Chapter 23:

889 22 0
                                    

Abort my babies? Nagpapatawa ba sya? Sinong ina ang gugustuhing mamatayan ng sariling anak?!

"Sa tingin mo ba, susundin namin ang gusto mo? Of course not!" galit na sagot ni Zach sa ama nya.

"Zach.. Look, I'm giving you a favor. Hindi magiging maganda ang imahe mo kapag nalaman ng madla na may anak ka sa ibang babae! Lalo na kapag kasal na kayo ni Steffi!" sabi pa nito.

"Bakit ba gustong-gusto mo akong magpakasal sa kanya?! Kung gusto mo naman pala, bakit hindi ikaw ang gumawa?! Hindi yung pinapakialaman mo kami ng pamilya ko!" sigaw ni Zach bago hawakan ang kamay ko at pinatayo.

Hindi pa man kami nakakaalis ni Zach sa hapagkainan ay bigla na lang pinalo nang malakas ni Zeus ang lamesa bago galit na galit na sumigaw.

"Bastos kang bata ka! Hindi kita pinalaki, binihisan at pinalamon para bastusin mo ako!"

"Zeus tama na!" sigaw ng ina ni Zach sa asawa nito na nagulat sa ginawa nito.

Nanlilisik ang mga matang tumingin ang matandang Harrison sa asawa nya, "Wag kang makialam dito Agatha!" sigaw nito bago muling tumingin samin ni Zach.

"Sa ayaw at sa gusto nyo, ipapalaglag nyo yang batang yan at magpapakasal ka Zach kay Steffi!" sigaw nito.

Humarap ako sa kanya bago ko naramdaman ang kamay ni Zach sa baywang ko. "Kung magsalita ho kayo parang wala kayong anak! Ipapalaglag?! Sinong magulang ang papayag na mamatayan ng sariling anak?! O baka naman ho ay nagawa nyo nang ipapatay ang sarili nyong anak?"

"Shut up! Wag kang makialam dito dahil wala kang alam!" galit na sigaw nya sakin.

"At bakit naman hindi ako makikialam?! Anak ko ang pinag-uusapan dito at hindi kung sinu-sino lang!" sigaw ko rin sa kanya.

Hinawakan ako ni Zach bago nya ako itinago sa likod nya na parang pinoprotektahan nya ako laban sa ama nya. "Kahit anong sabihin at kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita susundin!" sigaw ni Zach bago ako hawakan sa baywang at inayang umalis na doon.

Hindi pa man kami nakakaalis ay muling sumigaw ang ama nya, "Come back here you two! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Nang muli kaming humarap sa kanya ay nakita kong sinampal sya ng ina ni Zach, "Wag na wag mong sisigawan ang mga anak ko! At hindi ako makakapayag na mawala ang mga apo ko! Magkamatayan man tayo Zeus, itaga mo sa bato! Hinding-hindi susunod ang anak ko sayo!" sigaw nito bago lumapit samin ni Zach at hawakan ang kamay ko.

Sisigaw pa sana ang ama ni Zach nang biglang magsalita si ate Tiffany, "Tama na dad! Tama na.. Hindi ka na nakakatuwa! Sa tingin mo, sa ginagawa mong yan nakakabawi ka sa kanya?! Hindi! Mas pinapalala mo lang ang sitwasyon!"

Unti-unting lumayo si ate Tiffany sa ama nya bago ito tinitigan sa mga mata, "Isa pa dad. Isa pa.. Ako na mismo ang lalayo sa inyo at hahayaan kong maiwan kang mag-isa." sabi nito bago lumapit samin.

.
.
.
.
.

Matapos ang sagutang nangyari kaninang umaga ay wala na kaming narinig pa mula sa ama ni Zach. Ang mama naman nya ay ilang beses na humingi ng tawad samin at sisiguraduhin nya daw na walang mangyayaring masama samin ng kambal ko.

Hapon na ngayon at kakagising ko lang mula sa pagkakaidlip. Wala si Zach sa tabi ko at ako lang mag-isa dito sa kwarto nya. Nang silipin ko ang labas ay hindi na umuulan pa. Mabuti naman at gustong-gusto ko nang umuwi samin.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Zach. Naglakad-lakad ako nang may mapansin akong kwarto sa di kalayuan. Dahil sa na-curious ako ay pinuntahan ko at ang laki ng ngiti ko nang hindi ito naka-lock.

Namangha ako nang makita ang nasa loob. Puro laruan ng mga batang babae. Barbie dolls, iba't-ibang stuff toys at kung anu-ano pa. Ang buong silid ay puro pink. Halatang para sa babae.

Lumapit ako sa isang stuff toy. Kinuha ko ito at tinitigan. Pamilyar ito sakin at parang nakita ko na noon.

Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko, "Anong ginagawa mo dito?"

Nilingon ko ito at nakita ko ang ama ni Zach na seryosong nakatingin sakin at sa stuff toy na hawak ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang stuff toy sa kung saan ko nakuha.

Lalabas na sana ako nang hawakan nya ang isang braso ko. Tinignan ko sya nang masama bago nya unti-unting binitawan ang braso ko. Agad akong lumabas doon at bumaba para hanapin si Zach.

---

Nang makababa ako sa hagdan ay nakita ko agad ang asawa kong may kausap na babae. Hindi ko makita ang babae dahil nakatalikod ito sa akin.

"You're crazy! Pwede ba tigilan mo ako!" sigaw ni Zach bago lagpasan ang babae.

Nakita ko namang niyakap ng babae ang asawa ko mula sa likod. "Honey please. You know how much I love you." sabi nito.

Nakita ko namang tinanggal ni Zach ang pagkakayakap sa kanya ng babae bago ito kinausap, "And you know how much I hate you! Kaya pwede ba tumigil ka na!"

May naramdaman akong humawak sa kamay ko at nakita kong si ate Tiffany iyon. Niyaya nya akong umakyat sa kwarto nya. Tinignan ko namang muli si Zach at nakita ko itong lumabas ng bahay at naiwan namang umiiyak yung babae.

Nang makarating sa kwarto ni ate Tiffany ay agad nya akong pinaupo sa kama nya bago may iniabot na tatlong bracelets. Tinignan ko naman ang mga ito bago ko ibalik ang tingin ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin bago nya sinuot sakin ang isang bracelet, "It looks good on you!" nakangiting sabi nya sakin.

Ngumiti rin ako sa kanya bago ko sya titigan. Sa totoo lang ay maganda sya. Mayroong peklat sa kanang bahagi ng noo nya pero hindi naging dahilan yun ng pagkabawas ng angking ganda nya. Hinaplos ko ang peklat nya sa noo. Medyo pahaba yun mula sa gitna ng noo nya hanggang sa kanang kilay nya.

"I got that when I was a kid." sabi nya bigla dahilan ng pagbaba ko ng kamay ko.

"Naaksidente ako nung bata pa ako at yang peklat na yan ang palaging nagpapaalala sakin ng malungkot na alaalang iyon." sabi nya pa bago ako tignan sa mga mata ko.

"Yang peklat ding yan ang magpapaalala ng pagkawala ng mga mahahalagang tao sa buhay ko." sabi nya pa bago ako niyakap nang mahigpit.

Maya-maya ay may narinig kaming pagkatok. Bumukas ang pinto at niluwa niyon ang asawa kong mukhang nag-aalala. Lumapit sya sa akin at niyakap ako bago nya hawakan ang mukha ko.

"Lets go home baby. Maganda na ang panahon sa labas." sabi nya na nagpangiti sakin. Kahapon ko pa kaya gustong-gusto umuwi sa amin no!

Malungkot namang tumingin si ate Tiffany sa amin. Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako nang mahigpit. "Huwag mong kalimutang ibigay ang mga bracelet sa mga kakambal mo ah?" sabi nya sakin na sinagot ko ng pagtango.

Nagpaalam kami ni Zach sa mama nya. Lumuluha naman nya akong niyakap nang mahigpit bago haplusin ang tyan ko. "Wag kayong mag-alala, kakampi nyo ako. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo ng mga apo ko." sabi nya sa akin.

Masaya kaming umalis doon ni Zach at nagpapasalamat kami nang makarating kami sa bahay ng walang masamang nangyari sa amin. Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ng mga kapatid ko.

----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon