Chapter 18

2.7K 42 0
                                    

Natalia's POV

I woke up next morning,late.I checked my room.Walang bakas ng may nangyari duon.Wala na 'rin si Sir Benjamin sa doon.Totoo ba ang lahat ng nangyari?o panaginip lang ang lahat.I checked my clothes and I have it,pero hindi ito ang suot ko kahapon.I moved my legs and felt the pain.I am sore.So it's true.

Hindi ko na kailangan pang mag-ayos para pumasok sa trabaho dahil nagresign na ako.Tumayo ako kahit sobrang sakit ng nasa gitna ng aking mga binti.I took a shower.

Habang nagsasabon ay nakita ko ang mga pulang marka saaking dibdib at tiyan.Hinaplos ko ang mga ito,at parang tanga nanaman akong naiiyak ngayon.Nasaan kaya si Benjamin?

Iniisip ko pa'rin kung saan siya nagpunta ngayon.I don't want to think negative,na he run away from me,pero yun ngayon ang tumatakbo sa isipan ko.Baka bumili lang ng breakfast?tama,breakfast.

I decided to text him bago lumabas ng kwarto at magtimpla ng kape.

Ako to Sir Benjamin:
Where are you?I just woke up.

Text ko sakaniya,atsaka lumabas ng kwarto para magkape.Nagkape ako sa sala habang nanonood ng tv at hinintay siya.Dumaan ang ilang oras at wala paring nagpapakitang Benj saakin.I feel worried,disappointed and fool.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang aking cellphone.I check it kung may reply ba pero wala.Naiiyak na ako.I texted him one more time,nagbabaka sakaling hindi lang niya nareceive ang message ko kanina.

Ako to Sir Benjamin:
Hey,where are you?are you okay?

Napasalampak ako sa kama.What if?what if gusto niya lang pala ng sex sakin that's why he acts like that?what if sex lang ang habol niya saakin?he got it.So he runaway.Naluluha ako sa naiisip.Ano yon?Fuck and run.Then fuck him kung ganoon nga ang gusto niya.I'm hoping that it's not.

Lumabas muli ako sa kwarto ko para kumain ng lunch.Habang kumakain ay napag-isip isip ko na manatili muna dito sa Maynila dahil sakaniya.Kapag hindi siya nagpakita saakin ngayon linggong ito ay napaka kapal naman ng mukha niya---uuwi nako sa Pampanga.

Umaasa ako na babalik pa'rin siya saakin.Pagkatapos ng lahat ng nangyari?malamang ay aasa ka talaga.Pagkatapos kumain ay nilibang ko ang sarili ko sa iba't ibang bagay.

Kinagabihan ay chineck ko ang aking phone at wala pa'rin itong reply.I'm crying already,sobrang naiinis na ako sakaniya.I texted him again.

Ako to Sir Benjamin:
Good eve,kumain kana ba?

Yes,it sounds desperate.Pero I love him,and he said that he loves me too.Siya ang nakiusap na huwag akong iwan tapos siya ang mang-iiwan ngayon?No..Hindi niya ako iiwan.I convinced myself as I wipe my tears.

Napatayo ako nang may kumatok sa pintuan.Dali-dali akong tumakbo papunga doon.Siya na 'to,sabi kona't babalikan niya ak----I opened the door and saw Jonson with some foods and beers on his hands.Napahinga ako ng malalim.I'm disapponted.Naiinis na tuloy ako lalo.

"Arat,shot."-sabi nito at inilapag ang beer sa sala.Dumaretso naman siya sa kusina para kumuha ng plato paglagyan ng binili niyang streetfoods.

"Tara.."-malumanay na sabi ko at isinara ang pinto.Mabuti nalang may kaibigan akong gaya ni Jonson.At buti nalang nag-aya siya ngayon,I think I really need that para mapahinga ang utak ko kakaisip.

"Wowww!kwek kwekkk!"-nag-iba ang mood ko nang makita ang kulay orange sa bilog sa plato.Excited kong nilantakan ito.

"Hoy,pulutan yan.'Wag mong papakin."-sabi saakin ni Jonson at pinalo ang kamay ko.Sinamaan ko naman siya ng tingin at sumubo ng isa pa.This is my favorite,walang makakapigil sakin.

Pinagbukas niya ang ng beer,tsaka niya binigay saakin.Tinanggap ko ito at nilagok.

"Wow?problemado kaba?parang first time mo ganahan uminom ha?"-sabi niya at tumawa,sumubo siya ng kwek kwek kaya pinalo ko siya. "Lah?bakit?"

"Akin yan,mag kikiam ka nalang."-sabi ko sakaniya tsaka hiniwalay ang kwek kwek sa kikiam at fishball niya.Siya naman ngayon ang lumagok sa beer.

"Oh?kamusta trabaho?"-tanong niya.

"Wala,nagresign na ako."-sagot ko naman at uminom ulit sa bote.Tumingin ako sa malayo.Tuwing naaalala kong nagresign na ako sa trabahong iyon ay parang nanghihinayang ako.Wala na akong paraan upang makita araw-araw si Benjamin.Nalulungkot ako tuwing naiisip ko 'yon.At natatakot din ako na may makita siyang secretary na mas better sakin,pero I should be happy pag meron diba?I shouldn't feel sad.

"Huh?bakit?ang ayos mo naman don ah."-takang sabi niya saakin. "Nagkaproblema ba?"-tanong niya.

"Oo,sobrang laking problema."-sabi ko tsaka tinawanan nalang.Inubos ko ang natitirang beer sa bote ko,at nagbukas pa ng isa.I have to refresh my mind from all these shits.

My Perfect Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon