Celestine's POV
Nandito na kami ngayon sa harapan ng gate ng campus at hinihintay nalang ang magaling kong kaibigan, ang pa importanteng tao sa mundo— si Aliana. Alam niyo ba, nong nag sleep over ako sa kanila, para sana sabay sabay na kaming pumasok ng maaga. Pero wengya! Nakatulog na pala sa bathtub! Ibang klase. Napailing nalang ako sa ala alang pumasok sa isip ko."Oh. Andiyan na pala si Lianna eh" pagtawag ng pansin sa amin ni jake, ang Vice President namin.nagsitinginan naman ang lahat sa Aliannang may basa at magulong buhok at may nakasabit pang suklay rito.
Tumatakbo siya palapit sa kinaroroonan namin ng humihingal.
"Sorry guys. I'm late." Hinihingal na paghingi ng tawad ni Ali sa amin. "Okay lang lianna." Tila may kumutikutitap pa sa mga mata ng Vice President naming si Jake. "Tama na iyan. Guys pasok na tayo sa loob ng bus." Pagsabat naman ng President naming si Selena. Hmm parang gusto kong kumain ng JELLY ace ah.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bus at agad naman akong umupo sa may bandang bintana at tumabi naman sa'kin si Gwyneth.Inilabas ko na ang earphones ko at isinalpak sa magkabilang tainga ko. Tumingin rin ako sa labas at kunwari'y nag eemote ng biglang prumeno. Badtrip! Nasubsob tuloy yung nguso ko sa bintana. Nagpatuloy na sa pag-usad ang sinasakyan naming bus. At di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may maamoy na mabangong pabango. Amoy panlalaki.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko kung nasa bus pa ba ako, nakita ko naman ang upuan ng bus sa harap ko kaya malamang nandito pa nga ako. Unti unti akong tumingin sa tabi ko ng hindi na pala si Gwy ang taong sinasandalan ko. Napatanggal rin ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Dahil sa gulat.
"kuyang alagad ni cc!?"gulat na reaksiyon ang sumilay sa aking mukha. Napangiti naman siya at lalo pang sumingkit ang mga mata niya at nagpakita pa ang dalawang dimples sa pisngi niya."gising ka na pala."di ko muna siya pinansin at pinagmasdan ang loob ng bus. At putik na malagkit! Kami nalang pala dito! Bakit di ko nakitang pumasok si kuyang alagad ni cc dito?
"Sorry. Tsaka bakit ba ikaw ang katabi ko? Asan si Gwy?"nagtatakang tanong ko habang nag uunat pa at nag aayos ng sarili. Isinukbit na ni Asher ang kanyang bag sa magkabilang balikat at inilahad ang kanang kamay niya sakin. "Chase Asher Hudson" nice to meet you miss?" Agad ko namang inabot ang kamay niya at nakipagkamay. "Celestine Amora Peyton" nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya no'ng sabihin ko ang buo kong pangalan. Agad naman siyang nakabawi mula sa pagkagulat at hinila na ako para tumayo."Nice name. Bagay sa'yo" pagpuri niya sa pangalan ko. "Salamat" sabi ko nalang at tahimik nalang kaming naglakad patungong camp since may mapa namang binigay sa'min.
10 minutes walk lang naman mula sa labas ng gubat kung saan magaganap ang camping.
Marami kaming napag kwentuhan habang naglalakad. At nalaman kong mahilig pala talaga siya sa wattpad bagay na hilig ko rin naman. Kaming mga wattpader, big deal na sa amin kung makakilala kami sa personal ng isang boy wattpader. Kaya naman natutuwa akong makilala tong si Asher. Madaldal rin naman at palatawa.Napansin ko ring medyo kulay gray ang singit niyang mga mata. Kaya naman hindi na namin namalayang nakarating na pala kami sa camp.
"Dito nalang ako. Salamat sa paghatid." Kamot batok na pasalamat ko sa kaniya. "You're welcome. See you around" pagpapaalam niya. Pigil ang ngiti ko siyang pinagmasdan paalis ng bigla akong makatanggap ng batok sa kung sino. "Aray ko naman!" Sabay tingin ko ng masama kay Gwyneth. "Ikaw fourth year palang tayo, kumekerengkeng kana ha! Naku kung hindi lang talaga kita kaibigan eh" panenermon sa kin ni Gwyneth habang naglalakad na siya papasok sa tent. Lakas talaga ng bunganga. Tsk. Kahit kailan.Sumunod narin ako sa kaniya habang nag ipit pa ng hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Kerengkeng dew. Alam ko na iyan" pabebeng bulong ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa tent at hinayaan ko nalang na tingnan ako ng mga chosera kong mga kaibigan. Hinayaan ko lang sila at nag ayos na ako ng gamit. "Dumating narin ang magaling nating kaibigan." Pagpaparinig ni Ivory. "At may kasama pang papabels." Gatong pa ni Sydney. Mga baliw talaga. May pa arte arte pa eh. Kala mo naman ikinaganda nila. Peace tayo jan mga sis. "Tigilan niyo ako sa mga ganiyan niyo. Bakit ba nahiya pa kase kayo nahiya eh wala naman kayong hiya? Nahiya pa kayo na itanong sakin kung anong nangyari? Kung bakit ako nahuli?" Napa hawak naman si Annika sa may bandang dibdib niya na akala mo nama'y nasaktan dahil sa sinabi ko. Napa iling nalang ako at tuluyan silang hinarap"Hoy Gwyneth, bakit si kuyang alagad ni inang ang katabi ko kanina imbes na ikaw? Paano siya nakapasok sa bus na hindi ko manlang nalalaman?" Tumingin naman ako sa iba at nahuli ko ang iba na nag iwas ng tingin at napa lunok. Tss kala naman nila ang laki ng kasalanan eh. Parang lilitisin lang. "at kayo. Bakit niyo ako iniwan kasama ang lalaking iyon?" Baling ko sa iba. May narinig naman akong bumulong ng "sus gusto mo rin naman" at dahil nga tahimik sa camp at tanging kami lang yung maingay, plus medyo malayo pa ang pagitan namin mula sa iba, malinaw kong narinig iyon at agad kong nabatukan si Alianna.
Napa 'awww" at Napahimas nalang siya sa batok niyang ngayon ay namumula na. Nagpigil naman ng tawa ang mga ulaga. Akala niyo din ba madaling umarteng nagtatampo at galit ha? Pinigil ko lang ang tawa ko no'ng hinawakan nila isa-isa ang braso ko at bahagya pag hinila hila habang humihingi ng sorry. Tumingala lang ako para umiwas sa mga nakakatawang hitsura nila.
"Sorry na kase. Akala namin magkakaroon ka na ng lovelife eh." "At tingin niyo anong nangyari ha? Nagka ilangan lang kami. Kunwari'y pagtataray ko."Ihh sorry na." Nagawi naman ang tingin ko sa mukha ni Alianna na may pilit na pinagmumukhang kaawa awa ang mukha. At dahil don, di kona napigilan ang sarili ko at bumulalas na ako ng tawa. Agad naman akong binatukan ng mga ulaga. "Aray ko! Ano? Kahihingi niyo lang ng tawad eh." Pagmamaktol ko. "Pinagtatawanan mo ba kami?" Sabay sabay na tanong nila sakin. "Hindi ah. May naalala lang akong kalokohan." Palusot ko nalang para manahimik na sila.

BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...