Chapter 6:

1.7K 35 0
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang asawa kong nagluluto ng hapunan namin suot ang apron na may spongebob na design. Naalala ko tuloy kung paano namin binili yan.

"Baby, may gusto ka pa bang bilhin?" nakangiting pagtanong sakin ni Zach habang bitbit ang ilang bags ng grocery.

"Hmm, sasabihin ko sayo kapag may naisip na ako. Sa ngayon, dalhin muna natin yang mga yan sa kotse mo tapos kain na tayo ng tanghalian." sabi ko sa kanya at hinila sya papunta sa parking lot nitong mall.

Pabalik na sana kami ni Zach sa loob ng mall nang biglang may tumawag sa kanya.

"Hello? Ate?!" gulat na gulat na sabi ni Zach. Hula ko ay hindi tumatawag yung kapatid nya sa kanya kaya nagulat sya.

"We're fine ate. Yes, she's with me. Don't worry. Yes, she's beautiful. She's like a goddess. Hmmm.. Got it ate, thanks." sabi nya habang nakangiting nakatitig sakin.

"What?" takang tanong ko matapos ang tawag ng ate nya sa kanya.

"Ate wants to meet you. Mom and dad also." sabi nya bago hawakan ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papasok sa mall.

"Kailan daw?" tanong ko naman.

"Hmm. I'm not sure. Nasa ibang bansa pa sila ate at si dad. Si mom lang ang nasa bahay ngayon. Actually kakauwi nya lang galing sa States." pagsagot nya.

"Sige. Tell me kung kailan."

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay may nadanan kaming boutique. Gusto ko sanang bilhin yung sandals kaso sobrang mahal. Kahit naman mayaman na ako ay hindi naman ako gastusera. Binibili ko lang kapag kailangan.

Pumasok naman kami ni Zach sa isang boutique na nagbebenta ng mga spongebob merchandise! OMG spongebob, here I come!

Agad akong napangiti nang makita ang couple apron. Yung isa, si spongebob na may hawak na puso na may nakasulat na 'my husband'. At yung isa naman ay ganun din pero 'my wife' naman ang nakalagay dun sa puso.

"Baby! Gutom ka na ba? Saglit na lang at maluluto na ito." sabi bigla ni Zach na syang nagpabalik sakin sa reyalidad. "By the way, nice outfit my wife." sabi pa nito saka sumipol bago binalikan ang niluluto.

Ano daw? Nice outfit? Tinignan ko naman ang sarili ko at agad na namula ang mga pisngi ko nang makitang suot ko ang puting polo ni Zach na hanggang tuhod ko. Walang kahit na anong undergarments na suot, tanging damit lang ni Zach. Kaya pala ganun ang reaksyon nya.

Lumapit na lang ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. "Matagal pa ba yan? Nagugutom na ako." nakapout kong pagsabi sa kanya na sinagot nya ng halik.

"Baby malapit na ito. Upo ka na dun para makakakain na tayo." sinunod ko naman ang sinabi nya at naupo ako.

Habang kumakain ay hindi maka-focus si Zach. Palagi nyang nabibitawan ang hawak na kutsara at tinidor.

"Baby, nakakailang bisita ka na. Baka mamaya ay magsisulputan sila." biro ko at nagpatuloy sa pagkain.

Alam ko naman kung bakit. Hahaha bakit ba kasi lumabas akong nakaganito yan tuloy hindi maka-focus si Zach. Alam ko namang kaming dalawa lang ang nandito sa bahay kaya kumportable ako sa suot ko. Tsaka mag-asawa naman kami kaya walang kaso yun.

"Baby.. Mamaya mo na ako titigan nang ganyan, kumain ka muna." biro ko pa sa kanya na namumula na ang magkabilang tainga at leeg nya.

"We'll just finish our dinner at ikaw naman ang kakain ko baby ko." walang prenong pagsabi nya dahilan ng pagkapula ng mukha ko.

"Zaaaaach!" naiinis na pagtawag ko sa pangalan nya.

---

Nandito kami ngayon ni Zach sa isang palaisdaan. Gusto ko kasing ma-experience ulit kung paano mamingwit ng isda. Noon kasi na bata bata pa ako ay mahilig akong mamingwit ng mga isda pang-ulam naming magkakapatid. Noon ay kasama ko pa si mama, sya mismo ang nagturo sakin nito.

"Ganito lang yan hijo. Kailangan mo ng pagkain nila para kumagat sila at mahuli mo. Kailangan mong galingan para hindi makawala." sabi ni manong kay Zach. Nagpapaturo kasi si Zach.

"Kapag mayroon na, ihagis mo katulad nito at hintayin mong kumagat. Parang pag-ibig lang yan, hintayin mong mahalin ka din nya." sabi pa ni manong.

"Kailangan po ba matagal?" tanong ni Zach.

"Hindi naman hijo. Kapag tinagalan mo, baka may nakakuha ng iba. Kailangan mong hanapin nang mabuti para mapasayo."

"Paano kung nakuha ko na?"

"Kapag nakuha mo na, wag mong hayaang kumawala sayo. Dahil kung sayo talaga, sayo talaga." nakangiting sagot ni manong na akala mo ay love expert.

"Meron na manong. Meron na!" biglang sigaw ni Zach halatang tuwang-tuwa na may nahuli syang isda.

"Magaling ka hijo. Sige sa ibang parte naman." sabi ni manong bago lumapit sakin at kausapin ako.

"Kamusta na hija? Ang tagal nating hindi nagkita ah." nakangiting sabi sakin ni manong.

Nagulat naman ako dahil hindi ko sya kilala pero halatang kilala nya ako. "Ahm, sino po kayo?"

"Ikaw talaga hija nakalimutan mo na ako? Si Mang Kanor ito, Ysabel! Lumipat lang ako dito sa Baguio dahil nandito ang pamilya ko. Kamusta na? Huli nating kita ay maliit ka pa." sagot nya.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko sya. Si mang Kanor ay dating nagtatrabaho samin. Sya rin ang kasama naming mamingwit nina mama noon.

"Kamusta na po kayo, tay? Grabe hanggang ngayon ay magandang lalaki pa rin kayo!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko anak. Kamusta ka na? Kasama mo ba ang mga kapatid mo? Ang mama mo?" tanong nya sakin.

Parang gusto kong maiyak nang tinawag nya akong anak. Anak na kasi ang turing nina mang Kanor saming magkakapatid.

"Ayos lang po tay. Maayos na po ang buhay namin ng mga kapatid ko. Nahirapan ako nung nawala sila mama pero kinaya ko para sa mga kapatid ko." sagot ko.

"Patay na ang mama mo? Anong nang---" hindi naituloy ni mang Kanor ang sasabihin nang lumapit na si Zach samin.

"Baby tignan mo, ang dami kong nahuli." tuwang-tuwang sabi sakin ni Zach.

"Ang galing naman ng asawa ko!" pagpuri ko sa kanya.

"Ysabel, may hindi ka ba sinasabi sakin?" seryosong tanong sakin ni mang Kanor.

"Ahh tay, si Zach po asawa ko. Baby, si mang Kanor, parang tatay na namin sya ng mga kapatid ko." sabi ko bago nagpakilala itong si Zach.

"Zachary Harrison po. Bagong kasal lang po kami ng asawa ko. Sayang po at hindi kayo nakadalo." sabi ni Zach.

"Harrison?" tumingin ng makahulugan si mang Kanor sakin bago muling tumingin kay Zach. "Sigurado ka bang hindi ka sasaktan nito anak? Sigurado ka bang hindi sya kagaya ng ama nya?" seryosong tanong nya sakin.

"Kanor, sinong mga kasama mo?" rining kong tanong ng isang babae kay tatay Kanor.

Nang makalapit ito samin ay agad na nanlaki ang mga mata nito. "Ysabel?" pagtawag nya sakin.

Mas lumapit pa sya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Naku, Ysabel ikaw nga! Ang laki mo na anak. Kamusta na kayo?" sabi ng babae sakin.

Biglang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko sya. "Nay.. Nanay Lidia.." pagtawag ko sa kanya bago sya yakapin.

"Ikaw talagang bata ka. Tahan na ha." sabi nya habang akap-akap ako nang mahigpit.

Si nanay Lidia ay dating nagtatrabaho sa pamilya namin. Sya ang nag-alaga at nagpalaki samin ng mga kapatid ko. Asawa sya ni tatay Kanor.

"Tahan na anak.. Nandito na si nanay Lidia ah.."

----

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon