Chapter 30:

985 21 0
                                    

Nawala ang malaking ngiti ko nang may nagsalita, "Yan maganda? Saan banda?" rinig kong sabi ni Steffi.

Ngumisi ako sa kanya bago ako sumagot, "Kalma ka lang. Halata namang inggit na inggit ka sakin. Kita mo nga, pati asawa ko inaahas mo."

Hindi sya nakasagot nang magsalita si Zach, "Simulan nyo na ang shooting nang matapos agad."

Oo, nandito silang dalawa sa lugar kung saan ginaganap ang shooting ko. Dito rin lang naman yun sa loob ng building ng kumpanya. Gusto kasi ni Zach na masiguro na maganda ang kalalabasan nito dahil ito ang pag-asa nya para bumalik ang mga kasosyo nya sa negosyo.

Nakailang take na ako nang makaisip ako ng kalokohan. Unti-unti kong binaba ang damit na suot ko mula sa dibdib ko at iginilid ko rin ang ulo ko papunta sa kanan para makita ang mapuputi kong leeg.

Mukha namang maganda ang mga kuha ko dahil wala akong naririnig na reklamo maliban sa pagmumura ni Zach na hindi ko pinapansin.

Pinapalit pa nila ako ng damit. Ito na ang huli at pagkatapos nito ay pwede na akong umuwi sa amin. Katulad kanina ay nagpose ako ng ganun ulit. Ilang beses ko pang narinig ang mga mura ni Zach bago natapos ang pictorial ko.

Masaya naman kaming nagpaalam sa team ko nang matapos kami. Dumiretso kami nina Athena at Gale sa opisina ni Zach.

"Girl, hindi ka ba magpapalit?" rinig kong tanong ni Athena.

"Nope. Tsaka pauwi na rin naman tayo." sagot ko bago kami makalabas sa elevator.

Nang makapasok sa opisina ni Zach ay nakita kong nandoon si James na sekretary ni Zach. Si Steffi naman ay masama ang tingin sakin na tinaasan ko lang kilay.

"At talagang hindi ka nagbihis no? Aakitin mo ba si Zach?" sigaw sakin ni Steffi.

"Kung maaakit?" sagot ko bago naupo sa upuan sa harap ng mesa ni Zach.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kagaya mo! Hindk ako malandi!" dugtong ko pa.

"You!" galit na galit na sigaw nya habang dinuduro ako.

Sa inis ko ay hinawakan ko ang daliri nya at muntikan ko nang mabali nang biglang nagsalita si Zach. "Leave!" sabi nya.

Ngumisi naman sakin si Steffi bago sya nagsalita, "Hindi mo ba narinig? Umalis ka na!"

Tumingin naman si Zach sa kanya, "Ikaw ang pinapaalis ko, Steffi. Leave!" sabi ni Zach sa kanya.

"What?!" gulat na gulat na tanong ni Steffi habang tinuturo ang sarili, "Ako?! Bakit ako aalis?!" sigaw nito.

"Hindi mo ba narinig? Umalis ka na!" panggagaya ko sa sinabi nya sakin kanina.

"May importante kaming pag-uusapan. Kaya umalis ka na Steffi." sabi ni Zach.

Nanlilisik naman ang mga matang tumingin sya sakin bago tuluyang lumabas ng opisina ni Zach. Umayos ako ng upo bago ko nakitang naupo si Athena sa katapat kong upuan. Si Gale naman ay nanatiling nakaupo sa sofa.

"So.." sabi ni Athena kay Zach na kanina pa nakatitig sa akin.

Huminga sya nang malalim bago nag-iwas ng tingin sakin. "Once nakita ko na ang mga litratong kinuha kanina, saka ako pipili ng ilalabas para sa magazine. Sa ngayon, tuloy ang iba't-ibang photoshoots nya." sabi nito bago tumingin sa akin.

Tinaasan ko syang kilay bago ako nagsalita, "What?"

Muli syang huminga nang malalim bago may iniabot na envelope ang sekretarya nyang si James sa akin. Nang tignan ko ang laman ay napangisi ako.

Inilabas ko ang annulment papers bago pinunit mismo sa harap nya, "Oops, napunit." sabi ko bago sya inirapan.

"Ysabel!" gulat na gulat na sabi nya.

Tinignan ko naman sya nang masama bago ako sumagot, "Bakit? Sa tingin mo papayag ako? Neknek mo! Hindi ako pipirma sa annulment papers, Zach. Itaga mo sa bato, hinding-hindi ka magiging masaya. Sisiguraduhin kong mananatiling kabit si Steffi habang nabubuhay sya!"

---

Lumipas ang mga araw at kaliwa't-kanan ang pinupuntahan kong fashion shows. Naging busy ako sa loob ng maraming araw. Sinisigurado kong okupado ang isip ko ng trabaho ko nang sa ganun ay hindi ko maisip ang pagbibigay ni Zach ng annulment papers sakin. At mabawas-bawasan ang lungkot ko dahil sa pagkakamatay ng mga anak ko.

Tapos na ngayong araw ang pagrampa ko sa stage. Ito ang huling fashion show na dinaluhan ko. Sa susunod na mga araw ay puro photoshoots na lang para sa produkto ng kumpanya ni Zach ang pagkakaabalahan ko maging ang iba't-ibang endorsements ko.

Dahil ito ang huling fashion show ko ay napagdesisyunan namin nina Athena at Gale na magsaya sa isang bar sa Makati. Hindi pa sana ako papayag nang inanyayahan din ako ng iba pang ramp models kaya pumayag na ako. Tutal ay ngayon lang naman.

Nang makapasok sa loob ng bar ay agad kong nakita si Zach sa isang tabi. Agaw pansin sya dahil na rin sa babaeng kasama nya. Walang iba kundi si Steffi the malandi.

Halatang lasing na lasing si Zach at hindi naman makaayos ng paglalakad si Steffi habang nakapasan sa balikat nya si Zach. Paalis na sila sa bar nang madaanan nila ako.

Agad na ngumisi sakin si Steffi na tinaasan ko lang kilay. Maglalakad na sana sila paalis nang tinanggal ni Zach ang pagkakapatong ng isang braso nito sa balikat ni Steffi.

"Honey lasing ka na.. Lets go home.." malanding pagkakasabi ni Steffi kay Zach habang pilit na hinawakan ang braso ni Zach.

"H-hindi.. Hindi ako lasing.." pautal-utal na pagsagot ni Zach bago tumingin sakin.

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko nang salubungin ko ang tingin nya. Tingin ng taong galit. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang galit na kinimkim nya sa sarili nya.

"You! Dahil sayo ay namatay ang mga anak ko!" sabi nya sakin matapos nya akong duruin.

"Anong sinabi ko sayo? Wag ka nang sumama pero nagpumilit ka! Anong nangyari?" sabi nya bago hawakan nang mahigpit ang magkabila kong braso.

"Anong nangyari Ysabel?! Namatay ang mga anak ko! Kasalanan mo yun! Kasalanan mo!" sigaw nya sakin bago sya naglakad paalis na agad sinundan ni Steffi.

Nang mawala sila sa paningin ko ay parang sirang gripo na nagsitulo ang mga luha ko. I knew it! Alam kong ako ang sinisisi nya. Pero ang sakit lang na sabihin nya mismo yun sa harap ko. Ang sakit lang. Sobrang sakit. Parang sinasaksak ang puso ko. Parang nilagyan ng asido. Ang sakit-sakit.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sakin ng mga kaibigan ko bago ako ayaing umuwi na tinutulan ko. Bumitaw ako sa yakap nila at nagsimula akong pumasok sa loob ng bar at nagpakalunod sa alak.

.
.
.
.
.

Nagising akong masakit ang ulo ko. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko at pumasok si Cathy na nakangiti sa akin. Lumapit sya at pinainom ako ng gamot at tubig na dala nya.

"Nagugutom ka na ba ate Ysabel? May pagkain pa sa baba." sabi nya bago kami magkasabay na bumaba.

Nang nasa sala na ako ay napatigil ako dahil sa balita sa tv. Nakita ko namang seryosong nanonood si Ivy.

"Totoo po bang ikakasal na ang anak nyong si Zach kay Ms. Steffi?"

"Yes." simpleng sagot ng matandang Harrison.

"Paano po ang kasal na naganap sa pagitan ni Ms. Ysabel at ng anak nyong si Zach?"

"Its null and void." rinig kong sagot nito.

Bigla-bigla namang pumasok si ate Tiffany sa loob ng bahay namin. Tinignan ko lang sya at hindi ako nagsalita. Umiikot pa rin sa isipan ko ang sinabi ng matandang Harrison.

"Baby sis?" rinig kong pagtawag sakin ni ate Tiffany.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

Unti-unti syang ngumiti nang malaki bago sumagot, "Is that how you greet your eldest sister?"

Kasabay ng pagtanong nya ay pagkakarinig ko ng sinabi ng matandang Harrison sa tv.

"Ysabel Montefalco is my long lost daughter."

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon