Chapter 21:

894 17 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at nandito kami sa korte dahil sinampahan namin ng kaso si Athur Montemayor at mga kasabwat nito.

Si Aciel ang naging abugado. Kung hindi nyo naitatanong ay isang napakagaling na abugado ang kapatid kong si Aciel. Sya ang naging topnotcher noong nakaraang bar exams.

Makalipas ang ilang minuto ay naibigay na ang hatol ng korte. Dahil sa nakalap na mga ebidensya ni Ivy ay napatawan ng guilty si Arthur Montemayor at makukulong sya ng iilang taon kasama ang mga kasabwat nya.

Nang makalabas kami doon ay agad kong niyakap si Aciel. "Very good Aciel. Napakagaling na abugado talaga ng kapatid ko!" sabi ko na sinagot nya lang ng matamis na ngiti.

Maya-maya ay lumapit sa amin ang mga pamilya ng mga trabahador naming kasama sa naging aksidente. Hinawakan ng isang ina ang kamay ko at lubos-lubos ang pasasalamat nila sa amin.

"Akala mo ay nanalo ka na? Magtutuos pa tayo." rinig kong sabi ng anak ni Athur na si Steffi Montemayor.

Si Steffi ang babaeng gusto ng ama ni Zach na maging may-bahay nito. Malas nya lang dahil may mahal na si Zach at ako iyon. Malas nya lang dahil nagmahal sya ng lalaking may mahal ng iba at may sarili ng pamilya.

Lilingunin ko pa sana sya dahil pamilyar ang boses nya pero nang tignan ko sya ay nakatalikod na sya at naglalakad paalis kasama ang ama nitong escort ng mga pulis.

Muli akong lumingon sa mga pamilya ng mga trabahador namin nang yayain ako ni Aciel na umalis na doon. Ang mga pamilya ng mga trabahador ay nagkanya-kanyang pasasalamat sa amin bago tuluyang umalis doon.

Masaya akong kumakain ng hotdog na nasa bun nang magsalita si Aciel, "Ate, hindi naging madali ang kalabin ang dating heneral. Marami syang kapit lalo na sa gobyerno pero malas nya lang at isang magaling na inspector ang ate kong si Ivy."

Tama kayo, ang kapatid kong si Ivy ay kilalang inspector at pulis. Bukod sa magaling sya ay kapansin-pansin din ang angking ganda nya. Maraming nagbalak na manligaw sa kanya pero palagi silang busted sa kapatid ko.

Natawa naman kami ni Aciel. "Aciel, ihatid mo ako sa kumpanya ni Zach. May usapan kaming sabay na magtatanghalian eh." sabi ko sa kanya na agad nyang sinunod.

Nang makababa ako sa kotse nya ay pinaandar nya agad ito. Gusto pa sana nyang ihatid ako hanggang sa opisina ni Zach pero tumanggi ako.

Habang naglalakad papasok sa kumpanya ay maraming bumati sakin. Agad na ngumiti si Kylene nang makita ako. Remember her? Yung babaeng nanampal sakin nung unang punta ko dito? Ngayon ay tropa na kami at balita ko ay may boyfriend na ito.

"Magandang umaga sa babaeng maganda pa rin kahit buntis!" sabi nya na nagpatawa sakin.

"Dyosa pa rin ako diba? Huwag kang mag-alala, gagawin kitang ninang ng kambal." sabi ko naman sa kanya na masaya nyang sinang-ayunan bago ako sumakay sa elevator.

Hindi pa man ako nakakarating sa opisina ng asawa ko ay rinig na rinig ko na ang malalakas na mga sigaw mula sa opisina nya.

"No! Kahit anong sabihin mo ay hindi magbabago ang pasya ko!" rinig kong sigaw ni Zach.

"Nahihibang ka na ba?! Matagal ko nang sinabi sayo na si Steffi ang nararapat na maging asawa mo at hindi ang babaeng pinakasalan mo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na sa palagay ko ay tatay ni Zach.

"Matagal ko na ring sinabi sa inyo na hindi ko sya mahal! Ano bang mahirap sa sinabi ko at hindi nyo maintindihan?!"

"Mahal?! Fuck that word! Si Steffi lang ang tatanggapin kong manugang at hindi ang sinumang anak ng kung sinu-sino lang! Sino ba sya?! Ano bang alam nya?! Sino ang mga magulang nya?!"

"Don't call my wife names! Wala akong pakialam sa kung anuman ang sasabihin mo!"

"Zachary! Sa ayaw at gusto mo, magpapakasal kayo ni Steffi!" huling sigaw ng ama ni Zach bago ko ito nakitang lumabas sa opisina ng asawa ko.

Nang makalapit sakin ay agad itong nagulat at namutla, "You.." rinig kong sabi nito bago ko sya lampasan at pumasok sa opisina ni Zach.

"Baby?" pagtawag ko sa kanya. Nang makita ako ay agad syang lumapit sakin at niyakap ako nang mahigpit.

----

Masaya kaming kumakain ni Zach dito sa loob ng opisina nya nang may biglang tumawag sa kanya. Hinalikan nya ang noo ko bago nya sinagot ang tawag.

"Yes mom? Okay, got it!" nakangiting binaba ni Zach ang tawag at masayang nakatingin sakin.

"What?" takang tanong ko.

"Mommy and ate Tiffany wants to meet you. Gusto nilang mag-dinner tayo sa bahay kasama sila." pagbabalita nya sakin.

Agad akong napanguso nang maalala ko ang ama nya, "Baby.. Nandun din ba ang dad mo?" tanong ko sa kanya.

Agad nyang hinawakan ang mga kamay ko bago sya sumagot, "Don't worry baby. Mommy said may business trip si dad ngayong araw kaya wala sya sa bahay ngayon." sagot nya na kinatuwa ko.

.
.
.
.
.

"Sigurado ka ba talaga dito ate?" nag-aalalang pagtanong ni Ingrid sakin.

"Oo nga ate. Baka anong gawin nila sayo dun?" nag-aalalang sabi naman ni Ivy.

"Ate Ysabel, gusto mo samahan ka namin?" tanong naman si Cathy.

Nakangiting humarap ako sa kanila, "Ayos lang ako. Kasama ko naman si Zach kay wag na kayong mag-alala. Hindi naman ako papabayaan ng asawa ko." sabi ko sa kanila bago tignan ang sarili ko sa salamin.

Kasama ko silang tatlo dito sa kwarto ko. Naghanap kami ng magandang dress para suotin ko ngayong gabi. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan ang medyo malaki ko ng tyan.

"Ang ganda mo ate!" sabay-sabay nilang sabi bago kami lumabas ng kwarto.

Naabutan naman naming kausap ng kambal na sina Aciel at Eliot ang asawa ko. "Kuya, ikaw na ang bahala kay ate ha." rinig ko pang sabi ni Aciel nang makalapit kami sa kanila.

Hinawakan ni Zach ang baywang ko bago kami nagpaalam sa kanila. Pinasakay ako ni Zach sa loob ng kotse nya bago sya pumasok at paandarin ang sasakyan paalis ng bahay.

Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating kami sa bahay nila. Nakangiting bumaba kami ng kotse nya at pumasok sa bahay nila.

Masaya kaming sinalubong ng mama nya at ng ate nya. Agad nila akong niyakap nang mahigpit bago kami nagtungo sa hapagkainan. Agad na nagningning ang mga mata ko nang makita ang pagkain.

Natawa naman ang mama ni Zach, "Paborito mo daw yan sabi ng asawa mo." sabi pa nya sakin na sinagot ko ng tango.

Pinagsandok naman ako ni Zach ng pagkain at nagsalin sya ng mango juice sa baso ko. Ang ate Tiffany nya ay kanina pa nakatitig sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may madumi sa mukha ko.

"May dumi po ba ako sa mukha?" nakangusong pagtanong ko sa kanya.

Agad naman syang natawa bago umiling, "Wala naman sis. Ang ganda mo kasi eh. Tsaka parang may kahawig ka." sabi nya bago nagpatuloy sa pagkain.

Si Zach naman ay sinusubuan ako nang biglang magsalita ang mama nya, "Ilang buwan na ang tyan mo, hija?" tanong nya bago tumingin kay Zach.

"Ikaw ha! Hindi mo man lang kami pinapunta sa kasal nyo. Ngayon mo lang pinakilala ang asawa mo na ngayon ay buntis." sabi nya kay Zach na tanging ngiti lang ang sinagot sa kanya.

Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan nang may narinig kaming nagsalita, "What is the meaning of this?!"

-----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon