Celestine's POV
Unti unti akong nagmulat ng mata at sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Chase at ng mga kaibigan ko. "Glad you're awake." Sabi niya saka hinalikan ang likod ng kamay ko. "Chase." "Shhh don't try to speak. Just rest." Sabi niya saka kumuha ng mansanas sa side table ko tsaka iyon binalatan. Napangiti naman ako sa inasal niya. "Uhm. Celes, pinapauwi na kami. Sinabi lang namin sa kanila na hintayin ka naming magising bago umalis." Malungkot na pahayag ni Syd. Tumingin lang ako kay Chase na bumuntong hininga muna tsaka tumango bilang senyales na maari na akong magsalita. "Okay lang. magkikita kita pa naman tayo." Sabi ko. Nagawi naman ang tingin ko kay lianna na parang malungkot din at tulala. "Lianna." Pagtawag ko sa pangalan niya. "Ay travis!" Gulat niyang saad. "Huh? Sino yang travis na iyan ha?" Tanong ko sa kaniya ng nakataas ang kaliwang kilay. "Crush ko" walang kagatol gatol niyang sagot. "Bat wala ka manlang nababanggit?" Gatong naman ni Annika. "Di naman kayo nagtanong" sabay roll eyes pa niya. "May nalalaman ka ng paikot ikot ng mata, nakilala mo lang iyan eh" sabi ni Annika na pinagkrus pa ang mga braso.
. "Wala ka na dun" pag sagot niya kay Annika. "O siya, layas na. Baka wala pa kayong maabutang flight." Pagtataboy ko sa kanila. "Che ka! Gusto mo lang masolo si Chase eh. Di nalang deretsaang sabihin." Pang aasar ni Ivory. "Ba! Mga bunganga niyo walang preno. Ayusin niyo nga takbo ng utak niyo." Sita ko sa kanila. "Eto naman masiyadong atat. Eto na aalis na." Pangisi ngising ani ni Syd. Isa isa silang yumakap sa akin. "Bye fren. See you sa pilipinas" pagpapaalam nila. "Yeah. Alis na" taboy ko sa kanila with action pa ng kamay. Tuluyan na nilang isinarado ang pinto at tuluyan ng umalis. Binaling ko naman ang atensiyon ko kay Chase na nag ce cellphone.
"Chase. Asan si mommy?" Tanong ko sa kaniya. Agad niya namang inilapag ang hawak na phone tsaka ako sinubuan ng binalatan niyang mansanas. "She went to the store to buy your needs." Sagot niya sa akin. "Hindi ka ba babalik sa pilipinas? May pasok ka diba?" Takang tanong ko. "Yup. I have classes, but you 're more important than my studies." Napailing naman ako sa narinig. "No, baguhin mo iyang mindset mo. Ayokong maging sagabal sa pag aaral mo. Prioritze your studies." Saad ko na diretsong nakatingin sa abuhin niyang mga mata. "Even if I want to, but I just can't allow you to stay here without me." Saad niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ng kamay ko.
" I don't wanna let one single smile to form from your lips without me watching it" ani niya ng nakatingin diretso sa mga mata ko. This time, Kumabog na naman ng pagkalakas lakas ang dibdib ko. "I'm falling deeper" wala sa sariling kumawala iyon sa bibig ko na siyang ikinalapad ng ngiti niya. "I'm always here to catch you, baby" sabi niya tsaka ako ginawaran ng munting halik sa aking labi.

BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...