Chapter 2

44 4 3
                                        

              Celestine Amora Peyton's POV

"Hoy Celestine, ba't di mo matigil tigilan yang wattpad mo ha? Napagalitan ka tuloy" panenermon sakin ni Ivory.
"Eh mag wattpad ka rin kaya. Tsaka ang hirap tigilan ang isang bagay na nakasanayan mo na"pag depensa ko sa sarili ko.
"Naku huwag mo akong demonyohin celes. Pag -aaral ang inaatupag ko at hindi ang pagwa-wattpad. Matututo ka lang lumandi diyan eh. Ano pang ibang naidudulot niyan kung hindi distraksiyon"

"Hindi lang naman kasi paglalandi ang napupulot at natututunan sa wattpad, pwede ka rin namang maka encounter ng mga salitang kahit sa paarala'y di pa itinuturo. Advance kumbaga.tsaka marami ka ring aral na mapupulot dun no. Mas gugustuhin ko nalang mag wattpad kaysa makinig sa malanding si Ms. layla hmmp"pagtatanggol ko sa wattpad ko.
"Bahala ka diyan. Magbasa ka na nga lang hangga't buto nalang matira sa'yo"pagsuko ni Ivory.

Napanguso nalang ako. Tumingin ako isa isa sa kanila at wengya! Ang sarap ng kain nila habang nanood sa naganap na 'debate' kuno sa amin ni Ivory. Tsk mga baliw.may napansin naman akong kakaiba hahah charot.
"Annika asan cellphone mo? Bakit ngayon nakiki join kana sa sagutan ha?" Pang aasar ko sa kanya.

Napanguso naman siya habang nakakunot pa ang noo.
"Naiwan ko eh. Tsk di ko tuloy mababasa yung temptation island. May update pa ata si inang"
Oh diba sabi naman sa inyo eh. Mga ano. Mga inosente. Agad naman siyang binatukan ni Sydney. Haha ako natatawa sa reaksiyon ni annika napaka priceless.paano ba naman kase lalo pang nangunot yung noo tapos nag pacute pa! Takte haha.

Hindi na namin napigilan yung tawa ko at bumulalas na ako ng tawa. Nag si tawanan rin yung iba. Dumagdag pa ang matinis na tawa ni Alianna. Natigil lang kami ng mapansin naming nakatingin na pala ang mga estudyante sa loob ng cafeteria. Pasimple nalang akong dumukdok sa lamesa namin.

Samantalang sina Ivory, Sydney, Alianna, at luna ay kanya kanyang labas ng cellphone at nagkunwaring may ka text. Si Annika naman ay inilabas ang sketchbook at kunwaring may dinrawing.hinintay nalang ulit naming mag bell para matakasan ang kahihiyang pangyayari sa cafeteria. Sayang yung pagkain ko. Di ko manlang naubos.

At eto na nga po ang sunod na klase. Hay nakakawalang gana. Ba't kaya pag wattpad kahit ilang chapters pa di ako tinatamad basahin. Samantalang sa libro ng school namin, ilang pahina na nga lang hirap na hirap pa akong tapusin. Eh hindi ko naman kase naiintindihan. Kada lipat ko ng pahina sa subject naming may kinalaman sa science, imbes na pangalan ni Albert Einstein ang mailagay, nagiging Ezekiel Roswell.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa pathway. At Kung nagtataka kayo kung sino yan, asawa ko lang po yan sa wattpad. Sa mga hindi pa nakabasa ng My husband is a mafia boss diyan kaway haha. Tsaka sa may gusto sa kanya huwag po kayong mag alala dahil kung may bago ulit akong babasahing story, mag hihiwalay na kame ha? Oka—

BOOOGSH

a-aray ko po. Napahawak nalang ako sa ulo ko at ininda ang pagkakauntog ko sa isang matigas na bagay. Hindi ako shunga para sabihing pader. Dahil may naglaglagang libro. May nakita pa nga akong work ni inang cc eh. Knight Velasquez ata iyon? Aba malay di naman ako nagbabasa non eh.

"Are you okay?" Tanong sa akin ng isang lalaking may magandang pangagatawan. Tumingala ako dahil mas matangkad siya kesa sakin. Hmmm nangangamoy wattpader hihi. Gwapo pa. Kulot yung buhok niya na bumagay naman sa features ng mukha niyang perpekto. Hindi tulad ng ibang lalaki na kapag nag pa kulot, mukha ng natapunan ng pancit canton. Sa kanya hindi eh. Mas lalo pa itong dumagdag sa charisma niya.

"Uhm miss? I'm asking you, are you okay?" Bumalik na ako sa wisyo nang tanungin niya ako ulit. sasagot na sana ako ng bigla akong may naalala. asan na pala yung mga impakta kong kaibigan? Halaa bell na! Paktay ako neto! Strikto pa naman si Sir. Nagmadali akong kumaripas ng takbo patungong classroom at sinabi ko nalang sa lalaking papabels na okay lang ako kahit pa may panghihinayang akong nararamdaman.

Bro! Wattpader yun! Iniwan pa ako ng mga walangya. Hindi ko na nga natulungan si kuyang pulutin yung mga libro tapos di pa ako nakahingi ng sorry dahil sa labis na pagmamadali. Takot ko nalang kay sir no.
Ng nasa tapat na ako ng room, agad kong binuksan ang pintuan habang ramdam ko pa ang pagtulo ng pawis sa leeg at noo ko. Agad rin akong nag ayos ng mapansing wala pala pa si sir.

"Wala pa si sir?" Pag tatanong ko sa mga ulagang nang iwan sa akin.
"As you can see wala pa" pang aasar naman sakin ni alianna.
"Luna?" Dugtong ko sa unang sinabi ko upang asarin din si Alianna.
"Excuse me, hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang epal" gatong ko pa. Hahaha sarap niyang asarin
"Oo nga alianna.. hahaha lagi ka kasing kontra"
Dagdag naman ni Annika.
Magsasalita pa sana si Alianna ng biglang pumunta sa harap ang class president namin at may inihabiling daw na announcement ang absent na proffesor namin.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon