Natalia's POV
Napalingon ako sa paligid nang maka-receive ng mensahe.
"Ate, pasok na. Last na 'yan, oh."-sigaw sa' kin ni kuya. Napalingon ako sa kanan ko nang may narinig na bumusina. Isang itim na fortuner. Feeling ko ay siya 'yon. Pero ano bang pake niya?Uuwi ako sa Pampanga dahil miss ko na ang pamilya ko, atsaka hindi niya nga ako pinapasok ng dalawang araw eh.
Umupo ako sa pinakadulong upuan. Excited na akong umuwi sa'min. I miss fresh air. Dito sa Maynila ay puro pollution, dahil sa dami ng sasakyan. Miss ko na ang bukid. Miss ko na ang mga manok namin na pinapakain ko tuwing umaga. Miss ko na ang higaan ko.
Tumingin ako sa bintana. Kinuha ko ang telepono ko upang mag-text kay mama na nakasakay na ako ng bus. Nagtipa ako ang mensahe para sakaniya. Magpapaalam na'rin ako kay Jonson at baka pumunta siya sa bahay, sayang ang pagod niya.tss.
Ako to Mama:
Mama, nakasakay na po ako ng bus.Ako to Jonson:
Hoy, uuwi ako ng Pampanga. Baka pumunta ka sa bahay at wala kang maabutan. Ingat sa trabaho.Maya maya pa ay nag-reply ang dalawa sa mensahe ko.
Mama:
Ingat, anak. May sorpresa ako sa'yo. Sigurado ay matutuwa ka.Jonson:
Ingat ka 'rin, pagdala mo ako ng mani ha, yung luto ni nanay. 'Wag kang papadapa, lampa ka pa naman.Hindi ko pinansin ang mensahe ni Jonson at inisip ang message ni Mama. Excited na ako. Ano kaya ang balitang 'yon?
Humilig ako sa bintana at pinanood ang tanawin sa labas. Naalala ko ang message kanina ni Sir Benjamin. Siya ba ang naka itim na sasakyan kanina? At kagabi? Hindi ba ay may itim din na sasakyan na bumusina kagabi nang i-hatid ko palabas si Jonson. Anong mayroon sakaniya?
Umiling ako. Pumikit ako at hinayaan ang sariling matulog. Sayang ang oras at nakakainip dito.
----
Lumabas ako sa bus.Napangiti ako. Pampanga! Naglakad ako papunta sa terminal ng tricycle.
Bumaba ako ng tricycle at nag-bayad.
"Anak!"-sigaw ni Mama. Tumakbo ako papunta sakaniya. Sumama sa yakap si Papa, at kinawayan ako ng panget kong kapatid, inirapan ko naman siya.
"Hay naku, kumain ka na at siguradong gutom ka sa byahe. Niluto ko ang paborito mong almusal na champorado, at naghanda ako ng maraming gatas para sa'yo! Excited ako!"-sabi ni Mama. Nauna na siyang pumasok saamin.
"Pag-pasensyahan mo na ang nanay mo. Sabik lang 'yan sa'yo dahil minsan ka lang makauwi."-sabi ni Papa saakin, at hinaplos ang buhok ko. Madalas gawin 'yon ni Papa sa'kin nu'ng bata pa ako at hanggang ngayon naman.
"Oo naman, Pa. Alam ko po iyon. Miss ko na nga rin po kayo eh."-sabi ko at ngumiti.
"Ikaw talaga, mambobola. Sumunod na kayo ha."-Tumango ako sakaniya.
Tinignan ko naman ngayon ang kapatid ko at nilapitan. Ang laki ng ikinatangkad niya ha,n gayon ay mas matangkad na siya sakin.
"Hoy panget, nagpapakabait ka ba? Baka nambababae ka habang wala ako ha!"-sigaw ko at inakbayan siya.
"Ano ba, ate! 'Wag mo nga akong ganyanin. Ang liit-liit mo 'no. Pumasok ka na roon, ang baho mo!"sigaw niya at itinulak ako palayo. Pinamewangan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Gusto mo'ng bawasan ko ang allowance mo?"-tanong ko. Agad naman niya akong nginitian at hinila palapit sa kaniya.
"Ano ba, ate? Miss na miss kaya kita. Ang ganda ganda mo na, nakakaganda ba sa Maynila?Dalhin mo ako roon ha."-sabi niya at tinap-tap pa ang ulo ko. Bolero nga naman.
"Maganda na talaga ako dati pa 'no!"-sigaw ko at pumasok na. Ibinaba ko ang bag ko. Umupo na ako sa upuan na nakalaan sa'kin. Umupo na rin si Nathan sa tabi ko.
"Kain na kayo. Ikaw, Natalia, kumain ka nang kumain at nangangayayat ka. Kumakain ka pa ba sa Maynila?"-tanong ni mama at nilagyan ng gatas ang champorado ko. Nilagyan naman ng tubig ni Nathan ang baso ko.
"Oo naman, Ma. Iba parin po kasi kapag luto mo."-sabi ko at sumubo. Nakalahati ko ang pagkain ko bago naalala ang balita na sasabihin ni Mama ngayon.
"Ma? Ano nga po pala 'yong sasabihin ni'yo?"-tanong ko. Tinignan niya muna si Papa bago niya ako tinignan muli. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"Gusto mo na bang bumalik dito? I mean, gusto mo na bang dito na ulit tumira at hindi na bumalik sa Maynila?"-tanong niya saakin. Napatingin ako sakanila.
"Bakit, Ma? Okay lang naman po ako roon. 'Tsaka para mabayaran na po ang lupa natin. Para saatin naman po iyon."-sagot ko naman.
"May paraan na kami kung pa'no ito matutubos. At hindi mo na kailangang mag-trabaho roon. Kaya pwede ka nang mag-resign at manatili nalang dito kasama kami."
Mag-resign?
BINABASA MO ANG
My Perfect Boss (COMPLETED)
RomanceRead at your own risk. Warning: Unedited. V 1.0 Note: My Perfect Boss' chapters will be under major revision SOON. I decided to unpublish the chapters to avoid the bafflement of readers while reading the story. I can't promise to give you the best r...