Last Chaper Part 1:

1.4K 25 0
                                    

Zachary's POV:

Masaya ako ngayon araw dahil lilipat na ako ng ibang school at doon na mag-aaral. Sa isang private school ako ililipat nina mommy. Doon kasi sa dati kong school ay hindi nagustuhan ni mommy ang ginawang pananakit sa akin ng teacher ko. Gusto pa sana nyang ipakulong ang teacher na yun kaya lang ay nagdesisyon si daddy na lumipat na lang ako at i-pull out ang investment nya sa school na yun at ilipat sa bagong school ko ngayon.

Naglilibot kami ngayon ni mommy sa school kasama ang principal ng school. Tumingin ako sa paligid at napansin kong maraming estudyante ang nasa labas ngayon at naglalaro. Karamihan ay mga batang naghahabulan ang nakikita ko.

"Zachary, this is your new school. Do you like here?" malambing na pagtanong sa akin ni mommy.

"I like here mommy." nakangiting sagot ko naman.

Muli syang tumingin sa principal na nakangiti pa rin sa kanya hanggang ngayon. Hindi ko na inintindi pa ang mga pinag-usapan nila dahil hindi naman maintindihan ng batang ako. Basta ang alam ko lang ay dito na ako mag-aaral mula ngayon.

"Weak!" rinig kong sigaw ng isang batang babae mula sa malayo.

Agad kong tinignan ang nangyayari at nalaman kong inaaway ng mga batang lalaki ang mga batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lang.

Tumingin ako kay mommy at sumenyas na pupunta ako doon na tinanguhan nya lamang. Unti-unti akong lumapit doon at nakita kong sinuntok ng batang lalaki ang batang babae. May nakita naman akong bola at ginamit ko iyon para batuhin ang batang lalaki.

Galit na galit naman itong lumapit sa akin at inaya pa akong makipagsuntukan. "Kaya mo ba? Mga batang babae lang naman ang kaya mo. Weakling!" sabi ko sa kanya.

Susugurin na sana nya ako nang biglang lumapit sa amin sina mommy at ang principal. Nagsitakbuhan naman ang mga batang lalaki palayo. Nakita ko namang pinapatahan ng batang babae ang dalawang batang babae na nagtago sa likod nya kanina.

"Ysabel?" rinig kong pagtawag ng principal sa batang babae.

"Ysabel? What a beautiful name for a beautiful young lady?" sabi ko sa sarili ko at hindi ko napigilang mapangiti habang nakikipag-usap sya sa principal.

.
.
.
.
.

"Mommy? Bakit kailangan ko pong lumipat ng school? Hindi pa man ako nakakapagsimula doon eh!" pagrereklamo ko sa kanya nang sinabi nya saking lilipat na naman ako ng school.

"Dad? Ayoko na pong lumipat ng school. Gusto ko doon!" sabi ko naman sa ama kong palaging seryoso.

Tumingin sya kay mommy bago nagsalita, "You heard your son, Agatha. Hindi sya lilipat ng school. Besides, nakapag-invest na tayo sa school na yun."

Wala namang nagawa si mommy kundi ang pumayag tutal wala na syang magagawa pa. Kapag si daddy kasi ang nagsabi ay pinal na yun at walang makakapagbago ng desisyon nya.

Lihim akong napangiti, "Magkikita na rin tayo Ysabel. I'm excited to see your beautiful face." sabi ko sa sarili ko.

.
.
.
.
.

Ilang linggo na akong pumapasok dito sa school pero kahit minsan, kahit anino ni Ysabel ay hindi ko nakita. Gusto ko na ngang magtanong sa principal kung nasaan si Ysabel kaso ay nahihiya ako.

Naglakas-loob akong pumasok sa opisina ng principal. Mukha naman syang nagulat nang makita ako. "Zachary?" pagtawag nya sa pangalan ko nang makalapit ako sa kanya.

"Anong mapaglilingkod ko sa iyo?" nakangiting pagtanong nya.

Nagdadalawang-isip naman ako kung sasabihin ko ba pero nagdesisyon akong ipagpatuloy kung anong sadya ko sa kanya. "Have you seen the girl from the last time we saw her?"

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon