Celestine's POV
Ilang weeks narin mula ng manligaw si Chase sa'kin. Araw araw niya akong hinahatid sundo at palaging may bulaklak at chocolates at may bonus pang handwritten letter niya. Sabi ni mommy, okay lang daw akong mag boyfriend basta si Chase. Iba na ang charisma niya ah.
Naghahanda na ako para pumasok. Ang dating straight kong buhok ay kinulot ko sa dulo. At ang dating bagpack ay pinalitan ko na ng sling bag. Naglagay din ako ng kaunting lipstick sa labi ko para hindi na magmukhang maputla.Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Perfect" pagpuri ko sa sarili ko. Ng makuntento na ako sa itsura ko, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na ng dining area para mag almusal. Bumeso ako kay mommy at bumati ng 'good morning' naghila na ako ng upuan at nagsimula ng kumain.
"Oh anak nagmamadali ka yata ah?" Tanong ni mommy. "Yes mom. Na late ako ng gising. Susunduin ako ni Chase mom, kaya nagmamadali na ako." Sagot ko sa kanya tsaka minadaling linunok ang kinakain kong hotdog at sandwich at uminom na ng gatas. *
Nakarinig naman kami ng busina sa labas.
"Oh nak, andiyan na si Chase. Ingat ha?" Sabay wave pa ng kamay ni mommy."Opo. Mauna na ako mom." Pagpapaalam ko.
Dumiretso na ako sa kotse at umupo na sa passenger's seat. "Goodmorning" bungad sakin ni Chase. "Goodmorning den" balik kong pagbati sa kanya. Tumingin lang ako sa dinadaanan namin habang nagkuwekwentuhan kami. Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa parking lot ng school. "Stay there." Pagpigil niya sakin ng bubuksan kona sana ang pinto ng sasakyan.
Napangiti naman ako ng palihim dahil sa inasal niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayang bumaba. "Thank you." Sabi ko sa kanya na ikinapula ng tenga niya. Cute niyang kiligin. Thank you palang yon eh."Give me your bag." Pagpresinta niya. "Nope kaya ko naman eh." Pagtanggi ko. "I don't want you to look miserable." Pagpupumilit pa niya habang nakanguso. "Chase, okay lang talaga." Sabi ko na ikinalaglag ng balikat niya. Naglakad kami sa pathway ng may mga nagbubulungan na naman. Mga chosera. Sanay na kami diyan ni chase tutal ilang linggo na silang ganyan. Di maka move on. Hinatid ako ni chase sa classroom ko. "Good luck. Have a nice day mrs. Hudson." Naka ngiti niyang pagpapaalam. Ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko. Hinampas ko siya "baliw" sabi ko nalang at pumasok na ng room.
Dumiretso na ako sa upuan ko ng marinig ko ang bulungan ng mga kaibigan ko. " may transferee daw, narinig ko kase kanina na may kausap si Maam layla sa phone. Magiging classmate daw natin siya." Seryoso, bulong ba iyon? Parang hindi naman. Hinayaan ko lang sila sa chismisan nila. Nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Gwyneth. "Kamusta naman ang feeling ng may personal driver at fiance slash manliligaw aber?" Tanong ni Gwy. "It's fun. Not until someone annoys you" walang gana kong saad. "Ganon? Badmood ka na naman ba?" Tanong ni Gwy. "Nope. Tamad lamg akong magsalita." Sagot ko sa kanya. Naputol ang usapan namin ni Gwyneth ng dumating si Maam Layla kasama ang isang babaeng familiar sakin. Nakatalikod siya kaya di ko makita ang mukha. "Class, we have a transferee. Please be good to her. And miss, introduce yourself in front." Pumunta naman sa harap ang babae at ganon nalang ang gulat ko ng mag angat ito ng mukha. yung babaeng nakabangga ko sa mall! Hindi ako maaring magkamali. Tinignan ko ang reaksiyon ng mga kaibigan ko at kapwa rin sila gulat.
"Hi guys, Amber Henley is the name, 17 years of existence and I transfered here to get what's originally mine." Makahulugang pagpapakilala niya habang nakatingin sa akin. "Okay, miss henley please seat next to ms Valdez." Nanlaki naman ang mata ni Ivory. Magiging magkatabi sila. Hahaha wawa naman siya. Naglakad na papuntang vacant chair si Amber at maarteng umupo rito. Naglabas pa siya ng sanitizer at nag apply sa kamay niya. Pansin ko naman ang pagpigil ng galit ni Ivory dahil marahil ay nainsulto siya sa inasta ng katabi.
Nag discuss lang ng nag discuss si Ms layla hanggang sa nag bell na. "Okay class you may go now." As usual nag unahan na naman sa pag labas ang mga kaklase ko. Nagpaiwan muna ako dahil ayaw kong makipagsiksikan at makipag tulakan. Pansin ko ring nagpaiwan si pugita at naglakad palapit sa akin. "Oh hi! What a small world. Nagkita na naman tayo" sarkastikong sabi niya sakin. "Yup. And I dont want your presence. It makes me wanna vomit" poker face kong sagot. "How rude of you to treat a transfer student like that." Kunwari'y nasasaktan niyang sabi. "Don't try to disguise yourself as an Angel. It doesn't look good on you." Pambabara ko pa sa kanya at tuluyan na siyang tinalikuran. Wala akong panahong patulan pa ang pagka ewan ng babaeng iyon. Nagmumukha lang siyang tanga.
Inaya ko na ang mga kaibigan kong maghanap ng upuan. And luckily may bakante pa naman.
Sa di kalayuan, nakita ko si chase na kasama ang mga kaibigan niya. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako then he mouthed 'I love you' napailing nalang ako dahil sa inasta niya kasabay non ang paglitaw ng ngiti sa mga labi ko. Baliw talaga. Nagsimula na kaming kumain ng bigla akong sikuhin ni Alianna at napansin kong nakatingin ang mga kaibigan ko sakin. Tinignan ko si Alianna at itinuro niya ang kinaroroonan ni Chase gamit ang nguso niya. Nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Chase, biglang nagbago ang timpla ko. Umakyat lahat ng dugo ko dahil si impakta, nakakapit pa sa braso ni Chase at si Chase naman todo tanggal sa kamay ng lintang nakapulupot sa braso niya. Agad naman akong pinigilan nina Ivory at sydney dahil muntikan na akong napasugod sa kinaroroonan nila Chase. "Magtiwala ka kay chase, Celes." Pagpapakalma sakin ni Luna. "May tiwala ako sa kanya luna. Pero sa lingtang nakakapit, wala!" Pag aalburoto ko. "Shhh. Kalma lang sis. Graduating na tayo oh. Baka hindi ka maka graduate niyan. Sige ka" pananakot sakin ni Annika. Sinamaan ko nalang ng tingin ang puritang tinubuan ng malanding pangangatawan na nakatingin sa akin ng mapang asar. Grrrrr! I hate her!
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
De TodoWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...