Chapter 27:

887 20 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung sino ang pumatay sa mother in law ko. Samantala, nawala namang parang bula ang balita tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ko tungkol sa issue. Maraming tao naman ang kumampi sa akin at sinabing wala akong kinalaman doon.

"What is she doing here?" rinig kong pagtanong ng ama ni Zach sa kanya.

Nandito kami ngayon sa libing ng mother in law ko. Gusto pa sanang pumunta ng mga kapatid ko kaso ay hindi nila maiwan ang mga trabaho nila. Tanging si Cathy lamang ang kasama namin ngayon ni Zach.

"Why? Wala ba kaming karapatang pumunta sa libing ng nanay ko?" seryosong pagsagot ni Zach habang hawak nang mahigpit ang kamay ko.

Nang-iinsultong tumingin sakin ang matandang Harrison bago sumagot, "Ikaw pwede. Pero yang babaeng yan? Hindi!"

Ngumisi naman ako nang makita si Steffi kasama ang ina nito. Tumingin ito sa akin bago nagsalita, "Anong ginagawa ng mamamatay tao dito?" tanong nito na tinaasan ko lang ng kilay.

Inirapan ako ng ina ni Steffi bago nagsalita, "Ang kapal ng mukha! Paano mo naaatim na pumunta sa libing ng taong pinapatay mo?"

"Oh! Kayo yata ng anak mo ang tinutukoy mo?" ngumisi ako kay Steffi, "Kamusta ang pagbabayad ng malaking halaga? Ikaw naman kasi, nagpakalat ka ng fake news. Yan tuloy, nabawasan ang fans mo."

Oo, tama kayo. Si Steffi lang naman ang nagpakalat ng balitang ako ang nagpapatay sa ina ni Zach na syempre ay hindi totoo. Nagbayad sya ng malaking halaga para hindi sya makulong kagaya ng ama nya.

Nang malaman iyon ng fans nya ay maraming nagalit sa kanya at kumalas na sa fans club nya. Balita ko ay iilan na lang ang nanatiling solid. Ang fans ko naman ay nanatiling suportado ako.

Magsasalita pa sana sya nang pinatigil kami ng ama ni Zach. "Pagkatapos nito ay umalis na kayo." seryosong sabi nito sa amin ni Zach.

Hindi rin nagtagal ay natapos ang libing ng ina ni Zach. Bago tuluyang umalis ay pinakiusapan ko ang asawa ko na manatili kami at bisitahin ang mama ko na nakalibing din dito.

Si Cathy ay piniling maghintay sa loob ng kotse dahil inaantok pa sya. Nagtatrabaho kasi sya sa restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Andrea.

Habang naglalakad ay magkahawak ang kamay na nag-uusap kami ni Zach. Isang buwan na lang ang hihintayin at manganganak na ako. Excited na kaming makita ang kambal namin. Ako naman ay kinakabahan sa magiging panganganak ko.

Nang makarating ay may taong nakaupo katabi ng lapida ni mama. Nang makita kami ay nagulat sya at tumayo.

Tinignan ko sya nang masama bago nagtanong sa kanya, "Anong ginagawa mo dito? Wala kang karapatang bisitahin ang mama ko!"

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Zach sa kamay ko siguro ay para pakalmahin ako. Nanatiling masama ang tingin ko sa lalaking bumisita sa mama ko.

"I.. I just wanted to visit her." nauutal na sabi nya.

Umirap ako sa kanya bago nagsalita, "Wala kang karapatang bisitahin ang mama ko! Kaya pwede ba? Umalis ka dito. Hindi ka namin kailangan. Alis!"

Wala naman itong nagawa kundi ang umalis. Bago sya tuluyang umalis ay nagsalita muna ito, "Patawad. Patawarin mo ako, anak."

Anak? Wala syang karapatang tawagin akong anak? Sino ba sya? Sya lang naman ang lalaking walang paninindigan. Ang lalaking duwag. Ang lalaking minahal ni mama. Ang lalaking naging ama namin ng mga kapatid ko. Ama na mas piniling iwan ang mag-iina nya para sumama sa kabit nya.

Tama kayo. Hindi totoong patay na ang ama namin ng mga kapatid ko. Oo, mula nang malaman naming wala na sya ay mas pinili naming isipin na patay na sya. Dapat nga ay sya ang namatay kaysa sa kabit nya. Dahil wala syang kwentang ama.

---

Lumipas ang ilang linggo ay kabuwanan ko na. Anytime soon ay manganganak na ako kaya doble ingat na ako ngayon. Mas maalaga naman ang asawa ko sa amin. Ang mga kapatid ko naman ay todo protekta sakin maging si Cathy na tahimik pa rin.

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ng asawa ko. Ayaw naman akong ipasama ni Zach pero nagpumilit ako. Gusto ko kasing bisitahin si ate Tiffany dahil matagal na mula nang magkausap at magkita kami. Si Zach ay nasa kwarto nya dito upang kunin ang lahat ng gamit nya.

"Excited na ako! Sino kayang magiging kamukha ng kambal?" nakangiting pagtanong ni ate Tiffany habang hinahaplos ang tyan ko.

Ngumiti rin ako sa kanya bago sumagot, "Excited na rin ako ate Tiffany. Sana nga ay maging kamukha ko ang babae at maging kamukha ng asawa ko ang lalaki. Baka magtampo sya kapag wala syang kamukha sa dalawa."

Natawa naman kaming dalawa bago sya sumeryoso, "Magiging maayos din ang lahat, Ysabel. Huwag kang mag-alala." sabi nya habang hawak ang kamay ko.

"Oo nga pala. May ibibigay ako sayo. Muntik ko nang makalimutan. Sandali ha." sabi nya bago ako iwan dito sa sala ng bahay nila at tumakbo paakyat sa kwarto nya.

Pinili ko namang manood ng Spongebob habang hinihintay sya at maging si Zach ay hinihintay ko. Hindi pa man nangangalahati ang episode na pinapanood ko ay may narinig akong sigaw mula sa labas.

"Ano ba? Papasukin mo ako! Hindi mo ako kilala?!"

"Ma'am, pasensya na ho pero binilin ho ni sir Zach na wag na wag kayong papapasukin dito."

"At bakit naman hindi?! Magiging asawa ko na sya! At ito ang tatandaan mo. Kapag kinasal kami ni Zach, tatanggalan kita ng trabaho!" huling sigaw ng isang babae bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bahay.

"Oh! Look who's here?" sabi nito at nang harapin ko sya ay nakita ko naman ang babaeng pumapantasya sa asawa ko.

"Oh! Isang baliw pala ang sumisigaw kanina pa! Akala ko ay nagwawalang aso lang." sabi ko naman bago sya tinaasan ng kilay.

Unti-unti syang lumapit sa akin habang nakakrus ang mga braso nya sa dibdib nya. Tumawa naman si Steffi na parang nababaliw. Sabi na eh baliw.

Nilahad naman nya ang isang braso papunta sa may pinto, "Labas! Hindi welcome dito ang mamamatay tao. Labas!" sigaw nya sakin.

Napatawa naman ako, "Hanggang ngayon ba ay naniniwala ka sa fake news na pinakalat mo? At bakit naman ako lalabas?"

Masama nya akong tinignan, "Labas sabi eh! Hanggang nakakapagtimpi pa ako sayo. Labas!" sigaw nya.

Gusto ko syang inisin kaya muli akong umupo sa sofa at nanood ng Spongebob. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagsabunot nya sa akin kasabay ng paghila nya sakin patayo.

"Hindi ka lalabas! Pwes, kakaladkarin na lang kita palabas!" sigaw ni Steffi.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Bitaw sabi eh!" sigaw ko sa kanya.

"Sige." rinig kong sabi nya bago nya ako itulak nang malakas at naramdaman ko namang tumama ang likod ko sa pinto.

Biglang sumakit ang tyan ko kasabay ng pagdaloy ng pulang likido sa hita ko. Hinawakan ko ito at ganun na lang ang kaba ko nang makitang dugo iyon.

Mukha namang nagulat si Steffi saglit bago ngumisi, "Yan ang bagay sayo!"

Nanghihina na ako pero bago ko ipikit ang mga mata ko ay nakita ko pang sinabunutan ni ate Tiffany si Steffi at ningudngud ang mukha nito sa sahig.

"Baby.. Hold on.." rinig kong sabi sakin ni Zach habang nagmamadaling isakay ako sa kotse.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon