Chapter 36:

1K 24 0
                                    

Nandito ako sa lugar kung saan namatay ang mga anak ko. Nandito ako sa bahay ng mga Harrison. Kasama ko ang kapatid kong si Ivy. Ayaw man naming pumunta ay ginawa na rin namin dahil sa request iyon ni ate Tiffany.

Isang family dinner ang gusto ng ate namin. Hindi namin kasama ang iba naming kapatid. Si Ingrid ay nasa States pa rin hanggang ngayon. Si Aciel ay nasa ibang bansa rin upang asikasuhin ang negosyo namin. Si Eliot ay nagbababad sa trabaho sa opisina kasama si Cathy.

Agad na ningitian kami ng guard nang makapasok ang kotse ko na minamaneho ni Ivy. Ngumiti lamang ako nang tipid bago kami tuluyang pumasok.

Hindi pa man kami nakakababa sa kotse ay nakita ko nang nag-aabang sa may pintuan si Zeus kasama si Zach na halatang hindi maganda ang mood.

Hinawakan ni Ivy ang kamay ko bago sya nagsalita, "Sigurado na ba ito ate? Pwede pa tayong umalis."

Tinignan ko sya at tumango bago ako bumaba ng kotse. Sumunod naman sya at sabay kaming lumapit sa mag-ama.

Hahawakan na sana ako ni Zeus nang kusa akong lumayo sa kanya. Tinaasaan ko sya ng kilay bago nagsalita, "The last time you touched me was when you squeezed my shoulders."

Huminga lamang sya nang malalim bago kami pinapasok sa loob. Agad akong napatingin sa sala kung saan nangyari ang isang bangungot. Isang napakasamang panaginip na ayaw ko nang balikan pa. Kung pwede lang ay matagal ko nang hiniling na sana ay isang masamang panaginip na lang ang nangyari.

Naramdaman kong hinawakan ni Ivy ang isang braso ko bago kami naglakad papunta sa dining room. Tumingin ako sa isang upuan kung saan sya nakapwesto noon. Kung saan nakaupo noon si mama Agatha.

"I heard this is your favorite." sabi ni Zeus bago ilagay ang hotdog at itlog sa plato ko.

Bago nya pa tuluyang mailagay ay nagsalita na ako dahilan ng pagtigil nya sa balak gawin, "I don't eat those. And they are not my favorite."

Nanghihinayang na umupo ang matandang Harrison bago tumingin kay Ivy at nagtanong, "Where are your other siblings?"

"Busy." simpleng pagsagot nya.

Hindi pa man kami nagsisimula sa pagkain ay may dumating na isang halimaw. Isang halimaw na pumatay sa mga anak ko. Isang halimaw na umagaw ng asawa ko.

"Sorry I'm late." rinig kong sabi nya bago naupo sa upuang katabi ni Zach na nasa harap ko naman.

Agad na tumaas ang kilay ko bago nagtatanong ang mga matang tumingin kay Zeus na hindi naman makatingin sa akin.

Nagkatinginan kami ni Ivy at napangisi. Nagsalita naman sya dahilan ng pagtingin ng ama namin sa kanya.

"Hindi ko alam na pwede pa lang pumasok ang isang ahas at halimaw sa pamamamahay na ito?" nakangising sabi nya bago tumingin kay Steffi na masamang tumingin sa kanya.

"Ahas? Halimaw? Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang tinutukoy mo!" galit na sabi nya kay Ivy.

"Ooops, natamaan ka ba? Sabagay, ikaw lang naman ang ahas at halimaw dito. Isang halimaw na pumatay ng inosenteng mga sanggol at isang ahas na nang-agaw ng asawa ng iba." sagot ni Ivy bago hawakan ang bread knife at tinitigan.

"I know what you're thinking?! Do you want to stab me?!" sigaw nya.

Muling ngumisi ang kapatid ko bago sumagot, "Huwag kang mag-alala.. Hindi ako kagaya mo.. Hindi ako mamamatay-tao para lang makuha ko ang gusto ko."

Sasagot pa sana si Steffi nang magsalita ang matandang Harrison, "Enough! Hindi nyo na ginalang ang pagkain!"

Ang kapatid ko si Ivy ay ngumisi lamang bago nagsimulang kumain. Si Steffi naman ay masamang tumingin kay Ivy maging sa akin. Tinaasan ko na lang sya ng kilay.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon