Chapter 17:

974 22 0
                                    

Hawak-hawak ni nanay Lidia ang kamay ko habang nakatingin samin ng mga kapatid ko. Si tatay Kanor naman ay seryosong kausap ang asawa ko sa sala.

"Mag-iingat kayo doon, anak. Palagi nyo kaming tatawagan ha? Mamimiss ko kayo!" lumuluhang sabi sakin ni nanay Lidia.

"Huwag mong kalimutang inumin ang vitamins mo. Kumain ka ng masusustansya para sa inyo ng mga anak mo." sabi pa nya bago ako yakapin nang mahigpit.

Makalipas ang mahigit anim na buwang pananatili namin ni Zach dito sa Baguio ay kailangan na naming bumalik sa Maynila. Maraming kailangan asikasuhin si Zach sa kumpanya nya. Ako rin ay maraming kailangan gawin sabi nina Athena at Gale.

"Anak, wag mong kalilimutan ang mangga mo." sabi pa ni nanay Lidia bago inabot kay Aciel ang maraming mangga na kinuha ni tatay Kanor kahapon.

"Mamimiss po namin kayo nanay Lidia. Wag po kayong mag-alala, kapag may oras po ay dadalaw kami dito sa inyo." sabi ko sa kanya bago sya niyakap nang mahigpit.

Maya-maya ay lumapit na samin sina tatay Kanor at Zach. Agad akong hinawakan sa baywang ni Zach bago halikan ang noo ko na syang nagpangiti sakin.

"Ayos na ba lahat ng gamit nyo? Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni tatay Kanor.

"Wala na po tay. Ayos na po ang lahat." nakangiting pagsagot ng asawa ko.

Lumakad na kami palapit sa kotse ni Zach at pinasok na nina Aciel at Eliot sa kotse ang lahat ng gamit namin. Masayang niyakap ng mga kapatid ko sina nanay Lidia at tatay Kanor bago pumasok sa loob ng kotse.

"Zach, sasabay ba talaga sa inyo si Cathy?" takang tanong ni nanay Lidia.

"Opo nay. Gusto hong isabay ni Eliot dahil baka tanggihan pa ang trabahong binigay sa kanya." ako na ang sumagot dahil tutol talaga ang asawa ko sa ideyang kasama naming bumyahe pabalik ng Maynila si Cathy.

"Sige. Mag-iingat kayo. Ah! Tamang-tama nandito na sya. Cathy hija, halika na at aalis na kayo." sabi ni tatay Kanor.

Nahihiyang pumasok si Cathy sa loob ng kotse at tumabi ng upo kay Eliot na malaki ang ngiti. I smell something fishy. Bahala na sila, tutal ay malalaki na sila.

Masuyo naman akong pinapasok ng asawa ko sa loob ng kotse. Kumaway ako kina tatay Kanor at nanay Lidia bago isara ni Zach ang pintuan sa gilid ko. Nakita ko pang niyakap nya ang dalawang matanda bago sya pumasok sa kotse at pinaandar paalis.

"Ate sigurado ba kayong wala na kayong naiwan?" tanong ni Ingrid na sinagot ko ng pagtango.

"Eliot, pakiabot naman ng mangga ko." utos ko sa kapatid ko na hindi umimik.

"Ate ito oh." sabi ni Aciel na syang nag-abot ng mangga ko.

Nang tignan ko sila sa likod ay nakita kong tahimik na nakatitig ang kapatid kong si Eliot kay Cathy na mahimbing ang tulog sa tabi nya.

Si Aciel naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa cellphone nito bago nya narinig ang iilang mura nito.

Si Ingrid ay masayang pinagbabalat ako ng mangga habang si Ivy ay malungkot na nakatingin sa labas ng bintana.

Sa kanilang apat ay mukhang problemado at may pinagdadaanan sina Ivy at Aciel habang masaya naman sina Ingrid at Eliot. May hindi ba sila sinasabi sakin?

.
.
.
.
.

Dumaan kami sa drive through para bumili ng pananghalian. Kanina pa nagrereklamo ang mga tyan namin dahil sa gutom. Si Cathy naman ay nakita kong kumakain ng baong bisquit.

"Baby, what do you want?" malambing na pagtanong ni Zach sakin.

"Spaghetti na maraming hotdog tsaka coke float. Samahan mo na rin ng fries tsaka burger na may itlog." nakangiting pagsagot ko naman bago ko narinig ang pagtanong nya sa mga kasama namin.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon