Chase Asher Hudsons's POV
I'm sitting at the front of our tent and staring at her from a far, laughing. When the day we bumped into each other,I felt something unfamiliar that I haven't feel in my entire life.
I was trying to hold my laughter when I saw her weird expression written on her beautiful face. God! will she catch me if I fall? Will she accept my heart? I took a deep breath and started to avoid my gaze when i feel my heart beats fast. I regret that I didn't agree on my mom's proposal. The arrange marriage with celes. Well why would I marry someone I haven't seen? But that was years ago...Celestine's POV
Hindi kami makatulog kaya naman pasimple kaming lumabas sa tent at umupo sa kahoy sa labas ng tent namin at gumawa nalang ng bonfire. Yung tatlo, tulog na. Tanging sina Annika, Alianna at Gwyneth nalang ang kasama ko ngayon rito. Nag laro muna kami ng truth or dare para dalawin naman kami ng antok. Eto kase ang paborito naming laro eh.
"Oh Anikka ikaw ang tatanungin ko."pag umpisa ni Alianna. "Let's get it on!" Paghahamon naman ni Annika. "Ano? Truth or dare?" "Truth" nag aalinlangang saad ni Annika. "May gusto kana ba sa loob ng campus? Bawal magsinungaling" "hindi ko alam. Pero kilala niyo ba yung lalaking tumayo na galit na galit kanina? Narinig ko yung sinabi niya na alam kong ako naman yung tinutukoy niya" kinikilig pa siya habang parang nangingisay na.Tsk. "si Colton Nathan Carter ba? Cee En yung madalas itawag sa kanya ng mga kaibigan niya. So ano nga. May gusto ka sa kanya no?" "Oo. Pero slight lang" namumula niyang pagsagot. "Okay. Hindi ka naman magugustuhan non" pang aasar sa kanya ni Gwyneth. " he! Kahit na no!" Pag depensa naman niya sa sarili. "Ikaw naman Annika tanungin mo ako." Excited pang sabi ni Gwyneth habang nagsasasayaw. Gumuhit naman ang pag kaaliw at the same time pagtataka sa mukha ko. Luminga ako sa paligid ko nang mapansin kong parang may nakatingin sakin pero bigo akong makita kung sino o anoman iyon.
Muli kong naituon ang aking pansin sa mga kaibigan ko dahil gusto ko ring malaman ang pipiliin ni Gwy. "Truth or dare" panimula ni Annika. "Dare" matapang na pahayag ni Gwy habang nakangiti pa. "Sumayaw ka ng budots."
Wika ni Annika na natutuwa pa sa naging utos.
"Napa hagalpak naman si Gwy at nagsimula ng sumayaw ng budots." Napatawa naman ako dahil sa kanya.mukha tuloy siyang ewan dahil sumasayaw siya ng walang tugtog. Muli siyang umupo sa dati niyang puwesto at kami nalang ni Alianna ang natitirang tatanungin.
"Alianna mauna kana. Ako magtatanong sa'yo." Pinagsalikop ko ang kamay ko at tinitigan si Alianna sa mata. "Truth or dare?" "Truth" muli naming narinig ang matinis niyang tawa na siyang nag pahalak hak saming lahat. Nag isip muna akong mabuti ng maaring itanong. Wala akong masiyadong maisip. Matalino ang putik! Alam na niya sigurong wala akong maitanong. Ugh! "Sino ang pinaka hate mo sa ating lahat?" "Wala" pagsagot niya na may seryosong mukha. Okay. "Ikaw naman" pagbaling ni Alianna sakin at agad naman siyang nag seryoso. "Truth or dare?" "Truth" nag aalinlangan kong sagot. "Kung manliligaw sa'yo si chase, sasagutin mo ba?" Naisip ko naman ang taong laman ng dare. Hmmm si Asher? Siguro.. "depende. Ang stage naman kase ng panliligaw ay ang pagkilala ng mga babae sa taong nanliligaw sa kanila. Kaya depende kung makikita kong okay siya o kung makakapaghintay siya, edi okay. Kase alam niyo naman na ang naging sitwasyon ko noon. In arrange ni mommy ang isang kasalan kung saan ako ang bride at ang groom ay di ko manlang nakita o nakilala. So paghihintayin ko siguro siya. Para narin mas lalo ko pang mapatunayan na totoo ang pagmamahal niya.""Okay. Mukhang inisip mo nga talaga." Napahikab si Alianna at nag aya ng matulog. Kahit ako nga ay dinalaw na ng antok. Naglakad na kaming patungo sa tent namin at isa isa ng pumasok. Nawala narin ang apoy sa bonfire at tanging nagbabagang uling nalang ang natira. Pumasok narin ako at pumwesto na sa dulo. "Goodnight guys" "goodnight sleep well" sagot naman nilang sabay. Bago ko ipikit ang mga talukap ng mata ko. Insip ko muna.
'Makakapaghintay ka ba?' Tuluyan ng bumigay ang talukap ng mata ko at nilamon na ng dilim ang buong paligid. 'Sana'*kinabukasan*
Nagising ako ng dahil sa mga tawanang nangingibabaw sa aking pandinig. "Sige pa. Lagyan niyo pa." Boses ni Ali na tuwang tuwa.
May naramdaman naman akong malamig at amoy marker sa may bandang mukha ko. Pero dahil sa sobrang antok, inakala kong nananaginip lang ako. "Ako naman." Boses yun ni Gwyneth. Muli kong naramdaman ang malamig na bagay sa may taas ng lips ko. "Guys tama na iyan. Baka magising yan. Sige kayo" pag sita naman ni luna. "Wait lang di ko pa na try eh. Rinig kong reklamo ni Ivory.
"Sino ba kase may pakana ha?" Tanong ni Luna sa panaginip ko. Weird naman ng panaginip ko. Parang di nila ako nakikita ah. "Si Sydney. Siya ang unang nagsulat eh." Pangalalaglag ni Annika kay Syd. Unti unti akong nagmulat ng mata. Agad namang nagkanya kanyang gawa ang mga kaibigan ko. Si Sydney at Ivory biglang dumungaw sa bintana ng tent at animo'y may tinitignan. Si Annika at Alianna naman, nagkukutuhan. At nang tignan ko si Luna, bigla itong umiwas ng tingin.May hindi ba ako alam? Ang weird nila ah. Naghikab muna ako at nag ayos ng buhok at kinapa kung may muta ba ako. "Guys anong nangyari sa inyo? Alianna at Annika kailan pa kayo nagkaroon ng kuto? Ivory at Sydney bakit niyo tinitignan mga naliligong lalaki?" Buti lang si Luna wala namang masiyadong kakaiba. Nanlaki naman ang mga mata ni Ivory at Sydney ng marinig ang tanong ko sa kanila. Parang nagulat pa sila at biglang nag usap ng pabulong. Ngumiti sila pero halata mong pilit "ah. Hahaha yun ba? Eh heheh wa wala" kabado nilang sagot habang aksidenteng napatingin sa bintana ng tent at muli silang namula. Lah? Anong ganap? "Ah kami naman, nagkaroon ng garapata" Annika
"Nagkaroon ako ng dandruff" sabay nilang sagot. "Hindi, dandruff dapat! Hindi nagkakaroon ng garapata ang tao! Aso lang maniwala pa ako!" Bulong ni Alianna pero di ko dinig."Ay tama! Hehe dandruff talaga ang ibig kong sabihin" pagbawi naman ni Annika sa unang naging sagot. "Ah ganon ba? Tara na sa labas? Baka hinahanap na tayo sa dinning hall"
Agad naman silang nagsitinginan at nakailang beses pa akong hinila papuntang cr. Pero di ko nalanag pinansin. "Guys kung naiihi kayo, pumunta nalang kayo. Hindi yung isama niyo pa ako dun. Tutal tapos na akong magmumog at mag tooth brush, mauuna nalang kami ni Luna sa dinning hall. Habang naglalakad kami sa pathway, pansin ko ang tawanan at bulungan ng mga tao sa paligid . Mayat maya rin ang tinginan at senyasan ng mga hindi mapakaling mga kaibigan ko. "Seryoso, ano bang meron ngayon? Ang weird niyo.""Hi. Celes!" Gulat akong napatingin sa sumabay saming si Asher. Inabot niya naman ang hoodie jacket niya. "Wear that. It will save you from embarrassment." Pagpapatuloy pa niya at siya na mismong naglagay ng hood na halos matakpan na ang kalahati ng mukha ko. Kahit nagtataka'y sinunod ko nalang siya.
"Uhm by the way ladies, I need to go now. I'm sure that you're already aware of the policies right?" "Ah oo. Yung hindi pwedeng magsama ang mga lalaki't babae para sa seguridad diba?" Pag sabat ni Luna. Siya lang ata nakinig eh.
"Yup. You're right. Gotta go ladies, Celes?" "Uhm sure. Ibabalik ko nalang sa'yo to sa Monday. Kahit pa hindi ko naman talaga alam kung para saan". "Don't bother. And a piece of advice, mind wiping your face with wet wipes?" Nakangiti pa siya na tila natutuwa sa nakikita at tumalikod ng naglakad palayo ng nakapamulsa. Ano bang nakakatawa sa mukha ko? Again, naramdaman ko na namang may matang nakamasid sakin. Pero this time, iba na ang pakiramdam.

BINABASA MO ANG
A wattpader's life(completed)
RandomWhat if she meets a person who can change her from being a wattpad reader into a lover? Will this guy help her to be the better version of herself or not? Will he stay or will he leave? Meet Celestine Amora Peyton a certified wattpader. Join her to...