Prologue

8.9K 104 0
                                    

Natalia Guevarra's POV

"Kuya, ano ba naman yan! nauna ako sa'yo oh, hindi mo ba nakikita na may pila?"-sigaw ko, shit naman! Kanina pa 'kong alas tres ng umaga dito. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakasakay sa bus. Mag-aapply pa 'ko 'no! Hahanap din ng mauupahan duon sa Maynila. Hays,'di 'ko naman kasi ginustong lumuwas papunta duon, kung hindi lang talaga namin kailangan ng pera, mas gugustuhin kopa na manatili dito sa bukid namin sa Pampanga.

"Ang ingay mo,ate! Parehas lang tayong dalawa na kanina pa dito, 'wag ka ngang magreklamo dyan! Mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa'yo eh!"-sigaw niya pabalik sakin. Aba sumasagot pa talaga 'to, eh siya na nga yung mali.

"Aba, bastos ka, kuya. "'Di ka siguro inaruga ng nanay mo, diyan kana nga!"- sayang lamang ang enerhiya ko kung aawayin ko pa siya. 'Di na kaya ng powers ko, dai! Gutom na gutom na'ko. Buti nalang may pabaon na isang balot ng skyflakes si nanay sakin.

"Oh ate hanggang sa'yo, pasok na. Akin na mga ticket niyo"-s igaw ni kuya. Sa wakas ! Makakaupo din!

Nag-lakad ako papunta sa likuran ng bus upang maupo na. Salamat naman at makakapag-pahinga na ako. Actually, 'di naman pahinga 'to eh. Iniisip ko palang pag-biyahe mula dito hanggang sa Maynila ay napa-pagod na ako, isama mo pa 'tong katabi ko na ang laki-laki at amoy araw. Madaling araw palang at wala pang araw, paano kaya ito nag-amoy araw? 'di siya naligo mula kahapon?

'Di ko nalang pinansin at kinain na ang skyflakes na pabaon ni nanay, masarap sana ito kung isasawsaw sa kapeng mainit lalo na malamig ngayong madaling araw. Hmpk! kaasar naman kasi, kung hindi lang sana sinangla ni lola yung lupa naming sakahan dati.Edi sana wala kaming tutubusin ngayon, at edi sana mapayapa ang buhay ko sa bahay namin. Ngayon mapapasabak pa ako sa Maynila. Handa na ako sa traffic at polusyon huhuhu. Ang clear skin ko, pa'no na? Kakayanin parin kaya ng safeguard na tig bente pesos sa tindahan namin ito?

-----

"Oh baba na, baba na. Andito na!"-sigaw ni manong. Hmpk, istorbo si manong sa tulog ko. Anyway, good morning. Ay, wala palang good sa morning.

Hinawakan ko ang bagpack ko at tuluyan ng bumaba sa bus.

"Grabe, ang laki-laki, pero ang baho-baho."- 'yan agad ang nasabi ko pagka-baba ko.

"Ano, miss? May sinasabi ka?"-napatingin ako sa likod ko noong may nagsalita. Hala, si kuya na katabi ko na amoy araw pala 'to.

"Oo, kuya! Sabi ko amoy araw ka po!"- sabi ko sabay takbo at baka mahampas niya pa ako. Hihihi! rinig na rinig ko pa nga yung sigaw niya na bumalik daw ako doon, 'di naman ako uto-uto. Bahala ka dyan, kuya!

Unang gagawin ko ay mag-hahanap ako ng trabahong maapply-an. Meron na akong alam na pupuntahan dahil sa kakilala kong si Jonson na nag-tatrabaho sa isang kumpanya dito sa Maynila, ipapasok niya daw ako doon bilang isang janitress, alam kong hindi sapat ang kikitain ko doon, kaya pagkatapos kong pumunta do'n ay mag-hahanap agad ako ng iba pang raket.

Walking distance lang daw 'yon mula sa terminal ng bus kaya nilakad ko nalang. Baka mas mauna pa akong makarating do'n ng nag-lalakad kesa mag-jeep sa sobrang traffic, sayang pa ang sampong piso ko, sumakit pa ang pwetan ko kaka-upo.

Ano pa kayang pweding iraket? magpokpok kaya ako sa mga bar? charot! Andito na pala ako sa kumpanyang pinag-tatrabauhan ni Jonson, guard siya dito eh. Nasaan na ba 'yon?

Shete! Ang laki-laki naman netong building na 'to. Ang bango-bango pa sa loob. Lumapit ako sa front desk para mag-tanong.

"Magandang araw po, andito po ako para mag-apply ng trabaho."- sabi ko sakaniya. Ganda ni ate girl, oh! Puti ng ngipin!

"Good morning, Ma'am. For the job interview, please proceed sa 9th floor po. Yung last office po sa right."

"Sige, miss, salamat."

Dumaretso ako sa elevator pagka-tapos nun. Kinuha ko ang resume sa aking bagpack. Sure na sure na papasa ako dito bilang janitress. Char,confident lang.

Lumabas ako ng elevator pagka-tungtong nito sa 9th floor. Nag-lakad ako papunta sa sinasabi ni ate girl kanina. Wala pang tao, masyado pa bang maaga? tinignan ko ang relo ko at nakitang mag-na-9:00 am palang. Excited ako eh, hehehe. Naghintay ako sa upuan sa harap ng office na sinasabi ni ate kanina.

---

Lumipas ang 30 minutes at wala pa ata yung mag-i-interview sa'kin. Hahanap muna ata ako ng ibang raket at babalik nalang mamaya eh?

Tinext ko si Jonson na nandito na ako, ngunit nag-reply siya na 10 am pa daw ang start ng interview. Bakit ba hindi niya agad sinabi sa'kin 'yon? Hmpk! hihintayin ko nalang dahil 30 minutes nalang din, kesa bumalik-balik pa ako.

"Gusto ko talaga dito. Pag ako na-hire dito kahit janitress lang ay okay na ako. Gwapo ang boss nila dito! Nakakamatay."

"Ahhhh! true ka diyan, girl. Sobra at makamandag!Pang-international ang ka-gwapuhan!"

Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-haharutan at nag-titilian na parating. May hawak pa silang mga folder. Siguro ay magaapply din ang mga 'to. Pagkatapos no'n ay sunod-sunod na ang mga babaeng nag-hahagikgikan na dumating. Ano ba ang meron?"

"WHAT ARE YOU ALL DOING HERE?!"-napatingin kami lahat sa nagsalita--i mean sumigaw.Shete, ang gwapo ni fafa!

"M-mag aapply po sana kami."-sagot ni ate. Kanina todo hagikgik to ,ngayon nauutal na. Sabagay nakakautal naman talaga ang isang 'to. Galit na galit eh, parang sasabog na dragon.

Dare-daretsong nag-lakad si kuyang gwapo sa tapat ng office kung saan kami naka upo, sakaniya office 'to? Ang laki, at malinis sa loob, mukha tuloy mabango.

Bago pa siya tuluyang makapasok doon ay tumingin siya saakin.

"YOU!"-turo niya sa akin. Ako ba?

"Ako po ba?"- tanong ko, sabay turo pa sa sarili ko.

"Yes,come with me."-sabi niya.

Huh? Bakit ako?

----

My Perfect Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon