Natalia's POV
Nagising nananaman ako dahil nararamdaman kona ang bara saaking lalamunan.Walang atubili akong tumayo at tumakbo papunta sa lababo.Pilit akong nasusuka ngunit wala naman akonh sinusuka kung hindi tubig lamang.
Napahawak ako sa aking noo pagkatapos hilamusan ang sarili.Higit isang buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala parin akong nakikitang bakas ni Benjamin.Kahit sa mga text ko sakaniya ay hindi siya nagrereply.Oo,nanatili ako sa Maynila,dahil umasa parin ako na babalik siya saakin.At ang pag-asa 'kong iyon ay unti unti ng naglalaho.
Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat ng ito.Kinakaya ko.Napahawak ako sa munting tiyan ko.Magda-dalawang linggo na akong ganito.Nagigising ako palagi sa umaga dahil gusto kong sumuka,nagiging moody ako at mapili na 'rin sa pagkain.
Natatakot ang magpacheck-up dahil baka tama nga ang hinala ko.Natatakot ako kung tama nga na mayroong bata sa tiyan ko,natatakot ako para sakaniya,wala siyang tatay.Pero gayun pa man ay nilalakasan ko ang aking loob.Kahit hindi kopa sigurado kung mayroon nga itong laman ay inaalagaan ko ang aking sarili.
Ngayong araw na ito ay balak ko ng magpacheck up.Sasamahan sana ako ni Jonson ngunit may trabaho siya.Kinwento ko ang lahat lahat sakaniya,dahil kaibigan ko siya at alam kong maiintindihan niya ako.Alam na'rin nila mama ang nangyari.Gusto na nila akong pauwiin doon ngunit ayaw ko.Ang sabi ko ay mananatili muna ako dito sa Maynila.Pinayuhan na'rin ako ni Mama na magpacheck up,ani pa niya na kahit lalaki ang batang ito ng walang tatay ay magiging kuntento ito dahil susuportahan din nila ito.Dahil nagtatrabaho na ang aking kapatid at siya na ang sumusustento kila mama.Buti nalang at may konting ipon ako na panggastos araw araw.Nagtatrabaho din ako online sa isang company,gamit ang laptop ko sa bahay upang kumita.Minsan ay pinapadalhan din ako ng aking kapatid.
Kumain muna ako bago nag-ayos.Kahit ano man ang maging resulta sa pagpapacheck up ko ay lubos kong ikakatuwa.Tinext ko muna sila mama na aalis ako para magpacheck up bago lumarga.
Nagsuot ako ng facemask para safe sa usok.Medyo maarte na 'rin kasi ako sa pangamoy,kaya nga si Jonson ay laging naiirita saakin dahil hindi ko siya pinapapasok sa bahay dahil naiinis ako sa amoy ng damit niya.
Bumaba ako ng jeep at tinignan ang isang clinic.Dumaretso ako doon at tinulak ang pinto.
"Good morning,ma'am."-bati saakin ng isang nurse.Nginitian ko siya at sinabi ang pakay sakaniya.Pina-fill up niya muna ang isang form at guinide ako sa office ng doctor.
"Good morning,Miss Natalia.Upo ka."-bati nito.Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya.
"Kamusta naman po ang iyong pakiramdam?"-tanong niya.
"Ayos lang po ako.Medyo nahihilo at nasusuka lamang po."-sagot ko sakaniya.Tumango tango siya at tinignan ang form bago bumalik ang tingin saakin.
"Ano paba yung mga nararamdaman mo this past few day?"-tanong niya ulit.
"Nagigising po ako na nasusuka,pero tubig lang po ang sinusuka ko palagi.Nagiging maarte po ako sa pangamoy at panlasa ko ngayon.Madali rin po akong mapagod."-sabi ko.Actually marami pa akong nararamdaman na iba,pero kung sasabihin ko iyon lahat ay baka maover acting-an na siya saakin.
"Kailan po ang last period niyo?"-tanong niya.I didn't have my period last month,so probably last last month ang last period ko.
"Last last month po."-sagot ko sakaniya.
"okay,ngayon ay ipapatry ko sa'yo itong prenancy test.Dalawa ang itatake mo para makasigurado tayo.Ang mga nararamdamn mo kasi ay sign ng pagbubuntis 'yan.Alam mo naman kung paano gamitin yan,hindi ba?Mayroong cr diyan sa gilid.Hihintayin kita dito ha."-sabi niya at iniabot saakin ang dalawang box ng pregnancy test.
Naglakad ako papasok sa cr.Kinakabahan ako at naeexcite at the same time.Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ganitong sitwasyon.
Binasa ko muna ang instructions atsaka ito sinunod.Ang unang pregnancy test ay may dalawang guhit ngunit ang pangalawang guhit ay malabo lang.Pero ang pangalawa ay malinaw silang parehas.I checked on the box what does that mean.
*2 lines-Congratulations!You are pregnant.
Iyan ang nakasulat doon.Natulala ako sandali tsaka namuo ang mga luha saaking mata.Hinaplos ko ang tiyan ko.Napaka saya ko.Hindi na ako nagiisa.
Lumabas ako ng CR dala ang dalang pregnancy test.
"Patingin nga ako,Miss."-sabi ng doctor.
Tinignan ito ng doctor at binigay sa nurse na nagguide saakin kanina.
"Dahil confirmed na na buntis kana,Let's do some ultrasound para malaman natin kung ilang weeks na ang baby mo."-sabi nito.Sumunod ako sakaniya.Pinahiga niya ako sa bed,kaya humiga ako doon.Pinahiran niya ng isang malamig na bagay ang aking tiyan.Nagsimula ko ng makita ang loob ng tiyan ko sa monitor.
"Heto,yung baby mo.Small pa siya because bago pa lang."-paliwanag ni doctora habang tinuturo ito.Naluluha ako sa tuwa.Hinding hindi ko pagsisisihan ang pagkabuntis ko sa batang ito.Mamahalin ko siya ng higit pa sa sarili ko.Hinding hindi ko ipaparamdam sakaniya ang pagkukulang.
Bumalik na kami sa office niya.She handed me a folder with my forms and a picture of my Ultrasound.Niresetahan niya rin ako ng vitamins,at binigyan ng schedule for my next check up.
"Thank you,Doctora."-I said.Kinamayan ko pa siya bago tumayo.
"Congratulations,you are 6 weeks pregnant.I can say na maganda o gwapo ang magiging anak mo,dahil maganda ka.See you on your next check up."-paalam nito at humalakhak.
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...