Natalia's POV
*Sir Benjamin calling...*
Pinunas ko ang basa ko'ng kamay sa aking shorts para sagutin ang tawag. Kakatapos ko lang kumain at uminom ng gamot. Ngayon ay naghuhugas ako ng mga pinagkainan at pinaglutuan ko kanina.
"Hell---"
"Are you okay now?"-'yan ang bungad niya saakin. Umirap ako, ano ba talagang gusto nito?
"Feeling better na po, pero hindi po ako sure kung makakapasok na ako bukas--"
*toot toot toot*
Tinignan ko ang screen ng cellphone ko. Nakitang kong nag-call ended nga ang tawag. Naiinis na ako ha, ano ba talagang gusto nito?
Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok doon. Pumasok agad sa isip ko na baka si Sir Benjamin iyon. Inayos ko ang aking suot bago naglakad papalapit sa pinto. Ang pangit ko! Nakasuot lang ako ng maikling shorts at oversize na t-shirt! Nang papalapit sa pintuan ay gusto kong umatras at magpalit ng mas maayos na damit. Ano pa bang maayos, Natalia? Bahala na!
"Hoy, babae! Bakit ang tagal mong pag-buksan ako ha?! Sabi mo sa bahay ka magdidinner ngayon ha!"-napatalon ako sa gulat.
"GINULAT MOKO!"-sigaw ko sakaniya. Nilapitan ko siya at binatukan. Tinawanan niya lamang ako. Heto palang hinayupak na 'to ang kumakatok. Kibabahan pa ako at muntik nang magpalit!
"Oh, ayan! Ipinagdala kita ng ulam. Okay ka lang ba? Balita ko ay hindi ka pumasok."-sabi niya at umupo sa sofa.
"Sa'n mo naman nalaman yan? Tss."-sabi ko at nilagay sa bowl ang ulam na dala niya. Ire-ref ko muna ito at uulamin nalang bukas dahil nakakain na rin naman ako.
"Kay Aling Maring. May pumunta pa nga daw ditong nakakotse kanina. Ang ga-gwapo raw at may dalang maraming pagkain. Umamin ka nga sa'kin, may jowa ka na ba, ha?"-sabi niya. Napalingon ako sakaniya at sinara ang ref. Tinaasan niya ako ng kilay. Jowa? Wala!
"Chismosa talaga 'yan. Si Sir Benj 'yong kanina. Pinagdala lang ako ng pagkain at nangamusta na rin. At pwede ba, wala akong jowa. Marami pa akong dapat gawin. Sinusustentuhan ko pa ang pamilya ko, at pinagaaral ang kapatid----"
"TALAGA? SI SIR BENJAMIN?! AT BA'T SIR BENJ ANG TAWAG MO SAKANIYA? PAMILYA KA?PINUNTAHAN KA DITO? SHET! DALAGA KANA!"-tumayo siya at parang gulat na gulat sa nalaman . Ilang beses ba ako mapuputulan sa pagsasalita ngayong araw? Mga bastos talaga ang mga kausap ko 'no? Parang mas tumaas tuloy ang lagnat ko dahil d'on.
"Pwede ba? Umuwi kana roon. Magpapahinga na ako."-sabi ko at itinulak siya palabas.
"Okay, okay, 'wag mo akong palayasin. Isusumbong kita kay Tita, sige ka."-sabi niya at nagsign pa siya na lagot daw ako. Nginisian ko siya.
"As if naman maniniwala siya sa'yo 'no, belat! Alis!"-sigaw ko at ni-lock ang pintuan. Sabay nang pag-lock ko ay ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan sa labas. Ano nananaman kayang mayroon? Tss.
Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos no'n ay chineck ko ang temperature ko at medyo bumaba na ito. Wala na'rin ang bigat ng katawan na nararamdaman ko simula kaninang umaga. Baka pwede na akong pumasok bukas. Konting pahinga nalang ito.
*Vibrate.*
Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito. Tinignan ko kung sino ang nag- message.
Sir Benjamin:
Don't go to work tomorrow and on Friday to prevent spreading the virus.
That's the message. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako rito o maiinis sa kaniya. Virus?siya kaya ang virus saaming dalawa. Hindi ko siya nireplyan. Naisipan kong itext si Mama.
Ako to Mama:
Hi, Ma? Tulog ka na? Kamusta na po diyaan?Mama:
Okay lang. Kailan ka ba uuwi rito? Miss ka na namin ng tatay mo. Magpahinga ka diyan ha, 'wag mong pwersahin ang sarili mo.Napangiti ako sa text ni Mama. Thoughtful talaga si mama kahit kailan. Nagtipa ako ng reply sakaniya.
Ako to Mama:
Oo, Ma.Bukas po gusto niyo po bang umuwi ako diyan? Hanggang kinabukasan po ay wala po akong trabaho.Mama:
Talaga, Nak? Magluluto ako ng paborito mo. Matulog ka na at magpahinga. See you tomorrow anak. Ingat sa byahe. Mahal ka namin.Mahimbing akong natulog ngayon gabi.
Tumunog ang alarm sa aking cellphone kaya nagising ako. Sobrang ayos ng gising ko dahil makakauwi na ako ng Pampanga. I miss my Mama, Papa, and ang bulok kong kapatid.
Nag-ayos ako at inihanda ang bag na dadalhin. Sinarado ko lahat ng bintana, at siniguradong naka-lock lahat ng pinto bago umalis.
Nang nasa bus station na ako ay nakatanggap ako ng isang text. Si mama talaga excited.
Sir Benjamin:
Where the fuck are you going?
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...