Natalia's POV
Natapos ang araw kahapon nang matiwasay. Parang normal na araw lamang. Ngayon ay madaling araw palang. Mas maaga ang gising ko ng isang oras ngayon compared sa araw-araw na gising ko dahil pupunta ako sa mansion ng aking pinakamamahal na boss. Ang kaniyang personal assistant sa kanilang bahay ay nag-resign na, kaya ako ang magiging assistant niya. Sandali lang ang trabaho, paghahanda ko lamang siya ng kaniyang susuotin sa trabaho. Easy peasy, lumaki pa lalo ang sweldo ko. Isang taon siguro ng pagtatrabaho ko sakaniya ay mababayaran ko ang lupa namin eh, pero joke lang 'yon.
Nag-handa na ako para sa pag-punta ko duon. Na-orient na ako kahapon ng isang kasambahay niya, I mean ang kaisa-isa. Ayaw niya sa maraming tao. Meron siyang isang driver, isang cook at isang kasambahay sa bahay niyang pag-kalaki-laki.
Pagkatapos kong maghanda ay umalis na ako ng bahay at nag-tungo sakaniyang bahay. Pagkababa ko ng sasakyan ay dumaretso na agad ako sa walking closet niya na nasa loob ng kwarto niya. Maayos ang kwarto niya pag-kapasok ko duon. Take note, mabango ito at nabigyan na'ko ng pahintulot kahapon pa kaya pwede akong pumasok dito, dito nga lang. Malamang, saan ko pa ba gustong pumasok? Wala, trabaho lang mga sis.
Naririnig ko ang bagsak ng tubig sa kabila. Baka siya ay naliligo na. Nag-lakad-lakad ako habang namimili ng suit na kaniyang susuotin. Necktie, relo, at sapatos. All set.
Lumabas na'ko duon dahil nahanda ko na ang dapat kong i-handa. Dumaretso na ako sa dining area upang ma-check kung naayos na ba ang agahan niya.N ag agahan na ako saamin kaya no worries.
Tapos ko na ang lahat ng gawain kaya hihintayin ko nalang siya.
"Miss Guevarra!"- napatingin ako sa hagdan nang marinig ko siyang sumigaw. Shet?ano bang mali kong nagawa?
"Yes, Sir? Is there something wrong?"- tanong ko at lumapit sa hagdan habang siya ay bumababa at inaayos ang kaniyang neck tie.
Umikot siya saakin harapan na ikinigulat ko. Huh?
"How do I look?"- tanong niya sa'kin. Ngumiti ako sakaniya. Heto nananaman siya, ang linyang para kay Benjamin De Leon lamang.
"You look perfect,sir."- I said. Walang hesitasiyon. Baka hindi ako suwelduhan, eh. Mahirap na.
"Good, let's go."-sabi niya at nag-lakad palabas ng mansyon.-Ang driver ay naka-abang na labas at naka-ready na rin ang sasakyan.-Pinag-buksan siya ng pintuan at siya'y umupo na sa likod habang ako ay umupo sa front seat.
"You did not eat your breakfast, Sir? Pag-re-ready ko po ba kayo ng breakfast sa opisina?"-tanong ko. Hindi niya ako pinansin dahil busy siya sa kaniyang cellphone. May katext siya duon at konti nalang ay didikdikin niya ito. Halata ang inis niya dito, nakakunot pa ng kaniyang mga noo at pinag-ki-kiskis ang kaniyang mga ngipin.
"Sir?"- kuha ko muli ng atensiyon niya.
"WHAT?!"- napatalon ako saaking upuan sa sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko pati narin ang driver. Ano bang problema neto?
"Pag-ha-handa ko po ba kayo ng breakfast sa office?''- I asked again. Etong dragon na'to! Kapag ako nainis dito papababain ko 'to ng sasakyan. Joke,sakaniya pala 'to.
"Maybe."- sabi niya at muling nag-tipa sakaniyang cellphone.
MAYBE?! SERIOUSLY?! ANO 'YON 50/50? BAHALA SIYA DIYAN KAPAG HINDI NAKAPAGLUTO ANG COOK SA BUILDING, SIYA RIN NAMAN ANG MAGUGUTOM. ANONG MAYBE SIYA D'YAN? MAYBE PAG-HA-HANDA KO SIYA, MAYBE HINDI? GANO'N NA BA SIYA KALUTANG?
Pinilit kong ngumiti kahit asar na asar na 'ko sa boss kong dragon. Leche talaga 'to, kung hindi lang malaki ang sweldo ko dito...
Nakarating kami sa building, sa wakas. Pinag-buksan siya ng kaniyang mga bodyguards. Hinintay ko siyang lumabas bago kami nag-lakad papasok. As usual, magbo-bow ang mga tao habang siya ay dara-daretso lang. Pinindot ko ang floor namin sa elevator. Naiwan na ang mga bodyguards sa labas.
"Miss Guevarra?"- napatingin ako sakanya nang tinawag niya ako. Ano nananaman kaya ang gusto neto?
"Yes, Sir?"-sagot ko.
"When do you want to get married?"
"Po? Ako po?"-nagulat ako sa tanong niya. Tinignan niya ako ng masama. "Bakit po?"-yayayain niya ba ako?
"Nevermind, tss"-sabi niya at inirapan ako.
*kruu *kruuu
Nagkatinginan kami. Nagpipigil ako ng tawa dahil kumulo lang naman ang tiyan niya. Ayan ha, maybe-maybe ka pa. Bumukas ang elevator at dali-dali siyang lumabas dito at pumasok sa kaniyang opisina. Ako naman ay inilabas ang tawa na kanina ko pa pinipigilan. Nang malabas ko na lahat ay dumaretso na 'ko sa office niya.
"Sir? What do you want for breakfast? Coffee, tea, juice, or water?"- tanong ko. 'Di 'ko pa rin malimot yung kanina .Ang yaman-yaman niya tapos ay ginugutom niya lang ang kaniyang sarili, tss.
"Coffee will do, and I want some burger."- tumango ako at umalis na. Baka pag-naalala ko pa ay matawa ulit ako at baka ma-fired pa 'ko sa trabaho. Ayaw pa naman niya na tinatawanan siya.
Tinawagan ko si Patricia para makapag-order na. Bababa na rin ako para kunin iyon, fast delivery naman ang mga restaurant pagdating sa De Leon Corp. dahil kilala ito at halos lahat ng restaurants ay nakapalibot saamin.
Nakita ko ang mga engineers sa loob na nakatambay at nagkakape. Sabagay, maaga pa naman, pero yari ang mga 'to kung makita sila ni Sir Benjamin.
"Good morning, Miss! Maganda ka pa sa umaga!"- bati ng isang engineer. Bumati na rin ang iba, nginitian ko silang lahat.
"Good morning din!"-sagot ko.
"Ang ganda mo, miss. Kailan mo balak mag-asawa?"- nag-tawanan silang lahat sa tanong ng kanilang kasama. Maging ako ay natawa ngunit napawi ito nang maalala ko 'yung tinanong kanina ni Sir Benjamin sa'kin.
"WHEN DO YOU WANT TO GET MARRIED?"
Wews, nevermind.
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...