Chapter 4

3.3K 69 0
                                    

Natalia's POV

Nakatapos na kami ng dalawang meeting ngayong araw at feeling ko ay sobrang pagod namin dahil sa mag-kaibang building ito ginanap. I can feel my boss tiredness dahil papikit-pikit na ang kaniyang mga mata. Ngayon ay pabalik na kami sa main building. Paano ba namang hindi mapapagod 'to eh nakikipagdebate sa nag-re-report or sa taong nagsasalita sa harapan. Hindi ata siya nawawalan ng sasabihan, komento, at opinyon, eh. Naalala ko tuloy kung pa'no na roasted si ate girl kanina.

"You have your calculator, I have my mind. How come I can calculate the total company expenses correctly and for less that 30 seconds? Gan'yan na ba kayo ka-incompetent?"

Sisigaw sana ako ng roasted kaso alam mo naman ang boss ko. Baka matanggalan pa ako ng trabaho. Sobrang harsh niya sa mga employees niya, and ayokong maramdaman yung ka-harsh-an niya.

"Sir, andito na po tayo"- And finally makakapagpahinga na rin kami. Sobrang sakit na ng paa ko dahil sa 4 inches na heels na 'to, tapos buong oras pa akong nakatayo, naglalakad at tumatakbo. Over acting na ako, sorry.

Lumabas kami ng kotse at sabay umakyat papunta sa 9th floor.

"Let's meet my parents in 5."- malamig na sabi niya. Kala ko pa naman makakapagpahinga na ako--- Wait? Parents? Bakit pati ako?

"Pati ako Sir?"- takang tanong ko. Tinignan niya ako ng masama. Hobby niya bang tignan ako ng masama? Kanina pa 'to ah. "Sabi ko nga po, pati ako."

Ano 'to meet the parents eh wala namang kami? tss. Char, isasama lang naman niya ako dahil sa secretary niya 'ko. No more and no less. Masyado akong assumera, hahaha!

"Rest for 5, nasabihan ko na si Patricia."- Nagulat ako sa sinabi niya. Pumasok na siya sa office niya.Wow, first time yon! I don't need to call Patricia dahil nasabihan niya na ito. Anong nakain nito at mukhang bumabait na siya? Char!

Pumasok ako sa office ko. Oh! I miss the scent of my office. Yung lamig ng office ko, shet.Minsan ko nalang maramdaman 'to dahil palagi nalang kaming nasa conference dahil sa sunod-sunod na meeting ng company dahil sa failing project ni Mr.Lee. Naapektuhan yung finance ng company ng mga 5%, char. Big project kasi 'yon, kung magiging successful yon ay mas tataas pa sana ang mapapasok na pera sa kumpanya, and ofcourse mas makikilala ito, kaso nga lang ay nagka-aberya. Inaayos naman na.

Nakita ko na siyang tumayo at nag-ayos ng coat kaya tumayo na rin ako. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin bago lumabas. Ganda ko, perfect.

"Let's go, sir?"- I ask. Tumango siya sa'kin. Hinayaan ko siyang mauna sakin at pagkatapos ay nag-lakad na ako sa likuran niya.

"Please act normal. Be comfortable. I hate how you act during our meetings. You're so stiff. Tamaan ka lang ata ay mawawalan ka ng hininga."- sabi niya na ikinagulat ko. Tumango nalang ako para wala ng pinaguusapan.

Act normal sa harap ng mayamang pamilya. Madali ba iyon? Bakit parang nakaka-pressure?

Nakarating kami sa isang magarbong restaurant. May choirs pa na tumutugtog at kumakanta ng slow music, sobrang sarap sa tenga. Sobrang ganda dito.

"Close your mouth."-napatingin ako ng daretso sa sinabi niya. Sinara ko ang bibig ko. Ganu'n na ba ako kamangha at kabana? Natalia, ayusin mo!

"Let's go."- sinundan ko siya. Pumasok kami sa isang malaking pinto. Nagulat ako sa aking nakit. It's a big dining hall! Yes, hall! Parang ganito na 'yung size ng bahay namin eh, tapos dining lang sakanila? Unfair!

"I said close your mouth."

"Nakasara naman po, eh."-I said and pouted.

"Son."- tawag ng ina sa anak.

He kissed her mother, and nag fistbump naman sila ng Papa niya. Well, I find that cool.

"Good Afternoon po"- I greeted. "I'm Natalia po. Sir Bnejamin's secretary."- then smiled.

"Please take your sits. Let's eat."- aya ng mama niya, binalewala ang pagpapakilala ko. Ngumiti naman siya eh. Okay na siguro 'yon?

Ang mama niya ay parang dalaga lamang. Siguro ay mapagkakamalan mong nasa 30's palang siya kung hindi mo alam na may anak siya. Ang papa niya ay kamukhang-kamukha naman niya.

"Brenna is not here, she's with her boyfriend in Macau."-nagsimula na silang kumain, ako naman ay nahihiya kaya ininom ko muna ang tubig dito.

"Go, hija. Eat. Don't be shy. You've been his secretary for almost a year, palagi ka niyang ikinu-kwento saamin, kung gaano ka ka-hard working."- sabi ng Papa niya. Shet, ang cool lang. Ngumiti ako at nag-simulang kumain.

"You know what hija, I told Benj to get married na. He's old already---"

"Ma! "- naiinis na sabi ni Sir sa mama niya. Tinaasan siya ng kilay ng mama niya.

"What, Benj? You're shy because your secretary will hear this? Come on, baka may i-reto sa'yo, eh!" -Tumawa ang papa niya. "Don't mind her, Hija, So 'yon na nga. He's old already and I want a grandchild na from him!"

"Ah ,gano'n po ba, hehehe."- ano ba ang dapat kong sabihin? Or dapat ba talagang may sabihin ako? Ugh, I don't know anymore. "I believe po na marami naman pong may gusto sa anak ni'yo, kaya po hindi naman po siya mahihirapang humanap ng mapapangasawa."- sabi ko. 'Di ko na nga alam ano ang isasagot ko sa mama niya. Is that enough?

"Ang gusto ko kasi para sakaniya, Hija is yung kilala na siya. Memorize na lahat ng galaw niya. 'Yung kayang intindihin yung pagka-moody niya---"

"Mom! You talk about me like I'm not here with you! Stop it."-putol muli ni Sir Benjamin, eto naman ang bastos, hindi pa tapos mag-salita si mama niya ay pinuputol niya na.

"Bakit ba, Benj? I like your secretary. She's so beautiful and so magalang, unlike the past girls you dala sa bahay and who join us for lunch or dinner!"-Ay? nagdadala pala siya ng babae sakanila?

"Those are not my girls! Those are my business partners. Papa wants to meet them so I invite them. I don't even like them. "-Benjamin expained.

"Your son is shy, darling. Malaki na kasi 'yan"- Tawa ng Papa niya.

"Basta Hija, I got you! Ikaw na bahala sa anak ko ha. I like you very much!"

My Perfect Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon