Chapter 7

10 3 0
                                    


Nandito kami ngayon sa dining hall at unti unti naring dumidilim  sa labas at kasalukuyan kaming kumakain ng dinner. Kung anong nangyari kanina? Wala naman masiyado. Pinagpahinga nalang muna nila kami dahil medyo malayo naman itong location ng gubat.
"Ang sharap naman neto!" Biglang pagsasalita ni Annika sabay lunok nung kinakain niyang pakdet ata o paklet? "Anong tawag dito sa halo halong gulay na may bagoong? Ang pangit tignan. Pero masarap pala" pagpapatuloy pa niya. "Ano kaba! Ang shunga mo talaga pagdating sa pagkain pero matakaw ka naman." Pangungutya ni Alianna. "Ang tawag diyan, inalatang gulay" pagtatama ni Alianna at tumingala pa sabay kumpas ng kamay sa ere. May pagtatama pang nalalaman eh mali naman. Paklit kaya yun. 

Porket maalat inalatang gulay na agad? Tsk. "Mali ka" pagpuna naman ni luna. Napa sang ayon naman ako at napatango dahil sa sinabi ni Luna. "Magtatama na nga lang kasi mali pa" pang aasar ni Luna. Ayan na nga po at lumabas na naman pagka abnormal niya. Mabait kaya si Luna pero kapag sinumpong, aba malala.
"Ang tawag diyan, pakbet. At hindi inalatang gulay." Bigla naman akong napaisip, na yun din naman yun. Pareho paring maalat. Okay na rin yung sinabi ko no! Pareho namang may 'et' sa dulo eh.

Natapos rin kami sa pagkain at nag unat pa ng mga braso. "Buurrpp" napatingin kaming lahat kay Annika ng bigla itong dumighay ng malakas at nag echo pa sa loob ng dinning hall. Kaya naman nagsilingunan at nagsitawanan ang mga tao sa loob. Napansin ko naman ang lalaki sa kabilang table na may mapulang labi at may itsura naman pero hindi pumasa sa standards ko. Guwapo naman eh. Pero di ko bet. Nakamasid lang siya sa paligid niya at parang papatay na ng tao. Weird. Nagulat ako ng bigla itong tumayo at tumingin ng masama sa mga taong di matigil sa pagtawa.
Agad namang tumigil ang mga babaeng nagtatawanan ng mapansin ang galit na lalaki
At tanging bulungan nalang nila ang narinig ko. "Si prince, tsk may gusto ba siya sa babae?" Rinig kong bulong nong babaeng may kulot na buhok.

Pansin kong pinigilan siya ng mga kasama niya at puro sila mga lalaki. "Pero bro! Di na nila nirespeto yung babae" pabulong na angal ng lalaking tumayo. Hinila nalang siya ng mga kasama niya paupo. Kaya muli nang bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa ang mga estudyante. Balik normal na ang lahat ng magsimulang mag anounce sa harap ang isang professor. "Sleep early, so that we can begin the activities early in the morning." "Proceed to your areas." Tuloy pa niya. Kaya naman nag unahan na ang mga estudyante sa paglalakad palabas ng dinning hall at dumiretso na sa kani kanilang area. "Creepy dito no?" Nananakot na saad ni Sydney. "Hala! Wala namang ganyanan!" Sabi naman ni Gwy na tumingin pa sa dinadaanan naming madilim na hallway.

"Tsk. Alam niyo bang may history ang lugar na ito?" Pananakot pa ni Sydney. "Ang lugar na ito ay ipinatayo pa noong panahon ng mga kastila kaya naman mapapansin parin ang mga bitak sa dingding. Maraming namatay nong digmaan at isa lang ito sa mga natirang gusali. Kaya naman maraming nagpaparamdam tuwing gabi" may nananakot na boses na pag kukwento samin ni Sydney. "Eh kami nga yung school namin dati nong elem sabi nila sementeryo daw dati iyon" mahangin na pagbabahagi samin ni Alianna. "Pero di naman ako naniniwala sa mga ganyan" pagpapatuloy pa niya. "Oh tama na iyan. Baka di tayo makatulog niyan eh." Pagsita naman samin ni Ivory. "Si Celestine, nanginginig na." Pang aasar naman sa akin ni Annika na naka kapit pa sa braso ko. "Di ah." Pagsisisnungaling ko nang bigala akong pumiyok. "Ibig sabihin ba niyan nagsisinungaling ka haa?" Lalo pa nilang pang aaasar. Yung kaninang katatalutan ay biglang napalitan ng asaran. "Nagsasabi ako ng totoo." Pagtatapos ko sa usapan ng nakarating na kami sa tapat ng tent. Dali dali na akong pumasok at agad nagpahinga tutal tapos naman na kaming maligo. Nakakapagod na araw.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon