Chapter 9:

1.2K 29 0
                                    

Kanina pa ako palakad-lakad sa sala ng bahay nina nanay Lidia habang nasa harapan ko sila at tahimik na nakaupo.

"Baby, calm down.." rinig kong sabi ni Zach.

Pinanlakihan ko sya ng mata bago magsalita, "Heh! Maupo ka dun kung ayaw mong walang labing-labing mamayang gabi!" Pakamot-kamot naman sya sa ulo nya bago sinunod ang sinabi ko.

Kung hindi nyo naitatanong ay parang adik yang si Zach sakin. Mula nang maikasal kami ay halos gabi-gabi kaming naglalabing-labing. At alam nyo naman yang asawa ko, hindi nakukuntento sa isang beses lang. Ewan ko na lang kung wala pang mabuo nyan.

Muli akong tumingin kina nanay Lidia nang tawagin nya ako, "Anak.. Gusto mo ng puto? Gusto mo initin ko?" nakangiting sabi nya sakin.

"Nay, wag nyo po akong daanin sa pangiti-ngiti nyo. Hindi rin po uubra yang puto sakin." sagot ko bago naglakad pabalik-balik sa harap nila.

Maya-maya ay tinawag naman ako ni tatay Kanor, "Anak.. Gusto mo mamingwit tayo? Alam ko, magandang mamingwit ngayong oras." nakangiting sabi nya sakin.

"Tay, wag nyo rin po aking daanin sa pangiti-ngiti nyo. Hindi rin po uubra sakin yang pamimingwit." sagot ko naman.

Huminto ako sa paglalakad at nameywang sa harap nilang dalawa. Tinignan ko sila nang maigi bago napabuntong-hininga.

"Nay naman.. Bakit hindi nyo pinaalam samin ang kalagayan nyo? Pupwede naman po kayong lumapit samin ng mga kapatid ko, tutulungan ho namin kayo." simula ng panenermon ko.

"Anak.. Nahihiya kaming lumapit sa inyo, tsaka nawalan kami ng kontak sa inyong magkakapatid." sagot nya.

"Tama ang nanay mo anak. Hindi namin alam kung nasaan kayo at kung anong nangyari sa inyo. Huli naming balita ay pinalayas kayo sa bahay nyo." sagot namin ni tatay Kanor.

"Kahit na! Kung hindi pa tayo nagkita-kita ay hindi ko pa malalaman kung anong nangyari sa inyo? Tsaka sikat akong modelo tay. Pwede nyo akong lapitan o kaya yung mga kapatid ko. Hindi yung sinanla nyo kay mang Lucio ang lupain nyo kapalit ng malaking halaga ng pera!" inis na sabi ko bago ko naramdaman ang mga luha sa mukha ko.

"Hindi naman po kayo iba eh! Halos tumayo na kayong mga magulang samin ng mga kapatid ko." sabi ko bago naupo sa sahig at umiyak sa mga tuhod ko.

Naramdaman kong may humaplos sa ulo ko at nang tignan ko ay si nanay Lidia pala na nakangiti sakin. Pinunasan nya ang mga luha ko bago nagsalita, "Ngayon lang kitang nakitang umiyak anak. Habang lumalaki ka noon ay ni minsan, hindi kita nakitang umiyak. Kahit na nalaman mong wala na ang papa mo ay hindi ka umiyak. Hula ko ay hindi ka rin umiyak nang mawala ang mama mo? Tama ba anak?"

Tama sya. Lumaki kami ng mga kapatid ko na walang ama. Nang magkaisip ako at nalaman ko yun ay hindi ako umiyak. Sa isip ko nun, bakit ako iiyak? Siguro nga sya ay hindi umiyak nang magkawalay kami kaya bakit ko sya iiyakan?

Nang mamatay si mama ay hindi ako umiyak gustuhin ko man ay walang kahit na anong patak ng luha sa mga mata ko. Maliit pa kami noon nang mawala sya. Ang mga kapatid ko nun ay nagsiiyakan kaya dapat hindi ako umiyak. Ako ang panganay, ako na ang magiging sandalan at lakas nila kaya dapat hindi ako umiyak. Dapat ay malakas ako para sa kanila, para saming lahat.

Lumapit naman sakin si tatay Kanor, "Anak pasensya na ah? Hindi namin nabalitaan ang nangyari sa inyo ng mga kapatid mo kaya nagawa kong isangla kay Lucio ang lupain na naipundar namin. Wag ka nang umiyak. Ayos na kami ng nanay Lidia mo. Siguro kung hindi kami umalis sa puder nyo ay hindi ganito ang mangyayari."

I was 10 nang bigla na lang mawala sina nanay Lidia at tatay Kanor. Maging ang iba pa naming kasama sa bahay ay umalis din. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hula ko ay dahil ito sa iba't-ibang death threats na nakukuha namin. Lumipas ang ilang linggo ay natagpuan na lamang na patay na si mama.

----

Nandito kami ngayon ng asawa ko sa bukid kasama sina tatay Kanor at nanay Lidia. Hapon na ngayon at maya-maya ay matatapos na sila sa trabaho nila. Lumipas na rin ang ilang araw mula nang malaman ko ang nangyari kina tatay Kanor at nung isang araw lamang ay naibalik ni mang Lucio ang pera na hiniram nya at nabalitaan na lang namin na umalis na sila ng Baguio.

"Asawa ko!" pagtawag sakin ni Zach habang tumatakbo palapit sakin.

Sa ilang araw nyang pagtatrabaho dito ay medyo nangitim na ang balat ni Zach pero hindi nabawasan nun ang pagiging magandang lalaki nya. Sa totoo nga lang ay mas dumagdag pa yun sa kagwapuhan nya.

Nang makalapit sakin ay agad nya akong hinalikan at yumakap sakin nang mahigpit. "I miss you baby. I love you." bulong nya pa sakin na nagpabago ng pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang asawa ko at sinasabihan nya ako kung gaano nya ako kamahal ay tila kakaiba ang pagtibok ng puso ko. Hindi kaya ay may sakit na ako sa puso katulad ng nangyari kay nanay Lidia? Maitanong ko nga sa kanya mamaya kung senyales na yun ng sakit sa puso.

"Mga anak, maiiwan muna kami dito ng tatay nyo at aayusin namin ang dapat na ayusin dito. Mauna na kayo sa bahay at magpahinga." sabi ni nanay Lidia at kinindatan si Zach.

Hinawakan naman ni Zach ang baywang ko bago ako inayang umuwi na sa bahay. Nang makarating sa bahay ay agad syang pumasok sa banyo sa kwarto namin at naligo. Ako naman ay nahiga sa kama dahil nahihilo ako. Hindi kaya senyales din ito ng sakit sa puso? Kailangan ko na talagang kausapin si nanay Lidia tungkol dito.

Nang mawala ang hilo ko ay tumungo ako sa cabinet at kumuha ng damit ng asawa ko at inilagay sa kama. Nang matapos syang maligo ay lumabas syang wala man lang kahit na anong twalya sa katawan. Kita ko tuloy ang abs nya at ang kaibigan nyang unti-unting nagigising.

Nang tingnan ko sya ay nakangisi sya sakin bago unti-unting naglakad palapit sakin. "Do you want what you're seeing my wife?" sabi nya sakin na parang inaakit ako.

Bakit pakiramdam ko ay gusto kong halikan ang mapupula nyang mga labi? Bakit parang gusto kong hawakan ang abs nya? Bakit gusto kong makipaglaro sa kaibigan nyang gising na gising na ngayon?

"Magbihis ka nga! Hinanda ko na yung damit mo." sabi ko habang nakatitig sa kaibigan nyang gusto nang makipaglaro sakin.

"Is that what you want, baby?" sabi nya nang makalapit sakin bago nya kinuha ang kamay ko at nilagay sa kaibigan nyang handa nang lumaban sa gyera.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon