Last Chapter Part 2:

1.1K 21 0
                                    

Umuwi akong masaya galing sa school. Sino bang hindi sasaya kung buong araw mong nasilayan ang babaeng tinitibok ng puso mo? Sinong hindi sasaya kung alam mong walang pumoporma sa babaeng laman ng puso't-isipan mo?

Nawala ang ngiti ko nang marinig na naman ang sigawan at pag-aaway ng mga magulang ko pagpasok ko sa bahay namin. Nakita ko naman si ate Tiffany na nakaupo sa sala at nanonood ng tv. Nang makita nya ako ay agad nya akong inirapan.

Napabuntong-hininga na lang ako bago ako umakyat papunta sa kwarto ko. Naupo ako sa kama ko bago ko hubarin ang mga sapatos ko. Alam ko naman na matagal nang hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni ate Tiffany. Hindi ko alam kung bakit pero mula nang maalala nya ang lahat ay bigla syang nagbago.

Noong mga bata kami ay mabait naman sya sa akin pero mula nang makaalala sya ay biglang nagbago ang pakikitungo nya sa akin. Naging cold sya sa akin. Palagi syang nakairap o kaya naman ay masama ang tingin sa akin sa tuwing makikita ako. Sa totoo lang namimiss ko na ang dating sya. Kung ako ang masusunod ay hihilingin kong sana ay hindi sya nakaalala.

Hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan nya. Kahit kina dad at mom ay nagbago ang pakikitungo nya. Palagi syang nakasigaw kapag kinakausap sya ng dalawa. Palaging masama ang timpla nya kapag nakikita kaming tatlo.

Kinuha ko na lang ang phone ko at tinignan ang mga litrato ni Ysabel doon. Kahit papaano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Ganito ako palagi kapag naaabutan kong nag-aaway ang mga magulang ko. Litrato lang ni Ysabel ang kailangan ko at gagaan na ang pakiramdam ko.

.
.
.
.
.

Papasok sana ako sa kwarto ng mga magulang ko upang kausapin si mommy tungkol sa project ko sa school nang hindi sinasadyang narinig ko ang sinabi nya habang may hawak na litrato.

"Hanggang ngayon ikaw pa rin! Hanggang ngayon ay ikaw pa rin, Cassandra!" rinig kong sabi nya.

"Wala ka na! Matagal ka ng patay pero ikaw pa rin ang kinababaliwan ng asawa ko!" dahil sa sinabi nya ay agad kong naisip na yun ang dahilan ng palagi nilang pag-aaway ni daddy.

Isasara ko na sana ang pinto nang marinig ko ang huling sinabi nya, "Ang mga anak mo.. Sina Ysabel, Ingrid at Ivy.. Hinahanap sila ng asawa ko.. Hinahanap sila ng totoong ama nila.."

Hanggang sa pagpasok ko sa kwarto ko ay hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng mommy ko. Ysabel, Ingrid at Ivy.. Hinahanap ni daddy? Hinahanap ng totoong ama nila?

Kinuha ko ang laptop ko at nagresearch. Alam kong may unang asawa si daddy bago ang mommy ko. Hindi kaya yun ang babaeng binanggit ni mommy? Cassandra?

Nagulat ako sa nabasa ko sa internet. Tama nga ako! Cassandra Harrison, unang asawa ni daddy at may isa silang anak at iyon ay si ate Tiffany.

Napangisi ako. Kaya pala ganun ang trato nya sa akin. Siguro ay naisip nyang inagaw namin ni mommy si daddy sa kanila ng mommy nya. May mga kapatid kaya sya? Sila Ysabel ba yun?

May nakita naman akong picture ni Cassandra at nagdadalang-tao sya. Nanghihinayang na humiga ako sa kama ko. Totoo nga! Kapatid ko sa ama si Ysabel!

Parang piniga ang puso ko dahil sa nalaman. Parang sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit malaman na ang babaeng mahal ko ay kapatid ko pala sa ama.

.
.
.
.
.

Lumipas ang mga linggo ay palagi pa rin akong nakasunod kay Ysabel. Habang pinagmamasdan ko syang nagtatrabaho sa resto ay hindi ko maiwasang makunsensya. Kung hindi kaya kami dumating ni mommy sa buhay ni daddy, magtatrabaho pa kaya sya? Magpapakahirap pa kaya sya para buhayin ang mga kapatid nya?

Hindi ko alam kung anong buong kwento. Hindi ko alam kung bakit hindi nila kasama si daddy. Hindi kaya ay naghiwalay ang mommy nya at si daddy nang hindi nalalaman na pinagbubuntis sila ng mommy nya? O kaya naman ay kasabay ng paghihiwalay ng mga magulang nya ay syang paghihiwalay din nila ni daddy?

Pag-uwi ko sa bahay ay seryosong nag-uusap sila mommy at daddy sa sala. Nang makita ako ay agad nila akong pinalapit sa kanila.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan mong pakasalan si Steffi Montemayor pagdating ng araw." seryosong sabi ni daddy.

Tumingin ako kay mommy pero tumango lang sya sa akin. "Dad ayoko! May mahal na akong iba at sya lang papakasalan ko!"

Mahal ko si Ysabel at wala akong pakialam kung magkapatid man kami sa ama. Mahal ko sya at sya lang ang babaeng papakasalan ko.

"You need to marry her whether you like it or not!" sabi ni daddy.

"I love someone else dad! Please.." pakiusap ko sa kanya.

"Huwag ako ang kausapin mo tungkol dyan Zachary. Kausapin mo ang mommy mo tutal sya naman ang may kasalanan ng lahat." huling sabi ni daddy bago umalis sa sala.

Tumingin ako kay mommy, "I'm sorry son." tanging sinabi nya bago sya umalis ng sala.

.
.
.
.
.

Lumipas ang maraming linggo at nandito kami ni mommy kung saan nagtatrabaho si Ysabel. Nakatingin lang ako sa kanya nang magsalita si mommy.

"Do you like her?" seryosong pagtanong nya.

Tumingin ako ng seryoso sa kanya bago sumagot, "I love her mom."

Muli akong tumingin kay Ysabel bago nagpatuloy, "I love her so much mom. Pero hindi kami pwede. Anak sya ni daddy sa unang asawa nya kaya hindi kami pwede."

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya naman muli akong tumingin sa kanya. Nakita kong lumuluha sya bago nagsalita, "Follow your heart anak. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. I will always support you."

Nagtataka akong tumingin sa kanya bago nagsalita, "What do you mean mommy? Hindi nyo po ba narinig ang sinabi ko. Kapatid ko sya--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla syang nagsalita.

"Hindi kayo magkapatid. Anak kita sa ibang lalaki Zachary. I'm sorry." seryosong sabi nya na nagpagulat sakin nang husto.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas ay pwede kaming magmahalan ni Ysabel dahil hindi kami magkadugo. O maawa sa sarili ko at magagalit kay mommy dahil tinago nya sakin ang totoo. Hindi nya sinabi sakin na hindi ako tunay na anak ni daddy. Hindi nya sinabi sakin na anak ako ng ibang lalaki sa kanya.

.
.
.
.
.

Dumating ang graduation day namin. Masaya kong pinapanood si Ysabel na nagsasalita sa harap dahil nagtapos syang valedictorian. Nagpalakpakan kaming lahat nang matapos syang mag-speech.

Nang ibigay na ang diploma ko ay tanging si mommy lang ang sumama sa akin sa stage. Nakita ko naman si daddy na nakatingin sa isang ginoo na kasama pala nina Ysabel.

Nakita ko ang magkakapatid na Montefalco na masayang umakyat ng stage upang kunin ang diploma nila. Kasama nilang umakyat ng stage ang ginoo na kanina pa tinitignan ni daddy.

Nang tignan ko si daddy ay kitang-kita ko ang inggit at sakit sa mga mata nya habang nakatingin kina Ysabel na masayang nagpapa-picture kasama ang isang ginoo na umakyat din sa stage kasama nila.

Natapos na ang graduation. Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Ysabel. Gusto ko syang makita kahit sa huling pagkakataon lang. Hindi ko kasi alam kung saan sila mag-aaral ng college. Hindi ko rin alam kung saan ako magtatapos ng pag-aaral kaya posibleng ito na ang huling beses na makikita ko sya.

Lumapit ako kina mommy na masaya para sa akin. Napansin ko namang umirap na naman sa akin si ate Tiffany. Nakita ko ring may tinitignan si daddy. Nang tignan ko ito ay nakita ko ang babaeng tinitibok ng puso ko. Kasalukuyan syang nakatingin sa gawi namin kaya naman ningitian ko sya. Agad syang nag-iwas ng tingin nang mapansing nakatingin na ako sa kanya.

Magkikita pa tayo mahal ko. Sisiguraduhin kong mapapasaakin ka rin. Maghintay ka lang baby ko. Magiging asawa rin kita at magiging ina ng mga anak ko.

-----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon