Chapter 12:

1.2K 24 0
                                    

"Ate masaya kami para sa inyo ng asawa mo. Magkakaroon na rin kami ng pamangkin. Sigurado akong sakin magmamana ng kagandahang lalaki yan." sabi ng kapatid kong si Aciel.

"Anong sayo? Baka sakin! Mas magandang lalaki kaya ako kaysa sayo!" sabi naman ng kapatid kong si Eliot.

Hindi ko maiwasang matawa sa kanila, "Ipapaalala ko lang sa inyo, kambal kayo at magkamukhang-magkamukha kayo!" pang-aasar ko.

Kasalukuyang ka-skype ko ang nakakabata kong mga kapatid at binalita sa kanila ang magandang balita ng taon! Sina Ingrid at Ivy naman ay tuwang-tuwa nang malamang buntis ako. Ang sabi nila ay bibisita sila kapag may oras sila. Masyado kasi silang busy sa kanya-kanyang trabaho nila.

"Ate naman eh.." sabay nilang pagreklamo.

"At anong magmamana sa inyo? Ako ang nanay kaya paniguradong sakin magmamana ang anak ko ng kadyosahan. At kung lalaki man, malamang ay sa ama nya sya magmamana ng kagandahang lalaki no." sabi ko pa.

Lumapit naman sakin si Zach na malaki ang ngiti. "Tama ang ate nyo. Samin sila magmamana ng kadyosahan at kagandahang lalaki." sabi nya bago tumawa.

Kinurot ko ang baywang nya, "Anong sila?" takang tanong ko naman.

"Sila. Naniniwala akong magiging kambal ang anak natin, asawa ko." sagot nya. "Ilang beses ba naman nating ginawa, hindi kataka-taka na maging kambal sila." Dahil sa sinabi nya ay sabay-sabay silang tumawa ng mga kapatid ko.

Namula naman ang mukha ko bago hinampas si Zach sa braso nya, "Ikaw talaga!" tawa lang naman nang tawa ang asawa ko.

"Mga ate at kuya, sige na. Mamaya na kayo maglambingan dyan.. Sige na ate, may gagawin pa kami. Tatawag na lang kami mamaya." sabi ni Eliot.

"Oo nga, mamaya na kayo maglambingan at baka mauwi sa paggawa ng kambal." sabi ni Aciel bago tumawa.

Maya-maya ay nagseryoso sya, "Zachary Harrison, wag na wag mong sasaktan ang ate namin. Kapag nabalitaan naming pinaiyak mo sya, marami akong itak dito."

Seryoso ding nagsalita si Eliot, "Hindi mo kami gugustuhing kalabanin, Zachary Harrison kaya ayusin mo desisyon mo sa buhay. Kapag sinaktan mo si ate, puputulin namin ang kaligayahan mo."

Hinawakan ko naman ang kaibigan ni Zach, "Huwag ito. Paborito kong pagkain ito, Eliot." seryosong sabi ko na kinangisi ng asawa ko.

"Ate, hindi mawawala yang paborito mong pagkain kung hindi ka sasaktan at paiiyakin ng asawa mo." sagot naman nya.

Ngumiti ako nang malaki bago ako nagsimulang makipaglaro sa kaibigan ni Zach, "Siguradong hindi ito mawawala, hindi naman ako sasaktan at paiiyakin ng asawa ko. Takot nya lang sakin no!"

Bigla-biglang nawala sina Aciel at Eliot, nalaman ko na lang na pinatay na pala nila. Hindi man lang nagpaalam sakin. Bakit pakiramdam ko ay lumaking bastos at walang galang ang dalawang iyon? Maisumbong nga kina Ingrid at Ivy mamaya.

"B-baby.." tanging narinig ko kay Zach habang nakikipaglaro ako sa kaibigan nyang ginising ko.

.
.
.
.
.

Nandito ako sa labas ng bahay at pinapanood ang asawa kong nagsisibak ng kahoy. Kakailanganin kasi namin yan dahil magpapahanda sina tatay Kanor. Kaarawan kasi nya ngayon at magkakaroon ng munting salo-salo. Ipagdiriwang din daw ang pagbubuntis ko kaya naman ay maraming handang pagkain.

Tinititigan ko ang gwapo kong asawa na busy sa ginagawa. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Parang nakikipagkarera ang puso ko habang nakatingin ako kay Zach.

Nitong nakaraang mga araw ay palagi ko iyong nararamdaman kapag nakikita ko sya, kapag nakangiti sya sakin, kapag hinahalikan nya ang noo ko, kapag naglalambing sya sakin, at kapag sinasabi nyang mahal nya ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi kaya'y may sakit na ako sa puso?

"Magandang lalaki at matipuno talaga ang asawa mo anak. Hindi kataka-takang maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Malas nga lang sila dahil may nagmamay-ari na ng puso ni Zach at ikaw iyon, Ysabel." sabi ni nanay Lidia na nasa likuran ko at tinignan din ang asawa ko.

Hinarap nya ako at tinignan sa mga mata ko, "Ikaw ba anak, hawak na rin ba nya ang puso mo? Mahal mo na rin ba sya? Mahal mo ba ang asawa mong si Zach?"

Nang tinanong nya iyon ay mas bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman napaisip ako. Mahal ko na ba sya? Mahal ko na ba ang asawa ko?

----

Masayang nagdiriwang ng kaarawan si tatay Kanor kasama ang mga kasamahan nya sa bukid at iilang kakilala at kaibigan.

"Maligayang kaarawan, kaibigang Kanor! Ito ang regalo ko sayo. Sana ay magustuhan mo." sabi ni mang Pedro sabay abot ng isang boteng alak na gawa mismo ng misis nito.

"Salamat kaibigang Pedro." nakangiting sabi naman ni tatay Kanor sabay kuha ng alak.

Simula nyan ay nagsiabot na ng mga regalo ang iba pang mga kaibigan ni tatay Kanor na masaya naman nyang tinanggap.

Maya-maya ay tinawag ako ni tatay Kanor at pinalapit sa kanila. "Alam kong kilala nyo na sya pero ipapakilala ko pa rin ang anak ko. Sya si Ysabel Montefalco-Harrison. Kami ng asawa kong si Lidia ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila ng mga kapatid nya."

Hinawakan nya ang kamay ko bago nagpatuloy, "Isa itong napakasayang kaarawan hindi lang dahil nandito kayong lahat, kundi dahil sa magandang balita. Nagdadalang-tao ang anak ko at malapit na silang mgkaroon ng anak ng asawa nyang si Zach. Kaya sobrang saya namin ng asawa ko dahil magkakaroon ulit kami ng apo."

Maraming bumati sakin dahil sa pagbubuntis ko. Marami ring humiling ng mabuting kalusugan ng magiging anak namin ni Zach. Speaking of Zach, kanina ko pa sya hindi nakikita. Ang sabi ni nanay Lidia ay saglit lang lumabas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya bumabalik.

Nagpaalam naman ako kay tatay Kanor at sinabing hahanapin ko ang asawa ko. Nakarating ako sa pangalawang palapag ng bahay at si nanay Lidia lamang ang naabutan ko.

"Nay, napansin nyo po ba si Zach? Kanina ko pa sya hindi nakikita eh nag-aalala na ako." tanong ko kay nanay Lidia na sinagot nya ng ngiti.

Maya-maya ay may narinig kaming kumakanta at naggigitara sa labas. Ang alam ko ay walang videoke na inarkila sina tatay Kanor kaya palaisipan kung saan galing yung naggigitara at kumakanta. Hinila naman ako ni nanay Lidia palapit sa may bintana at nakita ko sa labas ang asawa kong malaki ang ngiti.

Agad na nagpatuloy sa paggigitara si Zach nang makita ako. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala syang maggitara. Dagdag pogi points!

Lumaki naman ang ngiti ko nang magsimula syang kumanta. Bukod sa magaling syang maggitara ay maganda rin ang boses nya. Hindi man lang ako na-informed na talented pala ang asawa kong pogi.

Nasa kalagitnaan na sya ng kinakanta nya nang kurutin ni nanay Lidia ang baywang ko bago sya bumulong, "Ang swerte naman ng anak ko. Kasal na kayo at magkakaroon na ng anak ay hinaharana ka pa rin ng asawa mo."

Harana? Hinarana ako ni Zach? Mas lumaki ang ngiti ko nang malamang hinaharana ako ng asawa ko. Tinititigan ko sya habang kumakanta at nagigitara. Bakit parang mas gumwapo sya sa paningin ko?

"Nay.." pagtawag ko kay nanay Lidia.

Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang mas malakas na pagtibok ng puso ko. Mas lumakas pa iyon nang mag-flying kiss sakin si Zach bago nagpatuloy sa panghaharana.

Alam ko na ang sagot kung bakit tila mabilis ang pagtibok ng puso ko. Dahil iyon sa asawa ko at hindi dahil may sakit ako sa puso. Dahil iyon kay Zach na gustong-gusto akong maging asawa nya. Si Zach na aakalain mong mayabang at suplado. Si Zach na ilang beses nang sinabi at pinaramdam sakin kung gaano nya ako kamahal.

"Nay.. Mahal ko na sya.. Mahal ko na si Zach... Mahal ko ang asawa ko, nay." nakangiting pag-amin ko kay nanay Lidia.

----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon