Last Chapter Part 3:

1.1K 26 0
                                    

Lumipas ang maraming taon ay nasa puso't-isipan ko pa rin si Ysabel. Mahal na mahal ko sya at kahit anong pilit sa akin ni daddy ay hinding-hindi ako susunod sa kanya. Iisang babae lang ang papakasalan ko at hindi iyon si Steffi Montemayor.

"Sir, matutuloy na ho ba tayo sa meeting namin with Ms. Ysabel Montefalco?" rinig kong pagtanong sakin ni James, sekretarya ko.

Seryosong tumingin ako sa kanya at tumango. Dapat ay kanina pa ako nandoon at kasama ang Ysabel ko pero bigla na lang dumating sa opisina ko si Steffi. Hindi ako nakaalis kaagad dahil sa pangungulit at pamimilit nya sa akin na pakasalan na sya. Syempre ay hinding-hindi mangyayari iyon.

Nandito na kami sa isang resto sa Tagaytay. Nagmamadali akong naglakad papasok doon dahil excited na akong makita ang babaeng mahal ko. Hindi naman sinasadyang natapunan ako ng isang waitress. Agad itong humingi ng tawad sa akin nang mapansin ko ang isang napakagandang babae.

Agad akong napangiti nang makilala ko sya. My Ysabel. Sa wakas ay nagkita na rin tayong dalawa. Nang humarap sya sa akin ay nagpanggap akong galit dahil sa nangyari. Grabe hanggang ngayon ay napakaganda nya pa rin.

"Babayaran mo ako? Then be my wife." nakangising sabi ko sa kanya na syang kinagalit nya.

Umaayon talaga sa akin ang tadhana dahil pumayag si Ysabel na maging asawa ko kapalit ng pagiging modelo nya sa kumpanya ko. Tuwang-tuwa ako at parang nanalo sa loto dahil sa wakas ay magiging akin na sya at sisiguraduhin kong akin lang sya.

Hindi ko napigilan ang paghalik sa mga labi nya bago kami umalis doon ni James. Ang lambot ng mga labi nya parang ang sarap halikan nang halikan. Di bale, magagawa at magagawa ko yan kapag kinasal na kami.

.
.
.
.
.

Nandito kami ng mahal ko sa bahay ko dito sa Baguio. Ayokong pagpyestahan sya ng mga tao at ayokong malaman agad nila dad at pamilya ni Steffi ang tungkol sa kanya. I need to protect her from any harm.

Pinagmamasdan ko syang natutulog sa kama namin habang nakaunan sya sa isang braso ko. Maya-maya ay hinalikan ko ang noo nya bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto namin.

Si Ysabel ay isang naglalakad na tukso. Masyado syang maganda. Maganda rin ang pagkakahubog ng katawan nya. Naaakit ako sa kanya at gusto kong may mangyari sa amin. Hindi pa pwede. I respect her. Gagawin lang namin iyon kapag kinasal na kami.. Or so I thought.

Nandito kami ngayon ng mahal ko sa kwarto. Hinahalikan ko ang mga labi nya habang naglalakbay ang mga kamay ko sa maganda nyang katawan. Buong gabi ay puro boses nya lamang ang naririnig ko habang niroromansa ko ang katawan nya.

Lubos akong natuwa nang malaman kong ako ang una nya. Ito ang unang beses nya kagaya ko. Oo, magandang lalaki ako pero si Ysabel lang ang gusto ko. Sya lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko.

Ilang beses namin iyong ginawa buong gabi. Mahimbing na syang natutulog ngayon katabi ko. Katulad kanina ay nakaunan sya sa isang braso ko habang nakayakap sa akin. Pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa makatulog na rin ako.

.
.
.
.
.

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ito ang araw ng kasal namin ng babaeng mahal na mahal ko. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya na naglalakad palapit sa akin.

"You may now kiss your bride." rinig kong sabi ng pari.

Tumitig ako sa mga mata nya, "Thank you baby. Mahal na mahal kita, Ysabel Montefalco-Harrison." sabi ko sa kanya bago ko halikan ang mapupula nyang mga labi.

.
.
.
.
.

"Zach, pwede ba kitang makausap?" sabi sa akin ni tatay Kanor. Napag-alaman kong sya ang dating family driver nina Ysabel at ang asawa nyang si nanay Lidia at dating nanny nina Ysabel.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon