Chapter 4

28 4 1
                                    

                              Clestine's POV

Nabo bored na ako. Ang tagal namang mag 4:00. Dapat kasi pag tapos na ang klase ng estudyante, pwede nang lumabas. Eh ang kaso hindi. Inilabas ko nalang ang libro kong may pamagat na I Love You Since 1892. Sa lahat ng nabasa kong libro, isa ito sa mga pinaka paborito ko. Bago pa ako magbasa, tumingin muna ako sa mga kaibigan ko at ayun may kanya kanya ng mundo. May nag wa wattpad, nag e fb, may naglalaro ng jack en poy.

Mga baliw. Kailan pa nabagay ang jack en poy sa fourth year aber? Pinag masdan ko sa huling pagkakataon ang pag palo ni Alianna ng plastic bottle kay Annika. Marahil ay talo si Annika sa ginamit niyang weapon.  Hays mga baliw. Tawa sila ng tawa habang naglalaro ng jack enpoy. Di manlang makiramdam. Itinuon ko nalang ang pansin sa librong hawak ko. Nasa part na akong nakita ni Carmela si Juanito na inakala niyang patay na, na may benda sa kanyang kamay nang may tawanan akong naririnig dahil siguro sa laro nilang jack en poy.Ugh! Hindi na ako makapag concentrate!

Tumigil rin naman kalaunan ang tawanan nina Alianna at Annika kaya nagsimula ulit akong magbasa ng magsimulang kiligin si Gwyneth at bahagya pa niya akong tinulak habang humahagikhik. Nag init ang bunbunan ko dahil nawala na ang konsentrasyon ko. Ibinaba ko muna ang librong binabasa ko at huminga ng malalim.tiningnan ko ng masama si Gwyneth at ni ready ko na ang boses ko.

"ANO BA NAMAN KAYO! Matuto naman kayong makiramdam. Kita niyo namang may nagbabasa rito oh!" Panenermon ko sa kanila.
"Ay. Sensya naa poo" paghingi nila ng paumanhin. Balik ulit ako sa pagbabasa ng marinig na namin ang bell na hudyat na pwede nang umuwi. Linagay ko na sa bag ko ang libro at sabay sabay kaming naglakad patungo sa gate. "May assignment ba?" Wala sa sariling tanong samin ni Ivory.
"Wala ata. Wala naman tayong masiyadong Prof na um attend sa klase natin"wika naman ni Sydney.

"Tanungin niyo nalang mamaya sa GC panigurado namang mag sasabi ulit si Pres kung may assignment ba. Takot lang nun na madamay na naman siya dahil sa mga di gumawa ng assignment sa klase non ni Ms.Layla." Tumatawang saad ni Luna
"Palagi atang ni reregla yun eh"kunwaring naguguluhan na sagot ni Alianna.
Nagsitawanan naman kami. Kahit lang sa simpleng bagay natatawa na kami eh. Bakit ba. Mababaw nga kasi kaligayahan namin. Charr! Baliw lang talaga kami.

Kasalukuyan kaming tumatawa ng bigla akong may natanaw na pamilyar na mukha. Napatigil ako sa pagtawa dahil nakita ko si kuyang alagad ni cc! Hehe crush ko na siya. Crush lang naman. Swear. Nag guguwapuhan lang naman ako.
"Hoy Celes. Bakit bigla kang-." Natigilan siya ng makita kung sino ang tinitignan ko.
"Ay! Naku ghorl. Alam ko na 'yang tinginang yan eh. Crush mo 'no?"pang aasar sakin ni Gwyneth.
At dahil nga medyo napalakas ang pagkakasabi no'n ni Gwy, nagsitinginan ang buong barkada sa akin.

"Sinong may crush?" Nagtatakang tanong ni Ivory.
"Ikaw ba Celes may hindi sinasabi sa amin, ha?" Si Sydney habang nakataas ang isang kilay."Wait lang naman! OA kayo ah. Tsaka crush lang naman eh." Nakita ko naman ang reaksiyon nilang mangha.
"Eh paano ba naman kasi? Ikaw babae ka ang taas ng standards mo?" Prangkang tanong ni luna sakin.Napakamot nalang ako sa ulo. At yumuko. Ang bilis naman nilang makahalata. Ganon na ba ako ka obvious?

Siguro. "Alam niy-." Naputol ang sana'y sasabihin ko ng magsalita si Syndney. "Ay te! Alam ko na yang mga ganyang tanong. At  Chase Asher Hudson ang pangalan niyan.Dati ko iyang crush eh. Pero nakakasawa narin kase. Kaya iyo na" mayabang na pahayag ni Sydney. Kung makapag yabang naman ito eh akala mo naman naging sila.
"Eh ano namang pake ko? Tsaka hindi kaya iyon ang tanong ko. Patapusin niyo naman kasi ako sa tanong ko." Tumikhim muna ako at naghanda na ng palusot.

Dahil alam kong ipinahiram ko kay Luna iyong notebook ko kanina, yun nalang ang gagamitin kong palusot. "Ang sabi ko, Alam niyo ba kung nasaan ang notebook ko sa Science?"
Agad namang nag react si Luna at sinabing nasa kanya nga ang notebook ko at agad namang naniwala ang anim. Kahit pa sa tingin ko ang iba sa kanila ay hindi kumbinsido. So Chase pala ha. Gwapo rin ng pangalan hihi. Ano self landi pa? Charot lang.

Naglakad nalang kami pauwi. Hayst. Mas maganda kaya yung maglakad ka kaysa naman sa mag tricycle ka eh malapit lang naman ang bahay niyo. Ano? Ganon ka nalang katamad kung di mo iyon kayang lakarin. Sayang  kaya pamasahe. Tsaka alam ko naman yung hirap sa pagta trabaho ng mga magulang ko no. Hindi gaya ng ibang estudyante  na hingi nalang ng hingi ng pera.

Ni hindi manlang inisip kung gaano na nahihirapan sa pag bubudget ng pera ang mga magulang nila. Nakakalungkot lang tignan ang mga pagbabago sa panahon ngayon. Ang panahon nating mga millenials. Kahit naman puro ako wattpad, minsan naman tumutulong rin ako sa pag ta trabaho eh.

Aba'y alam ko namang nagmamahal na ang mga bilihin ngayon diba? Oh. Sana all diba? Nagmamahal pero ikaw inaamag na diyan wala paring dumadating para gawin kang 'taken' haha. Wawa ka naman. I mean tayo pala. Sa totoo lang okay pa naman sakin yung hanggang basa nalang muna ng wattpad. Marami naman akong asawa do'n ba't pa ako maghahanap sa reyalidad? Pagtawag palang ng 'baby' ng lalaking nakakasalamuha ko sa jowa niya diring diri na ako eh. Pero ang pinagtataka ko lang, sa wattpad hindi! Aba'y ewan ko lang.

"Oo nga eh. Haha kanina nga itong si Celes napagalitan ni Ms. layla eh" nagpantig ang tenga ko dahil narinig ko na naman ang pangalan ko. Nakalimutan ko. Andito pa pala ang mga ulaga. "Hoy Annika tigilan mo ko diyan. Hindi porket ikaw ang paborito ni Ms. Layla ah"."Haha iba kasi ang bait ko eh." Kapal lng ah. "Oo nalang" pagsuko ko para di na tumagal ang usapan. Tamad kaya akong tao. Pagsagot nga lang ng tanong tinatamad na ako eh. Pero Minsan lang naman. Tulad nalang ngayon.Pero pag nag sipag ako, kahit kalalaba palang ng mga damit, lalabhan ko ulit. Basta donate nalang kayo ng sabon at downy.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon