Chapter 5

12 3 0
                                    

                              Celestine's POV

Nandito na kami ngayon sa harapan ng gate ng bahay namin.Ako kasi ang may pinakamalapit na bahay sa school kumpara sa mga kaibigan ko. Ilang kanto pa ang dadaanan kung sa kanila eh.  "Oh paano ba yan. Bawas na tayo ng isa." "Eh ano namang bago dun ha Gwy?"
"Wala naman nasabi ko lang. alianna"
"Oh.okay na. Alis na. Shoo" pagtataboy ko sa kanila."grabe ka celes, kahit meryenda lang naman. Wala? Hindi mo na ba kami mahal?"kunwari'y naiiyak na pahayag ni Alianna.

Tsk. Ano na namang nasinghot neto? Baygon o rugby? Nagulat nalang ako ng bumukas ang gate ng bahay namin. "Oh Celes, andiyan kana pala. Bakit di mo muna ayain ang mga kaibigan mo sa loob. Ikaw talagang bata ka.oo.bakit nakatayo ka lang diyan sa labas? Mga iha pasok muna kayo." Dire diretsong pagsasalita ni manang.Nakita ko naman ang ngiting tagumpay ng mga bruhilda kong mga kaibigan. Mygosh! Mauubusan na naman ba ako ng paborito kong pagkain? Although marami namang stocks.

Kaya lang pag sila na,wahhh cookies ko huhu.bago pa ako makapag react nag unahan na silang pumasok sa bahay. I mean sa mansion. As if naman ginusto ko ang maging mayaman. Kung alam ko lang. ngayon alam niyo na siguro kung bakit nasa public ako no? Dahil mas gusto kong makisalamuha sa mga ordinaryong tao. At mas gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ginagawa ng mga mayayaman.

Nong nalaman ng mga kaibigan ko ang plano kong pag transfer, sumama narin sila. buti nalang mabait sina tita at pinayagan silang mag aral sa public school eh. So anyway nandito kami ngayon sa sala at nanood ng movie. IPinagluto sila ni mommy ng cookies. Ano pa ba. Sabi ko naman kasi sa kanyang huwag kumuha ng dagdag sa may garapon ko sa ref pero kumuha parin.

Wala na. Inubos na nila.ang sarap ng kain nila habang nanood pa ng peppa pig. Anong kabaliwan na naman ba kasi at naisipang yan ang naisipan nilang panoorin. Dapat nga daw dora eh. Kay lang walang ganong dala si Annika.seryoso? Saang grade naba sila nabibilang? Ano nalang kung gawin kong kapatid nila si Amie sa ginagawa kong story? For sure maloloka kayo.

"Wocha" panggagaya nila sa sinabi ni peppang dapat naman ay "wottah/water". Puno ba naman ng pagkain sa bibig eh. "Mga iha, gusto niyo pa ba? Masarap ba luto ko?" Napatingin naman silang lahat kay mommy na papalapit sa gawi namin habang may dalang karagdagang cookies. Natigilan nalang kami ng may biglang umubo."Cough* wocha! Cough*" si Alianna na nauubo, nakahawak sa lalamunan at nakaturo pa sa pitchel na may laman na tubig.

"Oh Ali! Anong nangyayari? Okay ka lang ba? Abutan niyo siya ng tubig!" Si mommy yan habang hinahagod pa ang likod ni Alianna.Agad naman naming inabutan ng tubig si Ali. Ang loka namula na buong mukha nakuha pang gayahin accent ni peppa palpak naman. Tsk. mabuti nalang di ako nahahawa sa kabaliwan ng mga ulaga. "Thank you." Sabi niya ng matapos siyang abutan ng tubig. Ayan! Buraot kase. "Okay kana ba iha?" Nag aalalang tanong ni mommy nong medyo mahinahon na siya.

"Okay na po ako tita." "Oh siya, maiwan ko na muna kayo at may aasikasuhin pa ako sa office. Ikaw na bahala rito nak ha?"
"Opo mommy" sabi ko nalang at hinintay nalang namin siyang makalabas.
"Bruhilda ka, ang takaw mo kase eh."
"Hoy Sydney! Ikaw nga mataba ha! Pinakealaman ba kita!?"taas kilay na pagsagot ni Alianna. "Atleast may jowa" namilog lahat ng bibig namin at lumaki ang mga mata namin. Nadulas siya!

Natutop niya ang bibig at agad uminom ng tubig na halata mong tense.tulala parin kami habang pinagmamasdan siya.ng makabawi na kami mula sa pagka bigla, tinanong na namin siya. "Sino ang malas na lalaking yan ha Sydney?" Pagtataray ni Ivory
"Mayroon na palang nagkamali sa'yo"pagsegundo naman ni Annika.
"Sino nga ba yang lalaking yan ng mapagsabihan" saad naman ni Alianna.
"Oo nga" pag sang ayon ko sa tanong ni Alianna. Si luna? Ayun tahimik lang at naghihintay ng sagot.

"Si jhon." Maikling sagot ni Sydney na may halong nginig na boses. Muli kaming napatakip ng kamay sa bibig namin. What!?
"Eh Sydney naman. Alam mo naman siguro kung anong klaseng tao siya diba?
"Alam ko naman iyon Luna, kaya lang nangangarap rin naman kasi akong makapagpabago ng isang playboy." Yes nabasa niyo iyan ng tama.playboy si Jhon at miyembro pa ng Varsity.

Kaya ganon nalang ang gulat naming lahat. Gwapo si Jhon at talaga namang napaka impossibleng mapansin niya si Sydney. Although di naman siya pangit. Yung mga tipo kase niyang si Jhon ay sexy at maganda. Jhon Remington? Tsk. Ewan ko lang. basta pag nalaman kong niloko niya ang tropa ko, lagot siya sakin. "Look. Sydney, hindi naman sa ayaw naming mag boyfriend ka. Pero you don't have to hide na in a relationship ka samin. You know, magkakaibigan tayo. Kahit pa sabihin mong  bilang palang ang taon ng pagkakaibigan natin"

"I'm so sorry guys. Natakot lang naman akong sabihin sa inyo eh." Naluluhang sagot ni Syd.
"Kailan pa?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang titig pa sa mga mata niya.
May tumulo ng luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinahid.
"Last month"
"Ano?!" Sabay sabay naming nasabi dahil sa muli na namang pagkagulat. Matagal narin pala. Ganong katagal? Okay. Siguro iniisip niyong OA ako ah. Pero guys, eto lang may pinakamatagal na lihim sa barkadang ito. Dahil nangako kami sa isat-isa na walang maglilihim. Pero look what she did.

"Ganyang katagal?!" Napasuklay nalang si Ivory sa kanyang buhok dahil sa pagka frustrate. Napa yuko nalang si Syd dahil sa mga naging reaction namin. Pinapakalma nalang siya ni Luna. Si Luna, siya ang walang kinakampihan samin. Pinakamabait at pinakamatahimik. "Sorry. Guys sana mapatawad niyo ako. I didn't mean to hide any secrets. Pero nahihirapan kasi ako eh." Tuluyan ng di napigilan ni Syd ang pag iyak. Inalo lang siya ni luna.

Bumuntong hininga nalang ako at tinanguan ang mga kaibigan ko bilang senyales na okay lang. "fine" saad ni Annika at Alianna sunod naman kami nina gwy at Ivory. Yinakap naman namin siya at sinabing okay na ang lahat.
"Basta huwag ka ng mag lilihim sa susunod."wika ko. Tumango lang siya bilang sagot. Hayst. Okay na ang lahat. Salamat naman at okay na. Ganito kami eh. Walang tumatagal na away.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon