Celestine's POV
"Hello Amber. Sigurado ka bang sasama ka? Okay. See you." Binaba ko na ang tawag at minessage ko na isa isa ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman sila matitiis eh. Sumakay na ako sa kotse para maihatid na kami ni manong papuntang Airport. Dun nalang daw kami magkikita kita nina Amber. Okay na kami, pinatawad ko na siya at ganon rin naman siya sa akin. Habang umaandar ang kotse hindi ko mapigilang hindi balikan yung mga huling beses na nakita at nakausap ko si chase. Naiiyak na naman ako sa totoo lang. pero pinipigilan ko. Nauna na sina mommy sa U.S kami nalang ni Amber ang nahuli. Napatingin ako sa screen ng phone ko ng bigla itong umilaw dahil may nag text. Sa kahuli huliang pagkakataon, umasa ako na sana siya ang taong laman ng inbox ko. But I was wrong. Mga kaibigan ko pala. Wala na ba talaga? Should I stay in U.S now for good? Kase mabibisita naman ako nina Syd eh. Ayoko ko lang mabalikan yung mga ala alang paaasahin lang ako. Naputol ang pag iisip ko ng magsalita si manong.
"Ma'am nandito na po tayo" magalang niyang saad. "Salamat po" sabi ko at tinulungan na niya akong ibaba ang mga gamit ko. Nakita ko naman si Amber na kumakaway sa akin. Naglakad naman ako papunta sa kanya. Nagngitian kami tsaka siya yumakap sa akin. "I'm so excited! Bonding naman tayo dun oh!" Hyper niyang saad. "Ofcourse! Para naman hindi lang ako puro library at libro no" pinilit kong tumawa para hindi niya mahalatang malungkot ako dahil sa isang tao. In announce na ang flight namin kaya nagtungo na kami sa sakayan. Lumingon muna ako sa paligid ko baka humabol pa. Pero ni anino wala. Tuluyan na kaming nakapasok at hinanap na ang upuan namin. Luckily, ako sa may tabi ng bintana at sa tabi ko naman si Amber. Pinikit ko na ang mga mata ko kasabay ng pag inda sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko.
Nagising ako ng may yumugyog sa balikat ko.
"Uy Celes! Nandito na tayo! My gosh I'm so Excited!!" Patiling niyang saad. Napatampal nalang ako sa noo ko. "Tara na." Aya ko sa kanya para takasan ang mga matang nakatingin sa amin. Nakakahiyaa siya.
"Uy bakit mo ako hinila?" Nakangusong saad niya. "Wala gutom na ako." Palusot ko nalang. "I know a place!" Suhestiyon niya . Um oo nalang ako. "Eto na yun?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa parang elf house design na restaurant. "Uh huh! And dont judge it just by looking outside. Let's take a look in the inside" kindat pa niya. "Okay." Sabi ko nalang sa kanya at nagpatianod nalang. "Table for two ma'am?" Tanong ng americanang waitress. "Yes please" sagot ni Amber. "This way ma'am. Saad ng waitress at sinundan nalang siya. Napanganga naman ako ng makita ang design ng restaurant. Agad namang napangiti si Amber. "Told you" sabi niya pa at umupo na kami at umorder na si Amber. Tumingin tingin lang ako sa paligid ng parang may mga pamilyar na boses akong narinig. Hinde, hindi. Wala sila. Nag hahalucinate ka lang. sabi ko sa sarili ko. Tumigil rin naman agad. "Tahimik kase kayo! Parang nakakahalata na yung tao eh!" Bulong ng babae ang aking narinig. Pamilyar talaga eh! Hindi ako maaaring magkamali. Pero imposible namang sinundan ako dito ng mga ulaga. Umiling iling nalang ako. Hayaan na nga. Kumain nalang kami at nangako pa si Amber na ito tour daw ako.

BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...