Chapter 28:

884 21 0
                                    

Agad akong napangiti nang makita ko ang dalawang batang masayang naghahabulan. Nang matapos sa paglalaro ay agad silang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

Tinignan ko ang paligid, ang ganda ng lugar. Kahit saan ako tumingin ay puro bulaklak ang nakikita ko. Kagaya ito ng lugar kung saan kami kinasal ni Zach.

Maya-maya ay naramdaman ko ang mga maliliit na kamay na humaplos sa mukha. Nang tignan ko ay ang dalawang bata pala. Tinitigan ko sila at napansin kong kamukha ko ang batang babae at kamukha naman ng asawa kong si Zach ang batang lalaki.

Pareho silang nakangiti sakin ngayon bago nagsalita ang batang babae, "Kaya mo ito, mommy. Malakas ka kaya alam kong kayang-kaya mong talunin lahat ng bad people na nang-aaway sayo."

Tumango naman ang batang lalaki bago nagsalita, "Tama si kambal mommy. Huwag kang mag-alala, kasama mo si daddy. Magkasama nyong lalabanan lahat ng bad people."

Sabay nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi ko nang bigla na lang silang lumayo sakin. Nakangiti pa rin sila habang kumakaway sakin. Nakita ko namang may dalawang ginang ang nakahawak sa mga kamay nila.

Pagmulat ko ng mata ko ay puro puti ang nakikita ko. Inisip ko naman kung nasaan ako at kung anong nangyari. Nang maalala ko ang ginawa sakin ni Steffi ay agad kong hinawakan ang tyan ko.

Ganon na lang ang kaba at takot ko nang wala akong maramdamang pagsipa ng kambal ko. Tinignan ko ang tyan ko at nalaman kong payat na ulit ang tyan ko.

Nagpapaunahan sa pagtulo ang mga luha ko nang may napagtanto ako. Wala na sila? Bakit wala na sila sa sinapupunan ko?

Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi nang may ideyang pumasok sa isip ko. Baka naman nanganak na ako at maya-maya ay papasok sila dito sa silid ko kasama ang ama nilang si Zach. Tama.. Hihintayin kong pumasok sila dito.

Lumipas ang ilang minuto ay pumasok si Zach. Agad ko syang ningitian nang makalapit sya sakin. "Baby.. Asan sila? Asan ang kambal?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin lang sya sa akin at napansin ko ang pamamaga ng mga mata nya. Hindi ko alam pero sa paraan ng pagtingin nya sakin ay parang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Sunod-sunod ang pag-iling ko bago hampasin si Zach sa braso nya. "Hindi.. Sumagot ka Zach! Buhay ang kambal natin! Buhay sila diba? Buhay sila?" agad-agad na tumulo ang mga luha ko.

Nanatiling tahimik ang asawa ko habang nakayuko at umiiyak. "Baby.. Please.. Buhay sila diba?" sabi ko bago ko punasan ang mga luha ko.

"Zach diba buhay sila? Buhay sila sabihin mo! Kanina.. Kanina nandito pa sila.. Zach sumisipa pa sila kanina.. Buhay sila. Buhay ang mga anak ko.." sabi ko bago ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin kasabay ng pagsagot nya.

"Baby.. Wala.. Wala na sila.. Hindi nila.. Nakayanan.."

Dahil sa sagot nya ay hinampas ko nang hinampas ang dibdib nya, "Hindi! Hindi totoo yan Zach! Hindi pa patay ang mga anak natin. Hindi! Hindi! Hindi!"

Maya-maya ay pumasok si Ingrid at may tinurok sakin. Unti-unti akong nilamon ng dilim bago ko nakita ang asawa kong umiiyak at humihingi ng tawad.

.
.
.
.
.

"Ate.. Ate kain na.." rinig kong sabi ng mga kapatid ko.

Tanging pag-iling lang ang sinagot ko sa kanila. Nakatulala lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala. Syam na buwan kong binitbit sa sinapupunan ko ang kambal. Syam na buwan kong inalagaan ang mga anak ko. Tapos.. Tapos sa isang iglap lang ay mawawala ng ganun? Mawawala sila sakin dahil sa kagagawan ng babaeng iyon?

Naramdaman ko ang pagpunas ni Zach sa mga luha ko. Nang tignan ko sya ay namamaga pa rin ang mga mata nya. Kahit hindi nya sabihin at kahit hindi nya ipakita ay alam kong sinisisi nya ako. Ako ang sinisisi nya sa pagkawala ng anak namin.

Ang sakit. Ang sakit mawalan ng anak. Ang sakit maramdaman na ako mismo ang sinisisi ng asawa ko dahil sa nangyari.

----

Ilang araw na ako dito sa ospital at ngayon ay bumisita sa akin ang ama ni Zach. Tinignan ko sya nang masama. Isa sya sa mga taong gustong-gustong mawala ang mga anak ko. Kung nabubuhay lang si mama Agatha ay sigurado akong hindi nya matatanggap ang nangyari.

Lumapit sya sa akin at tinignan ako nang seryoso. Nagulat ako nang may iabot syang makapal na sobre. Makapal dahil sa dami ng pera ang nasa loob nito.

Tinignan ko sya at ningisian, "Hindi nyo ako madadala sa suhol nyo. Anong akala nyo? Basta-basta na lang nababayaran ang buhay ng mga anak ko? Para sabihin ko sayo, walang katumbas na kahit anong halaga ang buhay ng mga anak ko."

Tumawa ang matandang Harrison bago sumagot, "Hanggang ngayon ay matalas pa rin ang dila mo. Namatayan ka na ng mga anak, matapang ka pa rin!"

Tinignan ko sya nang masama na sinuklian nya ng tinging nakakapang-insulto. Muli syang tumawa dahilan ng paghagis ko sa kanya ng sobre ng pera nya.

"Hindi ko kailangan ng pera nyo! Umalis na kayo bago ako magpatawag ng guards." sabi ko sa kanya.

Pinulot nya ang sobre bago muling tumingin sa akin, "Ito na ang tamang panahon para hiwalayan mo ang anak ko. Wala na kayong anak. Wala ka ng kakapitan pa."

Umirap ako sa kanya bago sumagot, "At bakit ko naman gagawin yon? At ipapaalala ko lang sayo. Mahal ako ni Zach at yun ang kakapitan ko."

Tumawa syang muli bago nagsalita, "Mahal? Sigurado ka ba dyan? Kung mahal ka nya katulad ng sinasabi mo, nasaan sya ngayon? Hindi mo alam? Kasama nya ngayon ang babaeng nararapat nyang pakasalan. Magkasama sila ni Steffi at hula ko ay gumagawa sila ng apo ko."

Ngumisi ako sa kanya bago sumagot, "Sa tingin mo, maniniwala ako sayo? Ilang beses ka na bang gumawa ng kwento? Ilang beses ka na bang nagsinungaling?"

Lumakad na sya paalis pero bago sya tuluyang umalis ay nagsalita sya, "Tawagan mo sya. At malalalaman mo kung nagsisinungaling ako gaya ng sinasabi mo."

Ilang minuto ang lumipas mula ng umalis ang matandang yun nang mapagdesisyunan kong tawagan ang asawa ko. Ilang rings ang nagdaan bago nya sagutin ang tawag ko.

"Zach? Where are you?" tanong ko nang sinagot nya ang tawag.

Isang nakakainsultong tawa ang narinig ko bago ko narinig ang boses ng isang babae, "Bakit mo ba hinahanap ang honey ko? Alam mo, nakakaistorbo ka samin eh."

"At bakit nasayo ang cellphone ng asawa ko?" tanong ko kay Steffi. Oo si Steffi.

"Bakit naman hindi? Kanina ka pa tawag nang tawag. Ayaw naman sagutin ni Zach kaya ako na lang ang sumagot." sabi nya bago ko narinig ang boses ng asawa ko.

"Ysabel, stop calling me. Wag mo na kaming istorbohin pa ni Steffi." sabi nya mula sa kabilang linya dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

Dahil sa galit ko ay naibato ko ang cellphone ko. Umiiyak lang bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko dito sa ospital.

"Ate?! Ate what happened?!" rinig king pagtanong ni Ingrid na hindi ko na pinansin pa.

"Magbabayad sila! Sisiguraduhin kong luluhod sila sa harapan ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti!" sigaw ko.

"Ate.. Ate calm down.." sabi ni Ingrid na tinignan ko nang masama.

"Tawagan mo si Ivy, may papatrabaho ako sa kanya. Tawagin mo rin ang kambal, sabihin mong babalik na ako." seryosong utos ko sa kanya na tinanguhan nya naman.

Akala nyo nanalo na kayo? Sisiguraduhin kong magmamakaawa kayo sakin. Hindi nyo ako kilala. Hindi nyo kilala kung sino ang binangga nyo. Hindi nyo alam kung anong kaya kong gawin!

Maghanda ka asawa ko.. Sisiguraduhin kong luluhod kayo ng ama mo sa harapan ko.

Maghanda ka Steffi.. Sisingilin kita. Pinatay mo na ang mga anak ko, ngayon naman ay inagaw mo sakin ang asawa ko. Magbabayad ka!

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon