Chapter 3

30 4 0
                                    

                              Celestine's POV

"Bilang President ng section na ito, Nakiusap si Sir Jeremy na ako muna ang incharge sa announcement tutal hindi naman mahirap i handle ang section natin. So please listen carefully nang sa gayon ay hindi ko na kailangang ulitin pa. Okay?"

"Pleasee Pres! Dalian mo na nakaka curious naman kasi" pagsingit  ni Jake—ang VP sa section na ito sa dapat na i aanounce ni Pres. Napapansin ko mas madaldal pa lalaki sa room namin kaysa babae. Ilang beses narin iyang napuna ng mga gurong pumapasok sa room namin para magturo. Mga barbie ata  lahat ng mga lalaki sa room namin eh.

"Oo nga. Pres! May outing ba? O ilang buwang walang pasok?" Pagtatanong ng classmate kong si Jesse.
"Para sa tanong mo Mr.Felix, mayroon ngang magaganap na outi- ." Naputol na naman ang sasabihin ni Pres ng magsigawan ang mga kaklase ko sa tuwa. May naghampasan pa ng bag at may nagsitalunan pa. Di naman sa OA no? Pero kase, sa lahat ng plinanong outing mga besh, wala pang kahit na isang natuloy.

"Madali ngang i handle ang section na ito" bulong ni Pres. sabay buntong hininga.
Tinignan ko kung anong reaksiyon ng mga kaibigan ko . Si Annika naka dukddok sa armchair  niya. Si Alianna naman naghihintay lang sa announcement. Si Ivory nakakunot ang noo. Si Sydney halata mong naiinis na dahil sa ikinikilos ng mga kaklase namin. Si luna naman tahimik lang. at si Gwyneth na naka poker face habang nakatingin sa harap kung saan nandoon ang Pres namin.

Hinintay muna naming kumalma ang mga organs ng mga kaklase ko sa pagse celebrate at sa wakas ay magsasalita narin si Pres.
"Gaya nga ng sinabi ko kanina, may magaganap na outing, pero mas tama yatang tawagin iyong camping"
Nag bulong bulungan naman ang mga kaklase ko. Yung iba na excite at yung iba naman, wala lang.

"Yey! Guys may camping! Paano ba yan magkakasama na naman tayo!" Excite na saad ni Sydney.
"Oo nga! Saan kaya magaganap no?" Singit naman ni Gwyneth.
"Sana naman sa medyo malayo naman dito sa province natin" nakangusong pahayag ni Annika.
"Oo nga palagi nalang rito sa Ilocos. Pero okay narin. Sariwa yung hangin tas maraming magagandang view. Pero halos alam na nating lahat yan eh" wika ni Luna

"Uhm. Guys? Gusto niyo ba talagang matuloy to o sasabihin ko nalang kay sir na huwag nang ituloy ha?" Napairap pa si Pres habang pinapagalitan kami.
"So sa friday na ito. We'll be back on Monday so ilang araw rin tayo do'n. Prepare niyo kung anong kailangan niyo. Magdala rin kayo ng sariling tent niyo dahil di naman private ang school natin.

May gagawin rin tayong activities don, like ball games, parlor games and etc."
"So that's all guys. Pwede na raw tayong umuwi since may meeting din ang mga teachers ngayon sa magaganap na camping. Class dimiss" pagtatapos ni Pres. Sa speech niyang pagka haba haba.

Nag ayos na kami ng gamit at napag pasiyahang tumambay muna sa may kakahuyan sa school namin para magpahangin
Dahil masiyado pa namang maaga para umuwi.
"Nakaka excite naman! Ano sa tingin niyo guys? Ilang kayang dadalhin kong maleta?" Paninimula ni Ivory sa usapan.

"Okay na sakin yung isang maleta"sagot naman ni luna.
"OA mo naman Ivory"pambabara ni Alianna kay Ivory.
"Ako nga isang maleta din"pag sang ayon ni Anikka para matigil na naman sa debate ang dalawa. Dahil malamang naman sa malamang, mag sasagutan na naman yang dalawang yan.
At napagkasunduhan na tag iisang maleta nalang kami. Hay. Thursday na pala bukas. Bilis talaga ng araw.

Sana lang talaga maging maayos ang lahat sa darating na event. Ano naman kasing pakulo ang naiisip ng mga guro? Napaisip lang ako, Asan na kaya si kuyang alagad ni inang cc?Taga rito rin kaya siya? O baka naman naparito lang? Ay ewan. Di ko naman kasi siya nakikitang pagalagala o nakita sa paaralang ito. No'ng nabangga ko lang siya nakita eh. Masama ito kailangan ko lang sigurong gumala minsan sa loob ng campus ano? Sa library lang naman kasi ako nagagawi. O di kaya'y dito sa kakahuyan.

Pinanood ko nalang muna ang mga players ng football mula sa di kalayuan. Malapit lang kasi dito ang field. Para sakin, iilan lang yung pumasa sa standards ko. Minsan sa isang araw wala akong matipuhan. Eto ang maganda sa wattpad eh. Binibigyan ka ng magandang ehem* taste. Iginala ko ang paningin ko at sinusulit ang ang sandaling isaulo ang bawat detalye ng paaralang ito. Paaralang lilisanin din namin dahil alam niyo na. Hanggang fourth year lang. so kailangang mag transfer na kami pagka graduate namin sa ibang school. Hayst. Siguradong mami miss ko itong school ko. Lalo na ang library kung saan ako palaging tumatambay. Mabilis lang ang pnahon kaya naman ngayong may oras pa ako, eto tinitignan ko na ang bawat sulok ng paaralan namin.

Marami ring ala alang nabuo ano. Inilipat ko ang paningin ko sa mga kaibigan ko at pinagmasdan ang mga ngiti sa mga labi ng bawat isa sa kanila. Sana lang hindi iyan mabubura. Bakit ba ang weid ko ngayon. Para naman akong aalis. Tsk.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon