Celestine's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Tulala lang ako at nakatitig sa may kisame ng may biglang mag vibrate sa pwet ko. Nadaganan ko pala yung phone ko. Tinignan ko ang tumatawag. Sinagot ko naman ito ng walang pag aalinlangan. Tumikhim muna ako para hindi mahalata ang lungkot sa boses ko. Si Chase ang caller. "I'm sorry, I didn't mea-." Pinutol ko agad ang sasabihin niya. "Nope. It's okay. Naiintindihan ko naman na busy ka masiyado na hindi mo pa ako madaanan sa parking lot." Hindi naman dapat iyon ang sasabihin ko eh. Tila may sariling utak ang bibig ko at kusa iyong lumabas mula sa mga ito. "Do we have a problem baby?" agad naman akong napailing na para bang nakikita niya ako ngayon. Bumangon ako at lumabas patungong veranda ng kwarto ko.
"None. Ayos lang talaga ako Chase. Masiyado lang talaga akong maraming iniisip." Sabi ko at naramdamang may tumulo mula sa mga mata ko. Napasinghot naman ako dahil ngayon pakiramdam ko ay sobrang hina ko. "Baby, tell me the truth, are we cool?" Nag aalalang tanong niya. How can he act like he really care?
"Wala talaga Chase, okay lang ako. Huwag kang mag alala" sabi ko sabay pinipilit na pigilan ang mga hikbing gustong kumawala mula sa bibig ko. 'Akala ko nung una, magiging masaya ako parati pag kasama siya. Hindi ko naman akalaing ganto pala kalala ang sakit na dulot ng tadhana' pinahid ko ang basa kong pisngi at huminga ng malalim. "Okay baby, Take a rest. I love you, I'll never get tired of loving you endlessly." Napangiti ako ng mapait. 'Para ba talaga sa akin iyan Chase? Sugar coated words. Yeah right.' "Yeah. Thank you." Sabi ko at pinatay na ang tawag. "Baby" bulong ko sa huling kataga.
Dumampi ang malamig na hangin sa balat ko. Hinayaan kong matuyo ang luha sa pisngi ko gamit ang hangin na tila ba dumaramay sa pagdadalamhati ko. Tumingala ako sa kalangitan at parang batid na nito ang bigat na dinadala ko. Walang bituin. Makulim lim. Ganito na lang ba palagi? Sasaya pero mas grabe yung lungkot? Pinatahan ko na ang sarili ko at muling inalala ang mga panahong hanggang tingin palang ako sa kanya. Pero okay lang masaktan, kung siya rin naman ang dahilan. Ginusto ko eh, bat di ko nalang panindigan. Nag dial ako sa cellphone ko at tinawagan si Syd. "Hello? Kailangan mo at napatawag ka?" Mukhang kakagising niya lang dahil sa boses. "Syd. Paano kapag nakita mo yung jowa mo na May kasamang babae sa isang lugar?" Tanong ko sa kanya at mababakas mo talaga ang lungkot sa boses ko.
"Teka? Si Chase ba yung tinutukoy mo? Anong nangyari sa inyo?" Nag aalalang saad nito. "Wala. Okay lang kami." Pagsisinungaling ko.
Narinig ko naman ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. "Kung ako, iisipin ko na may babae siya. Kase naman eh. Selosa ako. Kaya malamang magiging sarado yung isip ko sa mga maaaring dahilan kung bakit sila magkasama. Kaya saludo ako sa mga taong nag iisip muna bago manghusga ng kapwa." Sabi niya. "Uhm. Sige salamat Syd. May ginagawa lang talaga akong survey. Ibababa kona. Bye muwaps" sabi ko na pinipilit kong pasayahin ang tono ng boses ko. "Oh sige ghorl. Bye na! Istorbo ka pa naman" pagbibiro niya. Tuluyan ko ng binaba ang tawag. 'Sana tama ang naging
Asal ko kanina'.
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...
