Celestine Amora Peyton POV
Nandito ako ngayon sa room at kasalukuyang nag di discuss ang teacher sa harap. Magkakatabi kami ng mga bruhilda kong kaibigan ng upuan. Bale pito kaming magkakasama mula no'ng 3rd year high school kami hanggang ngayong fourth year highschool. Makikilala niyo rin sila paunti unti.
Huwag lang atat. Okay?
Isa akong wattpad reader at talaga namang mahilig akong magbasa ng stories ng ibat-ibang authors. Syempre naman nauumay rin ako. Pero hindi ko alam kung bakit bumabalik parin yung gana kong magbasa ng storya. Weird ba? Sa totoo lang mahilig din namang magbasa mga kaibigan ko eh.
Si Ivory lang talaga yung hindi mahilig magbasa saming magbabarkada. Well si Sydney, nagbabasa pero hindi pa kasing rami ng nabasa namin nina Alianna,Annika, luna at Gwyneth. Kaya lang ako sa totoo lang, ayaw kong magbasa ng malaswang babasahin dahil masiyado pa naman kaming bata. Sina Alianna, Annika at Gwyneth? Hmmm alam niyo na haha.
Bumalik lang ako sa reyalidad n'ong sikuhin ako ni luna.
"Ms. Peyton! Hindi ka naman ba nakikinig?
Kung saan saan na naman nakakarating yang utak mo! No'ng nakaraang quiz puro pangalang kahit kailan ay hindi ko namalayang diniscuss ko sa inyo ang isinagot mo"
Galit na galit na nakatingin ang mga mata ni Ms. layla sa akin. Palibhasa walang jowa eh.
Pasimple ko nalang siyang inirapan at tumayo na para depensahan ang sarili ko tutal nakahanda naman na ako ng palusot haha.
"Ms. Layla, hindi po kasi ako nakatulog kagabi. Kulang po ako sa tulog" plastic kong saad.
"Nevermind. Next time 'pag nahuli kitang nag wa wattpad o hindi nakikinig sa discussion, maglilinis ka mag isa sa floor na ito. Maliwanag ba Ms. Peyton?" Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga. "Yes Ms" pinilit ko nalang makinig sa discussion niya.tsk. Paano ko maintindihan yan eh ang hina ng boses. Kuripot pa sa grades. Tsk. Dapat sa ganyan tinatanggal eh.muli akong napairap sa kawalan.
May narinig naman akong humahagikhik sa tabi ko na kinalingon ko. Nakita ko lang naman ang kaibigan kong todo magpigil ng tawa. Sa totoo lang kanina pa to eh. Gusto niyo malaman kung sino? To! Magaling na si Alianna at Annika. Sinamaan ko sila ng tingin tutal magkatabi lang rin naman sila. Baka mamaya dahil sa kakapigil nila ng tawa maka amoy na lang ako bigla ng alam niyo na. Mabaho.
Hinayaan ko nalang silang magpigil ng tawa at muling itinuon ang pansin sa harap na kunwari'y nakikinig kahit sa totoo iniisip ko ang mga asawa ko sa wattpad. Ano kayang magaganap sa next chapter? Gusto ko ng magbasa. Na bo bored na ako. Kanina pa kayang nag ring yung bell. Hinihintay na nga lang naming sabihin niya yung 'class you may now have your break' eh kaya lang sakim ang isang to. Gigil!
At matapos ang ilang taong paghihintay, ayun at pinalaya narin kami mula sa pagkabilanggo. Unahan sila sa pintuan baka kasi bawiin na naman ni Ms. Layla yung break namin eh. Mahirap na no. Kaya maraming inis diyan eh. Bitter masiyado kay Sir Austin. Tsk ang landi landi di nalang mag focus sa trabaho eh di sana nakinig pa'ko diba?
By the way, nag aaral kami sa public school. Pero hindi naman gaanong low class. Pero karamihan sa mga estudyante, low class. May kaunting mali ka lang, huhusgaan kana agad nila. Kaya kung ako nga ingat na ingat eh. Duhh image ko baka masira.naglakad kami papunta cafeteria para ano pa ba? Edi kumain.
BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...
