin ang iilan naming trabahador sa bahay.

Mabilis na nagmamaneho si tatay Kanor paalis ng bahay hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Nang makarating doon ay agad kaming pumasok sa loob. Nakita naman naming pumasok din sa loob ng bahay ang iba naming trabahador.

Pinapatulog na kami ni mama ngayon sa isang kwarto dito sa bahay. Nang masiguro ni mama na tulog na kami ay agad syang lumabas ng kwarto. Ang hindi alam ni mama ay gising pa ako at sumunld sa kanya sa labas ng kwarto.

Nagtago ako upang hindi ako makita nina mama. Narinig ko namang seryosong nakikipag-usap si mama sa lahat.

"Hindi ko ho ito gusto pero kinakailangan nyo pong umalis sa poder namin. Hindi ko ho kakayanin kapag may nangyaring masama sa inyong lahat." rinig kong sabi ni mama.

"Naiintindihan ho namin maam Cassandra. Pero nag-aalala ho kami sa inyo ng mga bata. Sunod-sunod ang mga death threats na nakukuha nyo. Ngayon nga ay pinaulanan ng bala ang bahay nyo." rinig kong sabi ng isang katiwala namin.

"Huwag po kayong mag-alala. May plano na ho kami ni Angela na pumunta ng ibang bansa para sa kaligtasan ng mga bata." sagot ni mama.

"Kailan ho ang byahe nyo maam? Dapat ay sa madaling panahon para sa kaligtasan nyo ng mga bata." rinig kong tanong ni tatay Kanor kay mama.

"Bukas ho. Salamat ho sa inyong lahat. Wag kayong mag-alala, ipapadala ko ang mga sweldo nyo."

"Maam, wag na po. Mas kailangan nyo yan ng mga bata." rinig kong sabi ni nanay Lidia.

.
.
.
.
.

Nagmamadali kaming naglalakad nina mama dito sa airport. Kasama namin si tita Angela na mukhang nag-aalala.

"Dito muna kayo at bibili ako ng tickets." sabi ni mama sa amin bago sya tumingin kay tita Angela, "Ikaw na ang bahala sa mga bata." huling sabi ni mama bago sya umalis.

Ilang oras kaming naghintay kay mama pero hindi na sya bumalik pa. Ilang beses syang tinawagan ni tita Angela pero hindi sya sumasagot.

Wala kaming nagawa nang magdesisyon si tita Angela na matuloy kami sa States kahit hindi kasama si mama. Ang sabi nya ay gagawa sya ng paraan para matawagan at mahanap si mama.

.
.
.
.
.

Lumipas ang ilang linggo nang wala pa ring paramdam si mama. Nandito kami ngayon sa States at kasama namin si tita Angela maging ang isang lalaki na napag-alaman naming asawa nya.

"Tita, nasaan na po si mama? Bakit hindi natin sya kasama?" tanong ni Ivy.

Nagkatinginan naman sina tita Angela at tito Gabriel at nag-iwas ng tingin sa amin ng mga kapatid ko. Alam ko may tinatago sila. Alam ko may hindi sila sinasabi sa amin.

Lumipas ang limang taon na nanatili kami sa States. Napagdesisyunan nina tita Angela na umuwi kami pansamantala sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay baon namin ang katanungang, nasaan si mama?

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon