Chapter 34:

952 19 0
                                    

Dalawang taon na lang ay magtatapos na kami ng mga kapatid ko sa highschool. Ilang linggo na ang lumipas mula nang barilin sina tita Angela at tito Gabriel na naging dahilan ng pagkamatay nilang dalawa.

Nandito kami ngayon kung saan nakalibing ang dalawang taong naging magulang namin ng mga kapatid ko. Hinaplos nina Aciel at Eliot ang lapida ng mga magulang nila bago lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

Umiiyak silang apat habang nakatingin sa lapida nina tita Angela at tito Gabriel. Gustuhin ko man ay walang tumutulong mga luha sa mga mata ko.

Maya-maya ay napagdesisyunan naming pumunta naman sa kung saan nakalibing si mama. Hindi mapigilan ng mga kapatid ko ang pag-iyak lalo na nang maalala ang nangyari kay mama.

Tinignan ko isa-isa ang mga kapatid ko. Lahat sila ay umiiyak habang nakatingin sa lapida ni mama. Tumingin ako sa lapida ni mama.

Cassandra Harrison.

Pinatay si mama nang hindi man lang kami nakikita at nahahalikan bago sya umalis. Pinatay si mama nang walang kalaban-laban.

"Pinapangako ko mama, aalamin ko kung sinong pumatay sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi sila nagbabayad. Pinapangako ko, ako ang mag-aalaga at bubuhay sa mga kapatid ko. Magiging malakas at matatag ako para sa aming lahat." sabi ko sa isip ko bago muling tumingin sa mga kapatid ko.

.
.
.
.
.

"Ano pong ibig nyong sabihin, tito Christian? Hindi po namin pwedeng ma-handle ang negosyo nina tita Angela?" nagtatakang pagtanong ko sa kanya nang mag-usap kami kasama ang mga kapatid ko.

"15 years old pa lang kayo, Ysabel. Hindi sang-ayon ang board na underage ang hahawak sa negosyo ng pamilya nyo." pagpapaliwanag nya.

"Tito, legally adopted kami. Kailangan ba talagang nasa legal kaming edad bago mapasaamin ang negosyo?" tanong ni Ivy.

"Kailangan nyong maghintay ng tatlong taon bago mahawakan ang negosyo nyo." sagot nya.

"Tito, personally trained ako nina tita Angela. May kakayahan akong i-handle ang negosyo." sabi ko pa.

"Huwag kayong mag-alala. Bilang ako ang pangalawang may pinakamalaking shares sa kumpanya, ako muna ang magha-handle sa negosyo hanggang sa maging 18 years old kayo, Ysabel." sabi ni tito na sinang-ayunan na lang namin dahil wala naman kaming magagawa.

.
.
.
.
.

"Girl, matagal na naming napapansin na palaging sumusulpot yang si Zachary kung nasaan tayo." sabi ni Athena na bestfriend ko.

Nilingon ko naman si Zachary na agad nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Tinignan ko sina Athena at Gale, "Hayaan nyo sya. Mapapagod din yan."

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa library at nag-aaral. Kasalukuyang 3rd year high school na kami. Si tito Christian ang nagpapa-aral sa amin ngayon ng mga kapatid ko. Balak ko namang maghanap ng trabaho para hindi kami umaasa sa kanya.

Palabas na kami sa gate nang may biglang pumaradang sasakyan sa harap namin. Bumaba ang bintana nito at nakita kong sumilip si Steven, manliligaw ng kapatid kong si Ingrid.

"Sabay na kayo sa akin. Ihahatid ko na kayo sa inyo." sabi nito habang nakatingin kay Ingrid na masama ang tingin sa kanya.

"No thanks." tipid na sagot ng kapatid ko bago kami tuluyang lumabas ng gate ng school at sumakay sa kotse ni tito Christian na kanina pa naghihintay sa amin.

.
.
.
.
.

Nagjo-jogging ako nang mapansin kong sumusunod sa akin si Zachary. Heartthrob ng school. Maraming nahuhumaling sa kagwapuhan nya pero hinding-hindi ako magiging laruan nya.

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon