Ceslestine's POV
Nakalabas na ako ng hospital. At ilang linggo narin ang nakakalipas. Balik na sa normal ang lahat. Balik sa paggawa ng assignment, balik sa pag wawattpad at balik sa guidance. Joke lang.
nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa damuhan at naglalaro ng killer killer ba yon? Ah basta yung kindat kindat. Di ko alam tawag dun eh. Wala kasi kaming klase ngayon, hinihintay ko si Chase dahil sabi niya may pupuntahan daw kami. Sinabi ko naman sa kanya kung saan ko siya hihintayin eh. Kaya no worries. Nang matapos na kami sa paglalaro, naghiwa hiwalay na kami dahil si Syd, may lakad sila ng bf niya. Si Alianna, i chachat daw niya yung crush niya. Abah! Paano na yung lima, diba? Ayun po nahuhuli na.
Nakatayo ako ngayon sa may parking lot habang hinhintay si Chase. Ang tagal naman niya. Umupo muna ako sa may gutter at pinagmasdan ang mga sasakyang paalis. Ang tagal niya talaga. Hindi ko naman alam ang sasakyan niya. Kaya di ko alam kung umalis na ba. " Maam, ano pa pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Manong guard. " ah. May hinihintay lang po." Sabi ko sabay ngiti. "Sigurado po kayo? Eh naglibot na po ako sa lahat ng classroms eh. Pero wala ng tao." Paliwanag ni manong guard. nilihis ko ang tingin sa kanya at itinuon sa kabuoan ng parking lot. To my dismay, wala ng sasakyang natira. Inisip ko na lahat ng rason kung bakit wala siya ngayon dito para hindi ko ulit saktan ang sarili ko. Sabi niya mahal niya ako diba? Kaya bakit ko siya pagdududahan. Bumuntong hininga ako at ngumiti nalang kay manong guard. "Ah. Sige po manong. Salamat, mauna na po ako." Paalam ko kay manong. Magdidilim narin kasi at kailangan ko ng maglakad. Paniguradong nag aalala na sila sa akin.
Naglalakad ako pauwi at naisipan kong dumaan muna sa isang cofee shop malapit sa amin. Na miss ko na rin kaseng mag kape. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng makita ko doon si Chase at isang babaeng may blonde na buhok. Maganda rin ito at halata mong may pinag aralan. Hindi na ako tumuloy at hindi narin ako nakipag away. Ito ba yung dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot? Nope. Must be an important matter. Natauhan ako mula sa pagninilay nilay ng may nag text sa phone ko. Si Chase. "Baby, sorry kung hindi kita nasipot. May inaasikaso lang ako sa kumpanya." Nakalagay doon. 'Bakit kailangan niya pang magsinungaling sa akin? Eh maiintindihan ko naman siya. Pinahid ko ang mga traydor kong luha. Mas lamang ba ang lungkot kapag nagmamahal ka?' Yan ang kaisipang sumagi sa isip ko. Hindi. Hindi niya ako magagawang lokohin. Pilit ko itong pinagsiksikan sa utak ko.
Sabi nga sa cupid at psyche, hindi mabubuhay ang pag ibig kung walang tiwala. Kaya sige. Pipilitin kong intindihin siya. Siguro nga yun yung business partner nila sa kumpany nila.
Tama. Yun yon. Naglakad lang ako diretso sa kwarto ko. Kumuha na ako ng damit ko at naligo na. Bakit ang hirap iwaglit yung bigat sa dibdib ko? Ayokong maging selosa. Pero ayoko ring maging tanga. Hinayaan ko nalang dumaloy ang tubig na nagmumula sa shower sa mukha ko. Hinihiling na sana maitago nito ang luhang ngayon ay di na mapigilan pa sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
De TodoWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...
