Celestine's POV
"Uy te, huwag kang umiyak. Hindi mo naman sinasadya yun eh." Pagpapakalma sa akin ni Sydney. Sa mga gantong sitwasyon, siya yung pinakamagaling mag comfort. "Iabot niyo nga yung panglimang tissueng binili natin kanina." Utos ni Luna sa dalwang nag wawattpad na naman. Mga walang pake sa paligid eh no. Suminghot ulit ako at suminga. "Tsaka seryoso. Huwag kang umiyak naiiyak rin kami eh." Naluluhang pagpapatahan sa akin ni Gwy. Humahulgol ako dahil sa bigat ng dibdib ko. Parang naaasakal ako. Bakit ganto? Muli akong nagpunas ng luha at napatulala sa kawalan.
Hindi pa kami ang sakit na. Paano kaya pag kami na. "Shhh. Magiging maayos rin ang lahat. Bigyan mo muna ng time si Chase. Panigurado naman kaseng nasaktan yung tao dahil sa simabi mo." Sabi sakin ni Ivory.
"Alam ko naman iyon eh. Ano bang gagawin ko?" Humihikbing pag hingi ko ng advice sa kanila. Nandito sila sa kwarto ko at nakapabilog kami ngayon. "Girl, kung alam mong okay na yung tao, tsaka mo kausapin. Suyuin mo. At alam ko na iyang iisipin mo. Ayaw mong bumaba ang tingin sayo ng tao tama ba?" Tanong sakin ni Sydney. Tumango ako bilang sagot habang inabot ko ang isang tissue at pinamunas. "Set aside mo muna kung anong magiging tingin ng tao sayo. I prioritize mo kung anong magiging resulta ng gagawin mong sakripisyo." Sabi ni Syd habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko na parang sinasabing gawin ko nga ang sinasabi niya. "Sige. Gagawin ko na." Sabi ko at tinignan ang sarili ko sa tapat ng salamin. Namumugto na ang mga mata ko at sobrang pula pa ng ilong ko. Sinabi ko sa sarili ko ma kahit sobrang sakit kahit sobrang hirap para sa akin na lunukin yung pride ko, kakayanin ko maayos lang ang gusot na ito.
"Ops! Huwag muna ngayon. Di pa iyon okay" pagpigil sa akin ni Syd. "Sabi ko nga di pa siya okay." Bagsak balikat kong sabi at sumalampak na sa higaan ko. Muli ko na namang naramdamang nababasa ang pisngi ko. Marahil ay dahil sa luha. Kailan ba ito matatapos? At kailan ko puwedeng simulan. Huminga ako ng malalim para matigil na sa pag agos ang mga taksil kong luha. 'Matatapos rin ito. Pagpapakalma ko sa sarili ko.
*kinabukasan
Walang Chase na sumundo sa akin. Nagtaka nga si mommy eh. Sabi ko busy lang siya kaya hindi na ako nasundo. Chineck ko rin ang laman ng locker ko nagbabakasakaling may makita akong handwritten letter at bulaklak eh. Kaya lang wala eh. Wala. Ano yan? Wala pa ngang kami ganito na kaagad yung problema? Nangilid na naman yung mga luha ko. Kaya bago pa sila tumulo, pinunasan ko na.
"Oh babe! Huwag diyan, nakikiliti ako" malanding saad ng isang tinig. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling. Napatampal naman ang bibig ko sa nakita. "Chase?" Gulat na sabi ko. Nabaling naman ang tingin ko kay Amber na halos mahubaran na. Tumingin lang sa akin saglit si Chase na parang wala lang sa kanya ang ginagawa. Sabihin niyo! Ganon naba kabigat yung nagawa kong kasalanan? Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa pisngi ko. I saw Amber's lips formed an evil smirk. Dahil hindi ko na kinaya ang eksena, tumakbo na ako habang umiiyak. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dulot ng luha. Pumunta ako ng rooftop para pakalmahin ang sarili ko.
Yeah right! Sabi ko non, pabayaan ko nalang kung hindi siya makapag hintay. Pero bakit ganto? Kabaligtaran ang gusto kong gawin? May parte ng sarili ko ang nagsasabing magtiwala parin sa kanya kahit ang sakit sakit na. May part sa akin ang nagsasabing hayaan ko nalang siya. Pero mas lamang parin ang sinasabi ng puso ko. Required bang maging tanga?
Bakit bigla nalang siyang naging ganon? Napasuntok ako sa dibdib ko. Sobrang sakit.
Kung mahal mo nga talaga yung isang tao, hindi mo namamalayang unti unti ka na palang nahuhulog sa kanya. Kase hindi naman ako masasaktan hindi naman ako iiyak kung wala lang siya para sa akin eh. Sa totoo lang sasagutin ko na dapat siya the exact day nanangyari ang away eh. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng rooftop. Umasa ako na susundan niya ko dito pero sa ikalawang pagkakataon, nabigo ako.
"Masaya kana ba? Ha?" Tinignan ko siya ng may nangingilid na luha. I don't care if she will laugh at me seeing me with tears falling, I don't really care if she'll be happy knowing that her enemy is now miserable. "Nope. Kulang pa iyan sa sakit na pinaranas mo sa akin noon. Kulang pa iyan sa sakit na naramdaman ko nong nag hiwalay kami ni Asher." May bahid ng galit at paghihinagpis sa boses niya. Ang dating maarte ngayon ay biglang napalitan ng totoong siya. Miserable rin pa siya parang ako.
"What do you mean noon? Ni hindi nga kita kilala non eh. Ngayon lang tayo nagkakilala! Huwag mo akong sisihin sa naramdaman mong sakit non dahil wala akong alam diyan!" Sigaw ko sa kanya. "Really? Huh! Ako lang naman yung batang itinaboy mo noon dahil sabi mo, hindi mo you don't deserve a dumb bestfriend. Alam mo ba kung gaano kasakit maiwan ng taong minsan nagparamdam sayo na importante ka? Na mahalaga ka sa kanya? Pero isang araw bigla ka nalang sabihan ng ganyang kasakit na salita!?" Pagsasalita niya habang umiiyak. Bigla akong napahawak sa ulo kong biglang kumirot. At habang tumatagal ay pasakit na ng pasakit. Napahawak ako sa ulo ko at bigla nalang akong natumba. "Aartehan mo na naman ba ako?! Tatakas ka na naman sa ganitong pagkakataon?" Hinayaan ko nalang siya at ininda ang sakit ng ulo ko. Nagpakita ang ilang ala alang minsan ay napapnaginipan ko. Hindi ko na kinaya ang sobrang sakit. May naramdaman akong humawak sa balikat ko. "Okay ka lang ba?" Ang dating galit ay may pag aalala na ngayon. Si Amber. "Sorry" huling nasambit ko before I collapsed.
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...
