Celestine's POV
Umupo ako sa isang bench dito sa park habang nakatingin sa kawalan. Madaling araw na at kagagaling ko lang sa pag eehersisyo. Napakaganda talaga ng America. Nakakalungkot lang na wala siya ngayon dito para sana maging lakas ng loob ko sa gaganaping operasyon. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto ng tao. "Chase?!" Napatingin naman ito sa akin at naglakad ng nakapamulsa papalapit sa kinaroroonan ko. Wala na akong sinayang na oras at agad kong tinawid Ang distansiyang natitira. Tumulo na ang mga luha kong matagal kong pinigilan. Agad ko siyang yinakap at nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko at hinapit pa ako para mas lalo pa kaming magkalapit. "You miss me that much?" Tanong niya sa kin. Tumango lang ako habang patuloy parin sa pag agos ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko ang kamay niya na siyang nagpunas sa luhang dumadaloy sa pisngi ko. "I'm glad I found you" sabi niya tsaka hinalikan niya ako sa noo.
"Sorry." Sabi ko ng may nangingilid na luhang siyang nagpalabo sa mata ko. "Shhh. Nope I 'm sorry. Hinayaan lang kita." Sinserong ani niya.
"How'd you know that I'm here?" Tanong ko sa kanya. "Your friends?" Kunot noo niyang sagot at muli akong yinakap. "I miss you." Bulong nito sa akin. Naramdaman ko ang kiliting dulot ng hininga niyang tumatama sa tenga ko. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Baby, I want you to be mine now." Sabi niya ng nakanguso. Nangunot naman ang noo ko dahil don. "Why?" Tanong ko sa kaniya. "Those guys are getting into my eff*n' nerves!" Tinignan ko naman ang mga Americanong tumitingin nga sa kin. Tumawa ako at tumango. Ayoko ng patagalin pa ito. I dont wanna lose him anymore. Nagulat naman siya sa biglang pagtango ko. "What do you mean by your sudden nods?" Takang tanong niya. "Yup. You're now officially mine." Sagot ko ng nakangiti. "Really!?" Nakangiti na siya ng malapad ngayon. At yinakap ako ng mahigpit. "I love you, baby." Wika nito na siyang nagpatigil sa akin. "I love you too." Wika ko ng nakangiti. "Baby" patuloy ko pa."Yieeee! Sabi na eh marupok siya" bigla kaming napahiwalay mula sa pagkakayakap ni Chase. "What are you doing here?" Gulat na tanong ko sa anim. "Manahimik ka nga! Ayaw mo ba na nandito kami" pagpapatigil sa akin ni Ivory. "Alam na ba nila tita at tito na nadito kayo ha?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang napalunok. "Hehe hindi nga eh. Uuwi rin naman kami. Huwag kang mag alala." Sabi nila na sinabayan pa ng pag tango. "Siguraduhin niyo lang ah." Sabi ko sa kanila ng may pagbabanta. "So ano? Heheh ako ninang ha?" Pang aasar ni Syd. "Tigilan mo ako. Mas nauna ka pang nagka jowa kesa sa akin." Sabi ko ng nagpabilaok sa kanya. "Hindi pala ako nakapag pa alam sa kanya." Sabi niya ng naluluha na. "Yan kasee. Pa boyfriend boyfriend palagi namang nakakalimutan" pang aalaska ko pa sa kanya.

BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...