Chapter 8:

1.3K 31 0
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Zach sa tabi ko at nakasuot na rin ako ng damit. Agad akong napangiti. My ever thoughtful husband.

Bumangon ako at nagpasyang maligo bago lumabas ng kwarto at hanapin ang asawa ko. Akala ko ay makikita ko sya sa kusina na nagluluto ng almusal, na madalas nyang ginagawa, pero si nanay Lidia ang nakita ko.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya, "Good morning nay." pagbati ko bago sya halikan sa pisngi nya.

"Magandang umaga rin anak." sabi nya bago ako hinarap.

Nagulat ako nang kurutin nya ang baywang ko. "Ikaw na bata ka ah! Napakaingay nyo ng asawa mo kagabi. Alam mo namang hindi sound proof ang kwarto nyo. Magdamag nyo kaming hindi pinatulog ng tatay Kanor mo dahil sa ingay nyo. Gagawa na nga lang ng bata, nang-iistorbo pa ng tulog ng iba."

Agad akong namula dahil sa sinabi nya, "Nay!" hindi ko akalain na maririnig nila kami ni Zach habang naglalabing-labing.

Hindi rin kaya ako pinatulog ng magaling kong asawa dahil hindi nya ako tinigilan. Hindi sya nakukuntento sa isang beses lang. Gusto nya ay maraming beses para sigurado daw na may laman ang tyan ko.

"Ikaw na bata ka! Sa susunod ay wag kayong masyadong maingay at magpatulog kayo!" panenermon pa ni nanay Lidia.

"Nay naman.." nakangusong pagsabi.

"Halika na nga at handa na itong pagkain." sabi nya bigla. Saan kami pupunta? Hindi ako na-informed.

"Dun tayo sa bukid at dalhan natin ng almusal ang tatay Kanor mo at ang asawa mo. Halika na at tulungan mo akong magbitbit nito." sabi nya.

Bukid?! Mali yata ako ng pagkakadinig? Anong ginagawa ng asawa ko sa bukid?!

Nang makarating kami sa bukid ay agad kong nakita ang asawa kong nagtatanim kasama sina tatay Kanor at iba pa nyang kasamahan.

Sina nanay Lidia at tatay Kanor ay nagmamay-ari ng palayan. Naipundar daw nila ito mula nang mawala sila sa puder namin. Ginamit nila ang ipon nila para dito. Ito rin ang nakapagpatapos ng pag-aaral ng mga anak nila.

Agad na tinawag ni nanay Lidia sina tatay Kanor. Nakita ko namang may umaaligid na mga babae sa asawa ko na hindi nya pinapansin.

"Kuya pogi, sabay ka na samin sa pagkain."

"Kuya pogi, ito oh masarap. Luto ko ito."

"Kuya pogi, gusto kitang maging asawa. Sana ay pumayag ka!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong sabi ng mga babae sa asawa ko. Yung isang babaeng gustong mapangasawa si Zach ay parang tukong nakakakapit sa braso ng asawa ko na syempre ay pilit nyang tinatanggal.

"Get off me!" naiinis na sigaw ni Zach dun sa babae.

"Ikaw naman honey. Wag ka nang mahiya, magiging asawa naman na din kita." sabi nung babae.

"What are you talking about?!" sigaw ulit ni Zach habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng babae sa braso nya.

"Kakausapin na ng ama ko si mang Kanor upang ipagkasundo tayo. Alam ko namang papayag sya dahil kung hindi, kukunin namin nang sapilitan ang---" hindi naituloy ng babae ang sasabihin nang makita ako ni Zach at nakangiting tumakbo palapit sakin.

"Baby!" pagtawag nya sakin na narinig ng lahat ng mga taong nadoon.

Nang makalapit sakin ay agad nya akong hinalikan at niyakap nang mahigpit. "Anak! Halika na kayo rito at kakain na!" rinig naming pagsabi ni nanay Lidia.

Nang makarating kami sa isang malaking kubo ay nandoon na ang lahat ng mga kasamahan ni tatay Kanor. Maging ang mga babaeng nagpapantasya sa asawa ko ay nadoon din. Ang babaeng gustong mapangasawa si Zach ay nandoon din at tinitignan ako nang masama na hindi ko naman pinapansin.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon