Chapter 40:

1.4K 27 1
                                    

A/N: Present time! POV pa rin ni Ysabel.

---

Makalipas lamang ang 24 oras ay nalaman agad ng madlang people na ako na ang bagong may-ari at CEO ng clothing line ng Harrison Group of Companies. Hindi rin naging lihim ang pagiging CEO ko ng kumpanya na pinamana nina tita Angela at tito Gabriel sa amin.

Nandito kami ng mga kapatid ko sa bahay namin at nagse-celebrate dahil sa wakas ay napasaamin na ang kumpanya na pagmamay-ari ni mama noon pa man.

Kasama namin sina Athena at Gale na tuwang-tuwa dahil nagtagumpay kami, na nakuha rin namin kung anong para sa amin ng mga kapatid ko.

"Ngayong nagtagumpay na tayo sa plano, pwede na ba nating ipagpatuloy ang pagbabakasyon natin sa Baguio?" biglang taong ng kapatid kong si Eliot.

"May kailangan pa tayong gawin Eliot, alam mo yan. Bakit? May gusto ka bang sundan sa Baguio?" tanong ko sa kanya na agad namula.

Pautal-utal naman syang sumagot, "Ate wala! Wala talaga! Kahit pilitin nyo ako ay hindi ko sasabihing namimiss ko na si Cathy!"

Natawa naman kaming lahat. Nang ma-realize ni Eliot na nasabi nya ang totoo ay mas namula sya at hindi makatingin nang diretso sa amin.

"Nahuhuli talaga ang isda sa kanilang mga bibig." pagpaparinig ni Aciel.

"Shut up! Kung ayaw mong sabihin ko din ang tungkol kay---" hindi natapos ni Eliot ang sasabihin nang biglang takpan ng kambal nyang si Aciel ang bibig nya at sumenyas na manahimik sya.

"Kayo talagang dalawa! Di bale Eliot, pwede naman na tayong pumunta sa Baguio at makita si Cathy kapag natapos na ang kailangan nating gawin dito." seryosong sabi ko sa kanya na sinagot nya ng pagtango.

Si Cathy ay umuwi ng Baguio noong nakaraang linggo pa. Ang paalam nya ay may kailangan syang kitain doon. Hindi ko naman na inalam pa kung sino dahil ayokong manghimasok sa personal nyang buhay.

.
.
.
.
.

Lumipas ang isang linggo. Hot topic ngayon ang kasalang Zachary Harrison at Steffi Montemayor. Samu't-sari ang mga reaksyon ng mga tao tungkol dito. Hindi naman nawala ang suporta sa akin ng mga tao. Mas tumibay pa ang fans club ko ayon kay Athena at Gale.

Lumabas ang balibalita na napilitan lang magpakasal si Zach kay Steffi dahil na rin sa malamig na pakikitungo nito sa babaeng patay na patay sa kanya. Marami naman ang nagsabing pinilit mismo ni Steffi ang sarili nya kay Zach dahil sino ba namang magmamahal sa taong alam mong pumatay sa sarili mong mga anak?

Ngayong linggo ng gabi ay gaganapin ang engagement party nila na si Steffi at ang ina nito lamang ang nagplano dahil walang interes si Zach doon. Bagay na naging pruweba daw na napilitan lamang si Zach sa kasalan.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang party. Halos lahat ng celebrities at media personalies ay nandito. Maging ang mga kilalang negosyante ay narito rin.

Nasa loob na kami at kasama ko sa pabilog na lamesa ang mga kapatid ko maliban kay Ingrid na hanggang ngayon ay nasa States, at kay ate Tiffany na inaayos ang negosyo ng pamilya sa ibang bansa.

"So boring!" rinig kong pagreklamo ni Eliot.

"Dahil wala dito si Cathy?" pang-aasar ni Aciel sa kakambal.

Sinamaan ng tingin ni Eliot si Aciel na nakangisi sa kanya. Magsasalita pa sana si Eliot nang bigla kaming napatingin sa harap nang magsalita ang MC ngayong gabi.

"Good evening ladies and gentlemen. Tonight, we are about to witness the engagement of Ms. Steffi Montemayor and Mr. Zachary Harrison." panimula ng MC.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon