Chapter 32:

927 17 0
                                    

"Nanay Lidia, sa tingin nyo gagaling na si Ingrid? Hindi kasi kami binigyan nung lalaki ng dugo nya." nakangusong pagtanong ko sa yaya namin ng mga kapatid ko.

Hinawakan nya ang mga kamay ko bago sya sumagot, "Anak.. Siguradong gagaling na si Ingrid. Ang sabi ng mama mo ay nakahanap na sila ng tita Angela mo ng dugo. Kaya wag ka nang mag-alala."

Masaya naman akong tumango sa kanya bago kumain ng puto na sya mismo ang gumawa. Binigyan ko rin naman si Ivy na tahimik na nakaupo.

Tinignan ko ang kapatid ko, "Ivy, may problema ka ba?" nag-aalalang pagtanong ko.

Huminga sya nang malalim bago sumagot, "Ate.. Sino kaya ang papa natin? Siguro mas bubuti ang lagay ni ate Ingrid kapag nakilala na natin si papa?"

Dahil sa sinabi nya ay napaisip naman ako. Sa tingin ko ay hindi naman masama ang ideyang iyon.

Kinabukasan ay magkasama kami ni Ivy na pumunta sa malaking building kung saan kami pumunta ni mama. Tumakas kami ni Ivy at kailangan naming bilisan dahil baka makahalata si tatay Kanor na family driver namin.

Hindi ko alam kung swerte kami dahil nakita namin sya kaagad. Agad ko syang tinawag dahilan ng paglingon nya sa amin. Maging ang isang ginang na kasama nya ay napalingon sa amin.

Agad kaming tumakbo ni Ivy palapit sa kanya, "Papa!" pagtawag ko sa kanya bago sya yakapin.

Hindi ata magandang ideya na niyakap ko ang mga binti nya dahil sinamaan nya ako ng tingin.

"Yan ba ang mga anak nya, Zeus?" tanong ng ginang na kasama ni papa.

"Yes they are, Agatha." seryosong pagsagot ni papa.

Inirapan ako ng ginang bago hawakan nang mahigpit ang braso ko, "Sinong nagsabi sayong pwede kang pumunta dito? Ha? Anong tingin nyo dito? Isang playground?!"

Nagulat ang ginang nang paluyin sya ni Ivy, "Bitawan mo ang ate ko!" sigaw nito.

Binitawan nga ako ng ginang at si Ivy naman ang pinagbuntungan ng galit nya. Hinawakan nya nang mahigpit ang baba ng kapatid ko, "Anong sabi mo?!"

Agad kong nilayo ang kapatid kong umiiyak na at pumuwesto sa likod ko. Tinignan ko nang masama ang ginang na pinanlakihan lang ako ng mga mata.

Tumingin ito kay papa na seryosong nakatingin sa amin ni Ingrid. Akala ko ay ipagtatanggol nya kami tulad ng ginagawa ng papa ng mga kaklase ko. Pero hindi. Mali ako.

Pumantay sya ng tayo sa akin at ningisian ako, "Ang lakas ng loob mo. Anak ka talaga ng Christian na yun!"

Nakita ko namang umirap ang masamang ginang bago hinawakan si papa sa braso upang patayuin.

"Ito ang tatandaan mo bata. Hindi ako ang papa mo. At kahit kailan, kahit anong mangyari. Hinding-hindi mo ko magiging ama at hinding-hindi kita ituturing na anak!" huling sabi nya bago sila umalis ng ginang papalayo sa amin.

.
.
.
.
.

"Anong sinabi ko?! Sino ang nagsabing pumunta kayo dun?!" galit na galit na sabi ni mama habang pinapalo ako sa binti ko.

"Ate tama na.." rinig kong sabi ni tita Angela kay mama.

Huminto si mama sa pagpalo sakin at pinaharap ako sa kanya. Nagulat sya nang malamang hindi man lang ako umiyak.

Tumingin sya sa mga mata ko bago nagsalita nang seryoso, "Hindi sya ang papa nyo. Matagal nang patay ang ama nyo. Naiintindihan mo?"

Unti-unti akong tumango sa kanya bago nya ako yakapin nang mahigpit. Nang maalala ko ang nangyari kanina at kung anong sinabi ng lalaki at ginang kanina. Napagtanto kong tama si mama. Hindi sya ang papa namin. Matagal ng patay ang totoong ama namin.

.
.
.
.
.

Ilang linggo ang lumipas at tuluyan nang bumuti ang kalagayan ni Ingrid. Nakauwi na rin sya dito sa bahay at masaya na ulit kaming naglalaro nina Ivy.

Pinapakain kami ngayon ni nanay Lidia nang makatanggap si mama ng tawag at agad na umalis sa hapagkainan. Tinignan ko sya at napagdesisyunan kong sundan sya.

Nasa sala ngayon si mama at may kausap sa cellphone nya. "Anong balita, Angela?" rinig kong sabi ni mama. Si tita Angela pala ang kausap nya.

"Mabuti naman at maayos na sya. May.. May amnesia ba sya?" nag-aalalang pagtanong ni mama.

Mukha namang nalungkot si mama nang marinig ang sinagot ni tita Angela. "Pwede.. Pwede ko ba syang bisitahin?" sabi ni mama.

"Sige. Aasahan ko yan Angela." huling narinig kong sinabi ni mama bago ako nagdesisyong umalis doon at bumalik sa kusina.

.
.
.
.
.

Nagtataka naman ako nang pumunta kami ni mama sa ospital. Sinasabi ko naman sa kanya na wala akong sakit na tinatawanan nya lamang.

"Mama, ano po bang ginagawa natin dito sa ospital?" nagtatakang pagtanong ko.

Hindi naman nya ako sinagot. Nagmamadali naman kaming naglalakad ni mama at nang makapasok kami sa isang kwarto ay agad syang lumapit sa batang babae na nakahiga sa kama.

Lumapit ako sa kanila at tinignan si mama. Nakita kong umiiyak sya habang may sinasabi sa batang babae habang hinahaplos ang ulo nito.

Tinignan ko ang batang babae at napansin kong magkamukhang-magkamukha kaming dalawa. Sino sya? Bakit sya iniiyakan ni mama? Nang titigan ko pa ang bata ay napansin ko ang sugat sa bandang noo nito. Pinahawak ko naman sa  kanya ang paborito kong stuffed toy.

Nagulat kami ni mama nang biglang may nagsalita, "Anong ginagawa nyo dito?!"

Lumingon si mama sa lalaking nagsalita at nagulat sya nang mapagtanto kung sino ito. Tinignan ko ang lalaki at nalaman kong si papa pala ay este isang lalaking estranghero.

Agad na lumapit ang lalaki kay mama bago hinawakan ang braso ni mama at hinalin palabas. Agad akong sumunod sa kanila nang makalabas sila sa labas ng kwarto.

Nakita kong tinulak ng lalaki si mama kaya naman nakasalampak sa sahig ang mama ko. Lalapit na sana ako sa kanya nang makita kong umiiyak si mama. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak nang ganun.

"Zeus bakit?! Bakit hindi ko pwedeng bisitahin ang anak ko?!" sigaw ni mama nang makatayo sya.

"Tinatanong mo pa yan ha, Cassandra?! Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ang anak ko ngayon! Ikaw ang dahilan kung bakit sya naaksidente! Kaya bakit hindi ka pwede dito?!" sigaw ng lalaki kay mama.

"Wala akong kinalaman sa nangyaring aksidente! Bakit ba ako ang sinisisi mo?!" sabi ni mama.

"Walang kinalaman?! Kitang-kita ni Agatha kung anong ginawa mo kay Tiffany!"

"Si Agatha na naman?! Zeus, kailan ka ba maniniwala sakin?! Kailan ka ba maniniwala sa mga sinasabi ko?!" galit na sabi ni mama bago tumulo nang tumulo ang mga luha nya.

"Bakit naman ako maniniwala sayo?! Sino ka ba?!" galit na sabi ng lalaki.

"Zeus, asawa mo ako! Ako ang asawa mo pero mas pinili mong maniwala sa kabit mo!" sigaw ni mama bago sya hawakan ng lalaki sa braso.

"Hindi sya kabit! Matagal ko nang tinapos ang relasyon natin mula nang niloko nyo ako ni Christian!" galit na sigaw ng lalaki at agad na tinulak muli si mama sa sahig.

Agad-agad akong tumakbo palapit kay mama at yumakap sa kanya bago ko tinignan nang masama ang lalaki, "Wag na wag mong sasaktan ang mama ko! Bad ka! Galit ako sayo!"

Hinawakan naman ng lalaki ang magkabila kong balikat bago sya itulak ni mama. "Wala kang karapatang saktan ang anak ko, Zeus!" sigaw ni mama bago ako tinignan.

Kita ko ang gulat sa mga mata nya nang makitang hindi ako umiyak. Hinalikan nya ang noo ko bago muling tumingin sa lalaki, "Hinding-hindi mo na kami makikita pa ng mga anak ko Zeus."

Binuhat ako ni mama bago kami umalis doon. Tinitigan ko ang lalaking nagngangalang Zeus. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha nya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagtingin nya sakin bago sya pumasok sa kwarto ng bata kanina.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon