Chapter 10:

1.2K 28 0
                                    

Nagising akong may humahalik sa mukha ko. Nang minulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Zach na nasa ibabaw ko pala habang naglalakbay ang mga kamay nya sa katawan ko.

"Zach.." pagtawag ko sa pangalan nya na sinagot nya lang ng paghalik sakin nang matagal.

Habang hinahalikan nya ako ay naramdaman ko namang gising na gising ang kaibigan nya. Bakit pakiramdam ko ay gusto kong makipaglaro dun? Unti-unti kong binaba ang kamay ko papunta sa kaibigan nya nang bigla kong naitulak si Zach bago ako dumiretso sa banyo at nagsuka.

Naramdaman ko namang hinahagod ni Zach ang likod ko bago nagsalita, "Baby are you okay? May nakain ka bang hindi maganda?" nag-aalalang tanong nya bago iniabot sakin ang tubig.

Nagmumog naman ako bago humarap sa kanya at niyakap sya. "Baby nahihilo ako. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako."

Naramdaman kong hinawakan nya ang noo at leeg ko, "Hindi ka naman mainit baby. Ngayon ka lang ba nahilo?" tanong nya bago ako buhatin at nilapag sa kama.

Pumunta naman sya sa aparador at kumuha ng damit nya at nagbihis. Kumuha din sya ng damit ko at binihisan ako bago ako muling binuhat.

"Baby, saan tayo pupunta? Nagugutom na ako." takang tanong ko sa kanya nang makalabas kami sa kwarto.

Naabutan naman namin si nanay Lidia na naghahain na ng almusal. "Mabuti naman at lumabas na kayo. Halika na at kumain na tayo."

"Nay, dadaan po muna kami sa ospital. Nahihilo po kasi ang asawa ko. Nagsuka rin ho sya kanina." pagpapaalam ni Zach nang makapunta kami sa kusina.

"Nahihilo? Nagsuka? May nakain ka bang hindi maganda anak?" nag-aalalang pagtanong ni nanay Lidia.

"Baby gutom na ako. Gusto ko nang kumain. Tsaka hindi na ako gaano nahihilo." sabi ko sa asawa ko na hanggang ngayon ay buhat-buhat ako sa mga bisig nya.

Tumango sakin si Zach bago ako nilapag sa upuan. "Tell me kung nahihilo ka pa. Papapuntahin ko na lang dito si Czarina para check-upin ka." sabi ko na tinanguhan ko na lang. Si Czarina yung pinsan nyang doktor na tumingin din sakin noon.

Katulad ng palagi nyang ginagawa ay nilagyan nya ng pagkain ang plato ko at nagsalin ng tubig sa baso ko bago nya asikasuhin ang sarili nya.

Nang maamoy ko naman ang ulam ay agad ko itong nilayo sakin. "Nay, ano po yang ulam? Bakit ganun ang amoy?" tanong ko kay nanay Lidia na takang nakatingin sakin.

"Adobong manok yan baby. Diba paborito mo din yan?" takang tanong naman ni Zach sakin.

"Sorry nay pero ayoko po nyan. Ayoko po ng amoy, parang malapit ng mapanis. Sorry nay ah." sabi ko na lang.

"Okay lang anak. Ano bang gusto mo?" nakangiting pagtanong nya.

Napaisip naman ako. Ano kayang masarap bukod kay Zach? Wala akong maisip bukod sa hotdog at eggs ni Zach. Haayys.

"Alam ko na! Gusto ko po ng pakwan na puti yung walang buto. Tsaka siomai na walang balat. Tsaka ice cream na sili flavor. Tsaka saging na bilog na sinawsaw sa ketchup. Tsaka hotdog and eggs ng asawa ko!" masayang pagsagot ko.

"Ahm.. Baby, kaya ko lang ibigay sayo ang hotdog at eggs ko. Pero yung iba.. Parang imposible.." sabi ni Zach na nagpaiyak sakin.

"Gusto ko nun! Gusto ko yun lahat! Kakainin ko yun lahat Zach! Lahat yun!" pagrereklamo ko sa asawa kong gwapo pa rin kahit hindi ko maintindihan ang itsura nya.

Hinawakan naman nya ang mukha ko saka hinalikan ang noo ko. "Sige na nga. Para sa asawa ko, bibilhin ko lahat." nakangiting sabi nya sakin.

"Yehey!" sabi ko bago sya hinalikan na syang kinatuwa nya.

---

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Zach. Hapon na ngayon at naibigay sakin ni Zach ang mga gusto ko kanina. Tinulungan sya nina tatay Kanor at nanay Lidia. Narinig ko pa nga na ang weird ko daw. Hindi ko na lang yun pinansin. Ang mahalaga ay nakuha ko na ang gusto ko.

Kinakain ko ngayon yung siomai na walang balat. Kanina ay nakain ko na ang puting pakwan na walang buto at yung saging na bilog na sinawsaw ko sa ketchup.

Masaya naman akong pinapanood ni Zach. Nang makauwi sya ay pawis na pawis sya at halatang pagod na pagod.

"Baby maliligo lang ako. Call me kapag may kailangan ka pa." sabi nya bago ako hinalikan sa noo ko at dumiretso sa banyo dito sa kwarto namin.

Malapit ko nang maubos yung siomai na walang balat nang makalabas si Zach sa banyo na may twalyang nakapulupot sa baywang nya.

"Baby! Come here!" nakangiting pagtawag ko sa kanya.

Nang makalapit sya sakin ay inagaw ko ang twalyang hawak nya at ako mismo ang nagpatuyo ng buhok nya. Itinigil ko saglit ang ginagawa ko at niyakap si Zach bago ako bumulong sa kanya, "Baby, kainin mo naman yung ice cream please? Busog na ako. Sayang naman kung hindi uubusin lahat."

Hinarap nya ako at hindi sya makapaniwala. Namumutla na rin sya na parang nakakita sya ng multo. "B-baby are you serious?!"

Tumango ako sa kanya bago ko abutin ang ice cream na sili flavor. Maliit lang naman ang lagayan nito kaya paniguradong mauubos nya ang laman nito.

"Here. Gusto mo bang subuan kita?" nakangiting sabi ko bago ko iniabot sa kanya yung ice cream.

"C-can you feed me, b-baby?" nakangiwing pagtanong nya na masaya kong sinang-ayunan.

Masaya kong sinusubuan si Zach ng ice cream nang mapansin kong namumula ang leeg nya. Nang tignan ko ang mukha nya ay kitang-kita kong nahihirapan sya.

Hindi ko alam pero naiyak ako dahil sa nakita ko. Agad naman akong pinatahan ni Zach. "Baby why are you crying? May masakit ba sayo? Tell me." nag-aalalang tanong nya habang hawak ang magkabila kong pisngi.

Umiling ako sa kanya bago sumagot, "Alam ko namang ayaw mong kainin ito eh. Nahihirapan ka pero kinain mo pa din!"

Tinanggal nya ang mga luha ko at hinalikan ang mga mata ko, "I love you Ysabel Harrison. Mahal na mahal kita asawa ko." sabi nya habang titig na titig sa mga mata ko.

Parang magic yun dahil kusa akong tumigil sa pag-iyak na kinatawa ng asawa ko. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at kinurot, "Ang cute cute naman ng asawa ko!"

"Baby!" tatawa-tawang pagtawag nya sakin.

Nang tigilan ko ang pagkurot sa kanya ay nakita kong namumula ang mga ito pero nakangiti pa rin sakin si Zach. Maya-maya ay hinalikan nya ang noo ko na syang nagpangiti sakin. He's the sweetest husband ever!

Nagtitigan kami nang matagal bago ako nagsalita dahilan ng pagngiti ng asawa kong pogi.

"Baby, gutom pa ako. Gusto ko nang kainin ang hotdog at eggs mo." walang prenong sabi ko bago ko tanggalin ang twalyang nakabalot sa baywang nya at hawakan ang mga pagkain ko.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon