Annika Glielle Lopez's POV
"Hoy Alianna, Bakit ba ayaw mong sabihin sa amin yung kasunod?" Pangungulit namin sa kanya. Chinat niya kase yung nakilala niyang lalaki sa U.S. sabi ni Ali, siya yung unang nangchat sa lalaki. Ganto yung convo nila.
Convo:
Ali: hi. Sorry napindot.
Diba dapat nakahiwalay yung hi sa sorry napindot? Shunga lang siya diba? Hahah
Kuyang frontrow este Travis: (missed call)
Hindi na nasagot ni Ali dahil wala naman daw siyang load. Messenger kase gamit eh. Haha
Kuyang Travis again: ay sorry napindot.
Oh diba talandi. Hahaha ngiting ngiti pa yung isa diyan eh. Na seen zone naman. Yan nakukuha ng nag fi first move eh. Buti nalang ako, hindi showy. 'Hay' pinatong ko ang siko ko sa legs ko at ginamit ko ang kamay ko bilang suporta sa mukha ko habang tinitignan si Colton mula sa malayo. Naglalaro sila ng golf.
Literal na nayanig ang sistema ko ng tamaan ako ng ligaw na bola. Oo! Ligaw na bola! Sakto pa sa ulo ko eh. Pasimple akong tumingin sa kinaroroonan ni Cee en at nakatingin lahat ng ka team niya pati siya sa direksiyon ko. Nagtakip nalang ako ng bag sa mukha at tinignan ng masama ang kung sinong nagmamay ari ng bolang iyon. 'Jake Sawyer, ang Vice President namin sa room. Kailangan kong mag bait baitan.' "Ah jake! Ikaw pala." Plastik kong saad. "Ah ako nga, ayos ka lang ba?" Kamot batok pa siya habang namumula ang tenga. 'Sinong magiging okay kung natamaan ng bola ng basketball ha?! Ang tigas kaya' "ah oo. Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin at maglaro nalang kayo diyan vice." Pagtaboy ko sa kanya. Pinagtawanan lang ako ng mga kabarkada ko. Wala si Celes. Ewan ko kung nasaan ang babaitang iyon.Nabaling ulit yung tingin ko sa kanila na tumatawa parin at nakahiga na sa damuhan.
"Hindi kayo titigil?" Sarkastikong sabi ko.
"Hindi. Priceless mukha mo eh. Sayang di ko napicturan." Naluluha na sa sabi ni Sydney.
Napairap nalang ako sa kawalan at saktong napadako ang tingin ko kay miss Layla na nakapamaywang sa harap namin. Hindi parin siya napapansin ng iba dahil di parin sila tumitigil sa pagtawa. Siniko ko si Alianna na katabi ko. " ehem." Pagtikhim ni ms. Napalingon naman sa kanya yung iba at umayos sa pagkakaupo. "Hindi niyo ba narinig yung bell?" Galit na tanong samin ni Ms. Layla.
"A-ah miss kas-." Palusot pa sana ni Luna pero
"Walang pero pero! Go to your classes now!" Utos nito sa amin at agad naman kaming tumalima. Nag ayos na kami ng gamit at tumatakbo papuntang room. "Buset talaga yung teacher na yon!" Hinihingal na reklamo ni Ivory. " oo nga, si Sir Austin kase eh. Tayo tuloy napagbubuntungan" sabi ni Alianna na nagpupunas ng pawis sa noo. "Tama na yang daldal. Pasok na tayo" suway ko sa reklamo nila at tuluyan na nga akong pumasok ng room.Dumiretso na ako sa upuan ko at nagulat naman ako sa nadatnan kong hitsura ni Celes. Umupo ako at kinalabit siya. Tulala kasi eh. Ang lalim pa ng eyebags. Tumingin naman siya sakin. " anong namgyari sayo? Kelan ka pa bumanat ng drugs?" Tanong ko sa kanya just to lighten up the atmosphere. "Wala napuyat lang ako kababasa ng wattpad" sabi niya at ngumiti.
Parang may mali talaga eh. Parang ang lungkot niya. May hindi ba siya sinasabi sa amin?
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...