Natalia's POV
Gabi na. Uuwi na ako bukas sa Manila. It's 11:30 pm and I still can't sleep. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin kanina ni Mama.
Ang lupa namin ay malapit nang matubos. Pwede na akong mag-resign. Pero magre-resign na ba ako? Kung tutuusin ay mas gusto ko rito sa Pampanga nalang manirahan. Simple lang ang trabaho. Walang polyusyon. Wala extra gastos dahil wala na akong babayarang apartment. At nakakapiling ko ang aking pamilya.
May part saakin na gusto kong mag-resign nalang, pero mayroon din naman na gusto kong manatiling magtrabaho. Ako ang nag-bayad sa kalahati ng halaga ng lupa namin, at nabayaran ko 'yon ng madalian dahil sa boss ko. Pero nakakapagod ang trabaho, mas gusto ko ang trabahong bukid kaysa sa naka aircon ngunit 'di ka naman nakakain sa tamang oras.
Hindi ko talaga alam. Ang daming pero, ang daming ngunit. Naguguluhan ako.
Umiling ako. Mag-reresign na po ba ako? Lord, bigyan niyo po ako ng sign, please.
*Vibrate.*
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito. Baka si Jonson lang 'yan. Hindi ko na pinansin at pinikit ang mata. Siguro ay nasa limang minuto ng nakapikit ang mata ko. Pero isa lang ang nasa isip ko. "Magreresign ba ako o hindi?"
*Vibrate.*
Muli nananaman akong napatingin sa cellphone ko. Istorbo talaga 'tong Jonson na 'to. Habang tinitipa ko ang passoword ko ay nag-vibrate muli ito. Ano kayang kailangan nito?
Sir Benjamin:
Where are you?Nevermind. Don't answer my question.
I was just thinking and wondering how what are you doing.
I don't care. Don't mind me.
Napakunot ang noo ko. These past few days ay nagiging weird na para saakin si Sir Benjamin. Simula nang i-reject ko ang plano niyang magpakasal-- kapag talaga naaalala ko ito ay nangingilabot ako-- ay naging ganito na siya. Palagi na siyang nagte-text, at pumunta pa nga siya sa bahay dib-- ay teka lang, dahil 'yon sa may sakit ako 'di'ba? Ano ba 'tong iniisip ko?
Pero ang sabi kasi ni Jonson ay hindi ganoon ang trato ni Sir Benjamin sa mga employees niya. So?... siguro ay natatakot lang siyang mag-resign ako dahil ako lang ang nakakatiis sakaniya. Kaya siguro siya ganoon. Tama!
Napabalikwas ako nang bumukas ang pinto sa kwarto ko.
"Oh, Anak? Bakit gising ka pa? Maaga ka pa bukas para lumuwas sa Maynila ah?"-si Papa pala 'yon. May dala pa naman siyang flashlight, muntik na akong matakot.
"May iniisip lang po, Pa."-sagot ko. Lumapit siya saakin at umupo sa kama ko, ganoon din ang ginawa ko upang mapantayan siya at makausap ng maayos.
"Sana at hindi pa kasal ang iniisip mo ah."-sabi niya at tumawa. "Biro lang, sa ganiyang edad ay dapat nakikipagdate ka na, Anak. Baka ikaw ay tumandang dalaga. Gusto ko pa naman ng maraming apo, naku!"-dagdag niya.
"Papa naman! Bata pa po ako! At hindi muna po ako mag-aasawa hangga't hindi ko napapatapos si Nathan ng pag-aaral. Kayo po muna ang priority ko 'no."-sabi ko sakaniya at yinakap siya. Tumawa naman siya.
"Hay naku, Anak. Okay lang kami 'no! Basta gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay. Andito lang kami para suportahan ka."-sabi niya at niyakap din ako.
"Nga pala, nakapag-isip ka na ba kung magre-resign ka na sa trabaho?"-tanong niya. Napabitaw ako sakaniya.
"Hindi pa po. Nag-iisip pa po ako. Sayang din po kasi. Makakaipon po ako ng malaki roon sa trabaho ko."-sabi ko sakaniya. Tinignan niya ako.
"Basta kung saan ka komportable at masaya, Anak. Susuportahan ka namin. Osya na at mag-pahinga ka na. Maaga ka pa bukas. Mamimiss ka nanaman namin. Goodnight, Anak."-sabi ni Papa at tumayo na upang bumalik sa kwarto nila ni mama.
"Sige, Pa. Goodnight po."-sabi ko at humiga na. Napatingin ako sa cellphone ko. 3 missed calls from Sir Benjamin? Ano kaya ang gusto nito? Nag-vibrate ito. May nag-message.
Sir Benjamin:
Are you okay, Natalia? Answer my calls.
Muling nag-ring ito. Nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko ba itong sagutin. Pero sa huli, syempre sinagot ko ito.
"Are you okay? Where are you?"-'yan ang bungad niya saakin.
"Okay lang po. Nasa Pampanga po ako. Umuwi po ako sa pamilya ko."-sagot ko sakaniya.
"Okay, I'm relieved that you're fine. I'll blame myself if something bad happen to you."- he murmured. Hindi ko naintindihan! Narinig ko pa ng mga mabigat niyang pag-hinga na para bang hindi siya mapakali, hindi alam ang sasabihin, at kinakabahan.
"Goodnight, Natalia."
*Call ended.*
Ibinaba ko ang phone at natulala. What was that for?
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...