Chapter 10

8 4 0
                                    

                            Celestine's POV

Weekends ngayon at kasalukuyan  akong nakatambay sa loob ng kwarto ko. Nakatitig ako sa kisame at nag iisip kung anong pwedeng gawin ng biglang may mag doorbell. Bumababa na ako para pagbuksan ang kung sino man sa baba dahil day off ngayon nila manang. Nag ayos muna ako ng sarili at bumaba na. Sino naman kaya ang mga bisita ngayon? Wala akong inaasahan. Nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong ko ng tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Tumambad sakin ang mga nakangiting mukha ng mga kaibigan ko.

"Oh? Bakit kayo napadpad sa lungga ko?" Pagtataray ko sa kanila. "Kung papasukin mo muna kami no? Ang inet eh." Sarkastikong saad ni Gwyneth. Linuwagan ko naman ang pagbukas sa pintuan at pinatuloy na sila sa loob. Dumiretso yung iba sa sala at yung iba naman sa kusina. "Celes! Asan na yung cookies dito?" Pag tatanong ni Alianna na akala mo nama'y dito na nakatira. "Ubos na" walang gana kong sagot tsaka ako walang ganang umupo sa sofa. "So ano nga?" Naguguluhan kong tanong sa kanila. Natanaw ko naman na papalapit na yung iba dito sa sala at may hawak na cookies sa magkabila nilang kamay. Napa tampal nalang ako sa noo ko. 'Weset. Lakas ng pang amoy ah'  na sambit ko nalang sa isip ko.

"Balak naming pumunta sa mall. Alam mo na pra naman ma relax tayo." Sabay nguya ni Alianna sa cookies na kinakain niya. "Kaya maligo kana at sasama ka." Walang gatol na pag aaya sakin ni Ivory. "Ano pa bang magagawa ko" pagsuko ko at umakyat na sa hagdanan. Dumiretso ako sa walk in ko at pumili na ng isusuot. Isang high waiste na jeans ang napili ko at isang croptop na tinernuhan ko ng white rubber shoes. Inilatag ko muna ito sa ibabaw ng kam ko at dumiretso na ako sa bathroom.

Mabilisan akong naligo dahil alam ko namang mainipin ang mga iyon. Ng matapos akong maligo, nagbihis na ako at bumaba na sa hagdan. "Tara na?" Bungad ko sa kanila. "Yup. Taraa!" Excited na pahayag ni Annika. "Hinaan mo nga yang boses mo, nakakarindi" prangkang pagsita ni Alianna sa kanya. "Gayahin mo rin ako kung gusto mo he!" Sagot naman ni Annika. "No thanks. Ayoko maging baliw." Ganti naman ni Ali. Nag make face lang si Annika.

Agad na kaming pumasok sa loob ng kotse. Si Sydney ang nag drive at si Ivory naman sa passengers seat. Sa likod naman ni sydney si Alianna sa tabi naman niya si Gwyneth at Annika. Sunod naman kami ni Luna. Habang umaandar ang sasakyan, kumakanta pa sila ng halos mabitak na ang salamin at eardrums ko.
"Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihilingg!" Pangunguna ni Annika sa bagong umpisang kantang nanggagaling sa radyo ng sasakyan. At ang dating malumanay na kanta naging parang kanta nalang ng mga tambay sa kanto. " at nung dumating ang aking panalangin ay hindi na itatanggi" feel na feel naman nilang pagkanta. Tahimik lang kami ni luna. At silang lahat ang magkakasundong kumanta. Napairap nalang ako sa kawalan at isinalpak na sa magkabilang tenga ang earphones at inilagay sa full volume ang phone ko. Muli akong tumingin sa kanila at naligaw ang tingin ko kay aliannang feel na feel pa ang pagkanta. Jusmiyo! Baka mabangga kami.

Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa mall. "Kain muna tayo. Nagutom ako sa byahe eh" pamimilit ni Annika. "Pagbigyan niyo na" sabi ko para tumigil na ang bunganga ng ulaga.
"Saan niyo ba gustong kumain?" Tanong naman ni Ivory. "Sa KFC nalang. Tutal yan naman ang pinakamalapit at kaunti lang ang tao." Suhestiyon naman ni Gwyneth. "O sige." Pag sang ayon naman ni Sydney. Naglakad na kami papuntang KFC at agad binuksan ang pinto. "Kami nalang mag oorder." Suhestiyon ni Sydney at Ivory. "Salamat. Pagod kami eh." Saad ni Alianna. Umalis na sila matapos kunin ang order namin. Iyan ang gusto ko sa dalawa eh. Haha. Napa linga ako sa paligid ng makita si Colton. Yung crush ni Annika. Kinalabit ko naman agad si Annika. "Ano? Nagbabasa ako. Ang ganda na ng part ko eh. Mag kikiss na sila. Mamaya muna iyan pwede?" Nagmamakaawang angal ni Annika. "Sige bahala ka, mawawala na si Nathan" pananakot ko sa kanya. Agad naman siyang nagpalinga linga sa paligid. "Asan?" Nagpapanik niyang tanong. "Ayun oh!" Turo ko pa kay colton. Abat ang bruha namula pa ang pisnge habang tumititig kay colton nathan niya na kasama ulit ang barkada niya. Dumating naman agad sina Ivory at Sydney ng mapansin si Annika na nakatitig pa kay colton. "Anong nangyari diyan?" Tanong ni Ivory. Sinundan nilang dalawa ang tinitignan ni Annika at biglang nanlaki ang mata ni Sydney. "Abaa Annika! May gusto ka ba sa kuya ko?" Nanunuri ang matang tanong ni Sydney. Wait. "KUYA MO!?" Sabay sabay naming tanong. At napalingon pa si Annika kay Sydney sa narinig. "Oo. Di niyo alam. CARTER ang apelyido ko at carter rin ang apelyido niya. Di niyo manlang napansin?" Nagtataka niyang tanong. "Hindi." Sabi naman ni Annika. "Girl, ewan ko kung bakla iyang kapatid kong iyan. Wala pang naging siyota eh." Pag ku kwento ni Sydney kay annika habang nakatingin pa sa kuya niyang pumasok sa isang store. "Ganon? Edi okay. Baka naman kase ako yung para sa kanya." Sagot naman ni Annika na bahagya pang natawa. Napailing nalang kami at nagsimula ng kumain.

"Hays. Busog na ako" sabay himas pa ni Luna sa tiyan. "Luna ang takaw mo pala" nanlalaki ang matang tanong ni Ali. "Hindi ah. Naparami lang ako ng kain." Palusot naman ni luna.
"Sinungaling ka" pang aasar sa kanya ni Ivory. Nag thumbs up lang si luna. Tsk haha hakdog! Natawa nalang ako sa naging asal ni luna.
Nang okay na kami, naglakad lakad pa kami sa may mall ng may mabangga akong babae.
"Hey! Look what you have done! You ruined my dress" maarteng saad nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nag umpisa na akong magtaray. " kung di ka naman kase tanga, sana ikaw nalang yung umiwas tutal mas marami namang espasiyo sa kabilang daanan kesa dito. At sa pagkakaalam ko, sinadya mong banggain ako." Ganti ko sa una niyang sinabi. "Are you messing up with me?" Galit na tanong niya sakin. Muli ko siyang hinarap. "Nope. Please know the difference of explaining and picking a fight." Pagtatapos ko sa walang kwentang usapan namin ng babae. "Let's go" pag aya ko sa mga kaibigan ko. Huli kong nakita ang galit na expression sa mukha niya. Felt sorry for what happened. Please note the sarcasm.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon