Chapter 9

10 3 0
                                        

                              Someone's POV

"I'm sure she'll regret flirting with my Prince.She will pay for ruining our relationship."I smile victoriously while staring at the picture where the B*tch and my prince were walking before heading to the dinning hall. "Soon, your happiness will going to be your weakness, Celestine Amora Peyton"

                        Celestine's POV

Kasalukuyan akong nagpupunas ng mukha kasama ang mga bruhilda kong mga kaibigan dito sa loob ng cr Matapos mapansin ng isang teacher ang mga nakasulat sa mukha ko dahil tinanggal  ko rin di kalaunan ang hood na naka tabon sa mukha ko dahil sa init.
"Tinignan ko sila ng masama" at nagtawanan lang sila. "Epic talaga niyang mukha mo eh haha." " ganda ng balbas natin ah" "anong brand ba yang eybrow na ginamit mo?"
Pang-aasar pa nila sa akin habang pinagmamasdan akong linisin ang mukha ko. Buti nalang hindi permanent. Kaya pala may bulungan at kaya pala ang weird ng mga tao eto pala iyon. Hayst. Kunware kinabahan sila hmpp di ko sila mapapatawad! Biro lang. kahit na napahiya ako dahil sa kanila, mahal ko parin naman mga iyan eh. Kahit pa may saltik minsan ay este lagi.

"Calling the attention of Celestine Amora Peyton and Mr. Chase Asher Hudson, Please proceed to the admin office now." Bigla naman akong kinabahan ng marinig ang announcement. Kumabog ng malakas ang puso ko at dumagdag pa sa kaba ko ang mga bulungan ng mga estudyante. "Hindi kaya nahuli silang magkasama ni chase kaya sila ipinatawag?" G1 "baka naman nahuling nagharutan"g2 napalakas ang usapan nila kaya agad namang nagpantig ang tenga ko sa narinig. "Sino ba iyang babaeng yan para akusahan kayo ng ganyan?!" Galit na sumugod si Ivory sa mga babae at walang takot niya itong hinarap. Sumunod kami sa kanya para pigilan siya. "Aba! Iyang pinag uusapan niyo, nandito lang! Masiyado kayong mapanghusga! Kala niyo naman kung sino kayo?" Hinila na namin si Ivory bago pa lumala ang gulo. "Eh totoo naman kasing malandi iyang kaibigan niyo!" Pabalang na sagot ng babaeng mukhang abstract ang mukha "Hindi! Celes! Mga bitchesa ang mga babaeng yan!! Pinag iinit nila ang bumbunan ko!" Sigaw pa niya habang hawak namin ang magkabila niyang braso at bahagyang hinila palayo.

Agad naman akong nagpa alam na pupunta na ako ng admin office kung saan naroon ang principal's office, ng nakalayo na kami mula sa mga babae. Muli naman akong kinabahan ng makarating na ako sa tapat ng admin office. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Bumungad naman sa akin ang principal ata ng school na ito na medyo matanda na at talaga namang nakakatakot ang hitsura. Nakakasakal ang aura sa loob ng office. "Umupo ka ija" utos niya na nakapagpatindig ng balahibo ko. Agad naman akong natingin sa taong nasa tapat ko at ngitian niya lang ako na parang sinasabi niyang magiging okay din ang lahat. Tinanguan ko lang siya. "So what's with the two of you." Panimula ng matanda habang nilalaro pa ang ballpen sa daliri niya. "Nothi-." Naputol ang sasabihin ko ng may litrato siyang inilapag sa mesang nasa harap namin. Nanlaki ang mga mata ko at pinagmasdan ang litrato kung saan binigay sa'kin ni Asher ang hoodie niya.

"Alam niyo ba ang patakaran sa school na ito?" Mahinahon ngunit may galit sa tono ng boses ng matanda. Napa yuko nalang ako dahil sa sobrang takot. Takot na baka makarating ito sa bahay. "Yeah, sir" si Asher nalang ang sumagot dahil alam niya sigurong hindi ko kaya.
"Then why were you together?" May diin sa bawat salita ng matanda. Kulang nalang ay sumigaw ito. Nanginginig narin ang tuhod ko at pinagpapawisan narin ang noo ko. Sino ang posibleng gumawa ng ganyang bagay na ikakasira ko? Ano bang ginawa kong masama sa kanila o sa kanya? Tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata ko. Bawal akong mag boyfriend. Yan ang patakaran sa loob ng bahay. Kaya naman abot langit na ang kabang nararamdaman ko. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at pasimpleng pinamunas sa mga luha ko. "I can't believe that you are judging us not knowing the real story behind that picture, sir"
Cool na pagsagot ni Asher. "Hahah. Such a disrespectful student. Hindi ba tinuro ng mga teachers sa inyo ang GMRC?" Pang iinsulto ng principal. "You should ask your self first sir. By the way, that picture is taken and presented to you to test your intelligence. And now, I'm pretty sure that you already know the answer if you fail or pass." Tumayo na siya at hinila na niya ako palabas ng office.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Dapat hindi mo ginawa iyon. Principal parin iyon kahit papaano." "Nope. If they want to gain respect, then they should respect the students too." Tumingin naman siya sakin at hinawakan ang pisngi ko gamit ang kanang palad niya. "You're too fragile and innocent" "I don't wanna break you." Pabulong nalang ang pagkasabi niya sa huling salita kaya hindi ko na naintindihan. "Ulitin mo nga?" "Wala. Sabi ko iyakin ka" sabi niya na bahagya pang natawa. Neknek mo! Hmmp daya. Ayaw sabihin yung totoo eh.

Pina uwi na kami dahil sa nangyaring insidente kanina na kinasangkotan namin ni Asher. Marami nga ang nanisi sa amin eh. Mas marami nga lang yung akin. Pero ano pa bang magagawa nila. Wala siyempre. Nag eempake na kami ng mga gamit namin at nakanguso naman sina Sydney at Ivory habang nag eempake. "Hoy Sydney! Tigilan mo kami sa pag eemote mo diyan. Baka sabihin ko sa jowa mo na naninilip ka ng abs sige ka." Pagbibiro ko sa kanya. Agad namang namula si Sydney dahil don. "Etong nguso ko ba? Ah. Haha pinapakita ko lang naman ang bagong bili kong lipstick! Haha maybeline kaya ito." Palusot niya na hindi naman ka panipaniwala. "Panget. Parang nag lipstick ka gamit uling!" Pambabara ni Gwyneth. Ginamit mo ba yung tira natin sa bonfire?" Nang aasar na tanong ni Annika kay Sydney."Hindi ah" "eto kaya yung dahilan bat na fall siya saken." Pagyayabang niya pa. Tsk ang hangin. "Tama na yang kahanginan niyo. Baka may dumating pang bagyo at hindi na tayo makauwi." Sabi ko naman sa kanila para mayigil na sa kahanginan. Sinara ko na ang maleta at luminga sa paligid sa huling pagkakataon. Kahit naman papaano, may magandang dulot parin ang camping na ito.

A wattpader's life(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon