Natalia's POV
It's been a month since I started working at De Leon Corp, and under of Sir Benjamin. Sobrang dami kong natutunan. Sobrang dami kong nalaman sakaniya. Feeling ko nga basang-basa ko na siya eh. Lahat alam ko na. Parang master ko na lahat sakanya. Hindi ba naman ako pinag-day= off. Buong buwan siya lamang ang kasama ko.
Halos lahat sakanya ay alam ko na. Kung paano siya ginagalang ng mga tao, gaano siya kaistrikto, at gaano siya katalino. Perfect nga siya kung tutuusin.
Papasok na ako .Sa sobrang bait ng boss ko ,at sa sobrang perfect niya. Ayaw niya akong nahihirapan kaya pinahiram niya ako ng isa sa mga kotse niya. Nung isang araw kasi nalate ako dahil sa traffic at dahil sa ang daming tao ang nag-co-commute. Para less hassle daw, pinahiram niya ako. Bait niya diba?
Sumakay na ako sa kotse ng boss ko. Pinag-driving lesson niya ako ng isang oras sa isang araw n'un para lang matuto ako. Laking pasasalamat ko talaga dito kahit ubod siya ng sungit.
Pagkarating ko sa building ay dumaretso na agad ako sa office ko para ibaba ang mga gamit ko, atsaka pumasok sa office niya para icheck kung meron bang mali duon. Mula sa upuan, lamesa, mga cabinet, mga bagong papeles, bintana at iba pa. Wala talaga akong makitang mali,o ano pa man. Binuksan ko ang aircon niya para mamaya ay malamig na sakanyang opisina.
Bumaba ako muli ng first floor para itanong kung meron bang naka-assign na appointment si sir ngayon, at kung meron man, para makapagpa-reserve na ng driver. Maarte kasi sa oras si Sir. Gusto niya palaging on time, kaya dapat ang mga driver namin ay laging naiinform 1 hour before.
"Ngayong morning po ay wala pa, Ma'am. I'll send the call to your office kung meron man po, and I'll inform one driver for sir po."-sagot ni Patricia. Patricia ang pangalan ni ateng puti ang ngipin nu'ng una akong pumunta dito, nakaclose ko siya. At kapag may time ay sabay kaming nag-lu-lunch. Pero madalas kasi ay si sir Benjamin ang kasabay ko.
"Ayan na po si Sir."- bulong ni Patricia sa'kin. Napalingon ako sa entrance at nakita siya kasama ang dalawang bodyguards. Hindi yan nawawalan ng bodyguards 'no. Kitang-kita ko kung paano yumuko ang mga tao para magbigay galang sakanya, samantalang siya ay dare-daretsong nag-lakad papunta sa elevator. Tumabi din ang mga workers na nag-hi-hintay duon upang paunahin siya.Special.
Naglakad ako papunta sakanya.L agi namang ganito, sabay kami pupunta sa office dahil ayaw niyang pumipindot ng buttons sa elevator. Yes,that's my boss.
"Good morning, Sir."- I greeted. Pinindot ko ang floor namin sa elevator. "Wala po kayong appointment for this morning, in the afternoon po meron po kayong meeting with the boards for the financial report for the month of February. After po nun is wala na."
"Inform the driver that I will go to Branch 2 in 15 minutes."- walang sabi-sabi ay kinuha ko ang cellphone ko para matawagan si Patricia upang makapaginform ng driver.
Bumukas ang elevator kaya sabay kami pumunta sa kaniya-kaniyang opisina.
Nag-notification sakin ang isang news na may kinalaman kay Mr. Lee kaninang umaga. Mr. Lee is the head of branch Makati, kaya siguro kami ay pupunta duon dahil nag-fail ang isang project nila.M ukhang may matatanggalan nananaman ng trabaho, hays.
Tumawag sakin si Patricia na nakaready na ang van na aming sasakyan papunta duon, kaya pumunta na'ko sa office ni Sir.
"Sir, asa baba na daw po ang driver."-sabi ko. Meron siyang bino-browse sakanyang laptop, at titig na titig siya duon. Sa isang buwan kong nagtatrabaho sakaniya, hindi parin ako nag-sasawa sa pagmumukha niya. Gwapings kasi.
"Okay, let's go."-malamig na sabi niya lamang.
Sabay kaming bumaba, at sumakay sa van papunta duon.
Pagbabang-pagkababa niya sa labas pa lamang ng branch Makati ay nakasunod na sakanya--I mean saamin ang mga bodyguards niya. Ngumiti ako sa mga taong yumuko at bumati saamin, pero ang boss ko ay dare-daretso lamang. Ngumuso ako, hindi ba ito tinuruan ng manners na kapag binati ka ay batiin mo pabalik?
Umakyat kami kung saan ang office ni Mr. Lee. Walang katok katok ay pumasok siya duon. Nakita namin siyang nakaupo sa upuan na nakalaan para sakaniya, nakataas ang paa sa lamesa, umiinom ng wine at nanunuod ng isang action movie sakanyang TV. Agad siyang napabalikwas nang makita niya ang kanyang boss. Umiling ako. Alam ko na ito. Napanood ko na ito eh.
"How can you chill when one of your big project is failing, Mr.Lee?"-panimula ni Sir Benjamin habang inililibot ang tingin sa opisina ni Mr. Lee.
"Sir---"- hindi paman natatapos ang sasabihin niya ay lumabas na ng kaniyang opisina ang boss ko. Okay, alam ko na ang aking gagawin. Replay lang ito. Ilang beses na ba ito nangyari? I can't remember, anymore.
"Good morning, Sir Lee. Hayaan niyo na po muna y'un. I think you should go home early now."-sabi ko sakanya at nginitian siya. Galing sa nakakaawang mukha ay ngumiti siya sa'kin. How can you smile when 20 people are critical at the hospital right now?
"Talaga? Pwede akong umuwi ng maaga ngayon?"- sabi niya sa'kin, kaya tumango ako sakaniya at muling ngumiti. Umuwi ka na at huwag nang bumalik pa.
Tumayo siya at kinuha ang gamit sa lamesa. " Narinig mo yun, Maris? Mauuna na muna ako sa'yo" -paalam niya sakaniyang sekretarya. Lumabas siya ng kan'yang opisina. Poor, Mr.Lee. Sana ay sinulit niya muna ang magarbong office niya at nag-paalam ng maayos dito.
"Magtatrabaho pa naman siya dito, hindi ba? Pinatawad naman siya ng Boss natin? "- tanong sakin ng sekretarya niya. Ngumiti lamang ako at may idinial na saaking cellphone.
"Good morning, please clean Mr. Lee's table. Tanggalin niyo lahat ng nandito. Salamat."-binaba ko ang call at tumingin kay Maris. "Kailan ba nagbigay ng second chance si Sir De Leon?"
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...